Caution 29 - Damn Regrets

294 12 9
                                        


Copyright © matthew_14, 2016.

All rights reserved.

Kent's POV

I was wrong.

I'm so stupid, because I did not trust her love for me. Hindi ko siya pinagkatiwalaan sa pagkakataon na 'yon. Hindi ko man lang inisip kung anong puwedeng mangyari kapag nalaman niya na isinikreto ko ang bagay na 'yon.

Tama siya, napaka-selfish kong tao. Inisip ko lang ang magiging kapakanan ko, ang mararamdaman ko, at ang makikita ko. Hindi ko man lang in isip kung anong mararamdaman niya, at kung anong iisipin niya.

Ang sakit lang makita ang mahal ko na nasa gano'ng sitwasyon ngayon. Galit sa akin, dahil sa ginawa ko sa kanya. Natakot lang naman ako na baka magbago siya sa akin, unti-unting manlamig ang relasyon naming dalawa, or worse, maghiwalay kaming dalawa.

Pero hindi pa rin tama ang mga dahilan ko dahil alam kong sa puntong iyon ay wala na akong tiwala sa kanya. May nangyari sa amin, ibinigay niya ang sarili niya sa akin ng buong-buo, at walang pag-aalinlangan. Bawat haplos at halik ay damang-dama ko ang pagmamahal niya sa akin. Totoo na mahal niya ako, pero bakit pa ako nagduda roon?

Naiintindihan ko siya kung bakit siya galit sa akin ngayon. Masyado akong nagpabaya, inuna ang sarili, at inisip lang ang ikaliligaya ko.

Wala na, sinira ko ang tiwala niya sa akin. Dahil ako mismo ang nagsimula nito, ako rin dapat ang tumapos sa problemang ito.

Now, I'm here at the rooftop together with my favorite beer, and Evan's Dog -- Popo. Nakaupo lang ako at tulala sa kalangitan na puno ng mga bituin. Para akong baliw na iyak ng iyak dito at humahagulgol pa.

Galit na galit ako sa sarili ko dahil sa ginawa ko. Kung nagtiwala na lang sana ako sa kanya ay hindi kami magkakaganito. Kahit siguro sinabi ko sa kanya na buhay pa si Evan ay sigurado naman akong ako ang pipiliin niya, dahil alam kong mahal na mahal niya ako.

Yes, I'm that too confident dahil nararamdaman ko 'yung totoo galing sa kanya. Ako lang naman 'tong may problema, eh. I was too paranoid sa mga bagay-bagay simula no'ng malaman ko na buhay pa si Evan. I felt like he's a threat sa aming dalawa ni Angel, though sila naman talaga ang dapat.

"ANG TANGA-TANGA KO!!" sigaw ko habang sinasabunutan ang sarili ko at tuloy-tuloy ang pagpatak ng luha galing sa mga mata ko.

"I'm so sorry, Angel! I'm so stupid. Mas inuna ko ang sarili ko, ang mararamdaman ko. Kinalimutan kita, ang magiging reaksyon mo't mararamdaman. I'm so sorry, please give a chance to prove that I'm worth your love and trust. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung mawala ka sa akin, kaya please, patawarin mo ako!" sabi ko habang patuloy pa rin sa pag-iyak at pag-inom ng alak.

Si Popo, nakaupo lang siya sa tabi ko. Tila ba dinadamayan niya ako sa problema ko ngayon. Sa nararamdaman ko ngayon. Nakatingin lang ito sa akin at pinapanood niya lang akong umiyak at magsasalita mag-isa.

"Alam mo, Popo, ang laki kong tanga. Hinayaan ko lang ang mahal ko na masaktan ng ganito. Naging makasarili ako! Hindi ko man lang siya inisip sa mga mangyayari. Takot lang naman ako, eh. Takot akong mawala siya sa akin, dahil mahal na mahal ko siya! Masama ba 'yon?" sabay iyak ko at lagok ng alak, samantalang ang asong kinakausap ko ay nakatingin lang sa akin.

"Gusto mo ba ng alak? Damayan mo 'ko." at saka abot sa kanya ng bote. "Hindi ka pala umiinom." at saka bawi ulit ng bote.

Tinitignan niya lang talaga ako, at parang iniisip kung anong ginagawa ko. Hay, kung alam lang ng aso na 'to kung gaano kasakit ang nararamdaman ko ngayon. Sana lang kung puwede silang makapagsalita at maintindihan ng mga tao ay siguradong kanina pa ako dumadada at nagku-kwento sa kanya.

Stay Alive [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon