Copyright © matthew_14, 2016.
All rights reserved.
Angel's POV
Naalimpungatan ako bigla habang natutulog ako. Pagdilat ko ay nakita ko ang kalawakan, katamtaman lang ang sinag ng araw, medyo maulap, pero hindi naman uulan. Inilibot ko pa ang paningin ko sa paligid. Nakita ko na nasa isa akong magandang paraiso. Malawak ito, at napapalibutan ng mga puno. Nakahiga pa ako sa puro bulaklak na maliliit, nakakatuwa dahil ang babango nila.
"Teka, nasaan na ba ako?" tanong ko sa sarili ko.
Wala akong ideya kung paano ako napunta ro'n, pero siguro ito na ang panahon para makapag-pahinga ako dahil sa daming problema na kinahaharap ko.
Umupo na lang ako habang pumipitas ng mga bulaklak, pagkatapos ay saka ko ito inamoy.
"Ang bango niyo naman," masayang sabi ko.
Habang masaya kong tinitignan ang mga bulaklak sa paligid ay may isang tao naman ang lumabas mula sa kakahuyan.
Hindi ko ito makilala dahil naka-jacket at pantalon itong itim at natatakpan pa ng hood ang mukha niya. Ang nakikita ko lang ay ang ibabang parte ng mukha niya. Papalapit siya sa akin ng dahan-dahan.
Wala akong kaba na naramdaman noong lumalapit siya sa akin, parang ang saya ko pa nga.
Noong nakalapit na siya sa akin ay tinanggal niya ang hood nito, at saka ko siya nakilala.
"Kent, anong ginagawa mo rito?"
Ngumiti siya sa akin at saka umupo sa tabi ko,"Para samahan ka."
Gumanti naman ako ng ngiti sa kanya."Salamat."
Bigla niyang kinuha ang kaliwang kamay ko, at saka niya ito hinalikan. Napatingin na lang ako sa ginawa niya. Tila ba biglang bumilis ang tibok ng puso ko noong ginawa niya 'yon sa akin.
"Angel, gusto ko lang na magpaalam sa'yo kaya ako nandito."
"Saan ka naman pupunta?" tanong ko sa kanya.
"Sa malayo, kung saan ay posibleng hindi mo na ako makita. Pero pinag-iisipan ko pa rin 'yon kung pupunta ba ako ro'n o hindi na. Kasi mas gusto kong makasama ka kaysa sa iba."
"Ako rin naman, kahit anong problema ang kaharapin natin ay alam kong hindi natin 'yon hahayaan na mapaghiwalay tayo."
"Mahal kita, Angel. Sana ay maging sapat ako para sa'yo," sabi niya sa akin.
"Kuntento na ako sa'yo, Kent." Mabilis na sagot ko.
Bigla siyang umiling, "Hindi. Alam ko na hindi ka pa kuntento sa akin. Ramdam ko 'yon, Angel."
Hinawakan ko ang pisngi niya,"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko sa kanya.
"Saglit lang, may kukunin lang ako." sabay tayo nito at bumalik sa kanang parte ng kakahuyan.
Habang naghihintay ako ay may lumabas naman na isang lalaking nakaputi sa bandang kaliwang parte ng kakahuyan.
Katulad ng suot ni Kent ay naka-jacket din ito, ngunit kulay puti naman ang sa kanya. Hindi siya lumapit sa akin. Nanatili lang siyang nakatayo paglabas niya sa kakahuyan. Nakita ko na may kinuha siyang bulaklak na rosas, kulay pula ito na tila ba inaabot niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Stay Alive [COMPLETED]
Misterio / Suspenso*BOOK 2 of Caution: Zombies Ahead! My name is Evan Williamson. I'm just a simple teenager --- a gamer that had a dream to enter in my favorite game. To use all the best guns and other weapons to kill the zombies! I don't know but that dream became t...