*Warning: SPG ALERT!*
Copyright © matthew_14, 2016.
All rights reserved.
Chapter 19
Kent's POV
Maraming nangyari simula noong may umatake dito sa Sotiria, lalo na kay Angel. Naging mas mahigpit ang pagbabantay dito, mapapansin na lahat ng officers ay may dala nang baril na may kuryente. Just-in-Case lang na umatake muli ang kaaway galing sa Black Pixma.
Wala nga pa lang nakitang bangkay ang nahulog mula sa building noong nabaril ko 'yung nagpapanggap na Evan. Nakakapagtaka nga lang dahil saan naman iyon mapupunta?
Nandito nga pala ako sa Clinic, nakahiga si Angel habang nagpapahinga. Tinitignan ko lang siya, binabantayan. Ayoko na kasing may mangyari sa kanyang masama katulad ng nangyari sa kanya noong may nagpanggap na Evan.
Alam ko ang kondisyon niya ngayon, may senyales siya ng alter-ego. Kailangan namin maagapan ito dahil alam namin ang puwede niyang magawa kapag lumala ito.
Sinabi na sa akin ni Sheng, I mean Elite lahat ng posibilidad na mangyari. Hindi ito maganda dahil alam ko ang kakayahan ni Angel.
Habang nag-iisip ako, biglang may pumasok sa kwarto, si Gello. Pawis na pawis ito at hingal na hingal.
"Oh? Anong problema, Gello? Bakit parang hingal na hingal ka? May Problema ba? May umatake na naman ba dito sa loob ng Sotiria?" tanong ko sa kanya.
"Wala, pero sa mga Volunteers meron!" sabi niya sa akin habang nakatungkod pa ang dalawa nitong kamay sa tuhod niya.
Agad akong napatayo sa gulat at pag-aalala, "A-anong nangyari sa mga bata?!" takot kong tanong sa kanya.
"Nawala ang mga contact namin sa kanila, wala na rin kaming contact sa mga kasama nila sa sasakyan. Hindi ko alam kung anong nangyari. Alam natin na kapag nawala ang mga contact natin sa mga iyon ay siguradong may problema! Pinilit namin i-track kung nasaan sila, ngunit ang device na nilagay natin sa kanila ay hindi gumagana! Sinubukan na rin namin na tawagan ang telepono sa sasakyan ngunit hindi rin ito gumagana!" sabi sa akin ni Gello.
Bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko, nanginig din ang mga tuhod ko. Hindi puwede 'to, kailangan namin silang mailigtas. Sana naman ay walang nangyari sa kanilang masama!
"Tawagin mo nga si Elite! Sabihin mo aalis ako rito sa Clinic at siya muna ang mag-bantay kay Angel," utos ko kay Gello.
"Sige," at saka siya lumabas sa kwarto at tumakbo papunta kung nasaan si Elite.
Wala pang isang minuto noong umalis si Gello ay agad siyang dumating na kasama si Elite.
"Sige na, ako na ang magbabantay kay Angel," sabi ni Elite. Ngunit kailangan kong pakasiguro na siya talaga si Elite.
"Ikaw ba talaga 'yan, Elite?" tanong ko sa kanya?
"Oo, ako 'to. Bakit? May problema ba?" tanong niya sa akin.
"Wala, nag-iingat lang. Kung ikaw talaga si Elite, ano ang totoo mong pangalan?" tanong ko sa kanya.
"Sheng," tipid niyang sagot.
"Ikaw nga. Sige, ikaw na muna ang magbantay sa kanya. Pupuntahan ko muna 'yung Monitoring room para tulungan mahanap ang mga Volunteers, "
BINABASA MO ANG
Stay Alive [COMPLETED]
Misterio / Suspenso*BOOK 2 of Caution: Zombies Ahead! My name is Evan Williamson. I'm just a simple teenager --- a gamer that had a dream to enter in my favorite game. To use all the best guns and other weapons to kill the zombies! I don't know but that dream became t...
![Stay Alive [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/17649642-64-k317822.jpg)