Copyright © matthew_14, 2015.
All rights reserved.
Chapter 9
Kent's POV
Nakatingin lang ako sa may bintana noong may kumatok sa pintuan ko. Ngayon na pala ang deployment ng mga volunteers. Masaya ako sa kanila dahil magagawa nila ang gusto nila, alam kong may kanya-kanya rin silang hangarin kung bakit nila pinili ang maging volunteer.
Lahat sila, wala na silang pamilya. Tanging ang mga sarili lang nila ang nailigtas nila noong nagsimula ang apocalypse na 'to. Hindi na nila nagawa pang iligtas ang pamilya nila dahil naging isa na 'to sa mga halimaw.
Bago namin sila tinanggap maging volunteers, nag-background check muna kami para malaman kung ano ang personality nila. Kung kaya ba nila ang mga gagawin nila at kung ano-ano pa. Lahat sila natanggap, ngunit alam ko na gusto rin nilang mahanap ang pamilya nila sa labas ng sotiria.
Umaasa silang buhay pa ang mga 'to at maliligtas nila, at kahit na imposible na mangyari 'yon ay patuloy parin silang umaasa.
"Captain Kent, kailangan na po kayo para ibigay ang mga weapons sa mga volunteers," sabi ng isang opisyal na pumasok sa kwarto ko.
"Sige, papunta na ako." tipid kong sagot.
Nag-ayos lang ako saglit at lumakad na palabas. Habang naglalakad ako, iniisip ko parin ang nangyari kagabi. Magkatabi kaming natulog ni Angel, hindi ko alam kung maiilang ba siya sa akin dahil sa ginawa ko pero kanina lang pag-gising namin ay parang normal na araw lang. Hindi ako nakaramdam sa kanya ng hiya o ilang man lang dahil tabi kami natulog. Tutal nga ay ako pa ang nahihiya sa kanya.
Hindi parin maalis sa isip ko ang dampi ng labi niya sa labi ko. Ang pagyakap niya sa katawan ko, at ang pagtulog niya sa dibdib ko. Hindi ko inaasahan 'yon, pero hinayaan ko na lang dahil gusto ko rin naman.
Si Angel, hindi siya kasama doon sa pupuntahan ko ngayon. Nandoon lang siya sa kwarto niya kasama ang ibang nurse. Hindi si Elite ang kasama niya ngayon dahil pupunta rin si Elite sa whiteroom. Ang lahat ng trainer nila ay pupunta upang ibigay ang mga kailangan nilang mga bagay upang makaligtas.
Noong nakarating na ako ay kumpleto na sila, ako na lang pala ang nahuli.
"Pasensya na, nahuli ata ako," sabi ko sa kanila.
"Hindi, tama lang ang dating mo, Kent." sabi sa akin ni Gello.
"Mabuti naman,"
Ang White room ay punong puno ng mga iba't-ibang klaseng baril sa pader nito. Mula sa pinaka-simpleng baril, hanggang sa pinaka-malakas. Kumpleto rin ang iba't-ibang military knife, bombs at mga bala.
Sa tapat ng mahabang lamesa ay may tig-iisang box sa harapan ng mga Volunteers. Doon nila makikita ang mga weapons nila.
"Okay, let's start this business.Sa harap niyo ay may itim na kahon, ang bawat kahon na 'yan ay may kanya-kanya niyong pangalan. Ngayon ang gusto ko ay sabay-sabay niyong bubuksan ang mga kahon na 'yan."
"Ano po ba ang mga laman nito?" tanong sa akin ni Zion.
"Makikita niyo. Bibilang ako ng tatlo, pagkatapos ay bubuksan niyo na 'yan. Isa, dalawa, tatlo!" at sabay-sabay nilang binuksan ang kahon. Lahat sila ay manghang-mangha sa mga nakita nilang mga gamit.
BINABASA MO ANG
Stay Alive [COMPLETED]
Mystery / Thriller*BOOK 2 of Caution: Zombies Ahead! My name is Evan Williamson. I'm just a simple teenager --- a gamer that had a dream to enter in my favorite game. To use all the best guns and other weapons to kill the zombies! I don't know but that dream became t...