Caution 30 - Sacrifice

270 13 18
                                    



Copyright © matthew_14, 2016.

All rights reserved.

Angel's POV

Nandito kami ngayon sa kwarto ni Luke kung saan namin siya binabantayan habang natutulog ito. Dalawang araw na rin kasi ang nakalipas no'ng nangyari ang ginawa ni Luke rito sa Sotiria. No'ng una ay hindi naging maganda ang tingin ng mga tao sa kanya dahil sa ginawa nito sa isang staff ng Sotiria.

Kinatakutan siya dahil daw nababaliw na raw ito, ang iba naman ay nagalit sa ginawa niya lalo na ang pamilya ng babaeng hinostage niya. Pero nakausap na namin ang mga ito at ipinaliwanag kung sino at ano ba siya sa amin.

Hindi pa rin ako makapaniwala na buhay pa siya matapos ang gabing 'yon na bumago sa buhay naming lahat. Sana ay kasama niyang nabuhay si Ate Devone dahil alam ko na magiging masaya silang dalawa at lalaban sila hanggang patayan.

I just can't stop crying every time I remember that moment. That moment na namatay si Ate sa harapan ko, na parang wala akong nagawa para lang iligtas siya. No'ng nakita ko si Kuya Luke, parang bumalik lahat ng ala-ala at sakit na naramdaman ko noon.

Pero wala naman akong magagawa pa para iligtas si Ate ngayon dahil almost a year na rin ang nakalipas. Hindi ko nga alam kung nakuha ba ang katawan niya sa Safe Zone pagkatapos sumabog ito. Sana lang ay nakuha nila at inilibing dito sa Sotiria.

Ngayon, mas lalong binabantayan ni Elite si Kuya Luke dahil sa kondisyon nito. Siyempre ay kasama na rin ako, si Gello, Katarina at Kent. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin pinapansin si Kent dahil sa nagawa niya sa akin. Alam niyang galit pa ako kaya dumi-distansya pa siya sa akin. Kilala niya ako, at tama lang ang ginagawa niya.

Nagulat kami no'ng bigla na lang nagising si Luke sa pagkakatulog nito. Hindi naman siya bumalik sa pagkaka-coma at hindi lang niya kakagising no'ng pinatulog siya dalawang araw na ang nakakalipas. Kapag kasi nawawala siya sa sarili ay bigla na lang itong sisigaw at magwawala.

Ang sabi ni Elite, epekto raw 'yon ng mga nangyari sa kanya dati at ang pagkatulog niya sa mahabang panahon kaya tinali na siya habang nakahiga.

"Luke, kamusta ka na?" tanong agad ni Elite.

"Uhm, a-ayos lang naman ako." Kalmang sagot nito.

"Mabuti naman kung gano'n. Pasensya ka na kung tinali ka namin ngayon. Alam mo naman siguro kung anong dahilan hindi ba?"

"Oo, tsaka pasensya na sa nangyari. Ayoko lang kasi talagang magtiwala basta-basta lalo na't marami na palang nangyari simula no'ng wala akong malay."

"It's ok, naayos na ang lahat. As long as you behave, there would be no problem."

"Sige, I promise not to do anything stupid. I trust you, guys because you have Angel and Kent here. I hope you'll not gonna break it. "

"Have my word, you can trust us."

Lumapit naman ako bahagya kay Kuya luke at saka niyakap. May mga namumuo na ring mga luha sa mga mata ko dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko ngayon. It's almost a year simula nang namatay si Ate.

I don't know how to tell him, but he deserves to know the truth. Ayokong magsikreto sa kanya dahil alam kong hahanapin niya sa akin si Ate Devone. At masakit sa akin na makita siya na umaasa pa na makikita niya si Ate --- kahit wala na talaga siya.

Stay Alive [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon