Caution 4 - The New Born

461 20 18
                                    

Copyright © matthew_14, 2015.

All rights reserved.

Chapter 4

Evan’s POV

Nandito parin kami ni Kyle sa kwarto niya, hindi ako makapaniwala sa mga sinabi niya sa akin. Hindi ko inaasahan na mayroon pa lang ganung uri ng Zombie. Sa natatandaan ko, wala kaming nakaharap ng mga kasama ko dati na gano’n, pero baka bagong uri --- pero paano?

“Ang halimaw na ‘yon, kinuha niya si Kuya,” Noong nabanggit niya ang Kuya niya, bigla na lang siyang naluha, “Ang Kuya ko!” at sumabog na nga ang kanina pang nag-babadiyang mga emosyon. Niyakap na niya ako, at ako naman ay nagulat.

Ramdam ko ang sakit, ramdam ko ang kalungkutan na nararamdaman niya ngayon. Naalala ko na naman si Kuya Luke, parang ako si Kyle, nangungulila sa pamilya niya.

Hinimas-himas ko lang ang likuran ng batang ‘to, habang patuloy ang pag-patak ng mga luha niya.

“Shhh, kaya mo ‘yan,” sabi ko

Ilan pang sandali ay humina na ang iyak niya at tumahan na. Bumalik ulit siya sa puwesto niya kanina at nag-kuwento muli.

“Si Kuya Leigh, kinuha siya ng halimaw na ‘yon,” sabi niya

“Paano?” tanong ko

“Kailan lang, kami na lang ni Kuya ang nakaligtas sa pamilya namin sa trahedya na nangyari dito sa lugar namin. Ang mga Magulang namin, namatay sila sa aksidente sa sasakyan noong balak na naming umalis dito sa village dahil sa may zombie na dito, pero inatake kami at nasagasaan ni Papa ang halimaw na ‘yon, pero nabangga kami sa humaharurot na sasakyan. Hindi sila nakaligtas sa banggaan, pati na rin ang nakabangga ni Papa. Kaya minabuti na lang namin ni Kuya na bumalik dito sa bahay,sinarado na namin ‘to at tila wala ng nakatira pa.” kuwento niya

“Oh, tapos?” tanong ko

“Mayroon si Kuya na Crossbow, dalawang pistol, at Soldier Knife. Military member kasi si Kuya, kaya mayroon siyang mga gamit. Pero isang araw, habang devastated na ang village namin ay may isang lalaki na nakita namin na naglalakad, malaki ang pangangatawan nito, diretso lang ang tingin niya, nakakatakot pero alam namin na may makakasama na kami noong oras na ‘yon. Lumapit siya sa pinto namin, at si Kuya Leigh ang pumunta sa pintuan, hindi na niya ako pinasunod pero matigas ang ulo ko at sumunod parin ako. Nagtago lang ako sa isang sulok para makita kung sino ang lalaking ‘yon, pero nagulat na lang ako ng pagbuksan ni Kuya ang lalaki, bigla na lang siyang sinuntok nito at hinampas ang ulo sa pader. Nawalan ng malay ang Kuya ko, samantala naman ako ay tulala lang sa nangyari. Kinuha siya ng lalaki at umalis na. Kinuha ko pa ang Crossbow sa kwarto para iligtas si Kuya, pero bigo na akong gawin ‘yon,”

“Mahahanap din natin siya,” sabi ko

“Paano?” desperadong tanong niya

“Hihintayin natin na bumalik ang zombie na ‘yon dito at susundan  natin siya. Alam ko na hindi lang siya pangkaraniwang zombie lang, may bagay na hindi ko pa alam na dapat kong malaman,” sabi ko

“Mamaya na ‘yan, kumain na muna tayo,” biglang singit naman ni Mark. Hindi ko alam na nasa pintuan na pala siya.

Lumingon naman ako sa kanya at sinagot, “Sige, matatapos na ‘to”, sabi ko at saka siya umalis, lumingon naman ako sa bata, “Ikaw, kumain ka na ba?” tanong ko sa kanya

“Hindi pa po,” sagot niya

“Tara, kumain na muna tayo, mamaya natin pag-uusapan kung ano ang magiging plano natin para mailigtas ang Kuya mo,” sabi ko

Stay Alive [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon