Copyright © -Redemption, 2017.
All rights reserved.
Angel's POV
Tapos na.
Tapos na ang mga paghihirap naming lahat. Natapos ang bangungot ng bawat isang natitirang mga tao rito sa lugar namin at sa iba.
Ang iba't-ibang bansa naman ay nagpakawala rin ng airborne antivirus para mapabilis ang pagkamatay ng mga zombies sa paligid.
Maraming nagbuwis ng buhay, kasama na rito sila Jommer, Ayumi, Nicole, Kyle at EVAN.
Nagsakripisyo siya ng buhay niya para lang mailigtas kaming lahat. Ang lahat ng natira na kasapi namin sa Safe Zone ay umuwi ng may tuwa sa kanilang mga labi. Naging Critical naman ang lagay ni Kent noong pagdating niya rito dahil tinamaan siya ng baril sa dibdib pero naging maayos naman ang lagay niya matapos siyang magamot.
Si Evan naman ay na-comatose at makailang beses na bumigay ang puso niya. Maraming siyang bali sa katawan dahil sa pagkabagsak niya mula sa tuktok ng tower. Pero sa tingin ko ay pilit siyang lumalaban para lang mabuhay.
Binigyan naman ng Safe Zone ng parangal ang mga taong nagbuwis ng buhay sa huling hantungan nila. Ilang daang mamamayan ng safe zone ang nagsakripisyo para lang sa kalayaan ng bawat isa.
Sa gitna ng sementeryo ay nagpagawa kami ng rebulto ng simbolo ng Safe Zone. Isang krus sa gitna at may pakpak ito sa magkabila gilid. Sa baba ay isang malaking pa-square shape at may mga nakasulat na pangalan ng mga nagbuwis ng buhay.
Wala ng mga pader na humaharang at tuloy-tuloy ang renovation ng bawat lugar dito. Tulong-tulong ang mga bansa na tinamaan ng virus para maisa-ayos ng mga lugar ng bawat isa at manumbalik ang normal na buhay ng bawat isa.
Si Evan, ay nanatiling walang malay at tanging machine na lang ang bumubuhay sa kanya.
Sila Leigh at Elite ay 'di nagtagal at kinasal na rin. Pagkatapos ng dalawang buwan saka ginanap ang kasal.
Sumunod naman kami ni Kent sa kasal at ngayon ay opisyal na kaming mag-asawa.
At ngayong araw ang kasal nila Mark at Recamor, pero saglit kaming pumunta rito sa sementeryo kasama si Calvin, ang anak namin ni Kent at si Popo. Dumadalaw lang kami sa isang puntod ng pinakamalapit na tao sa buhay ko.
Si Ate Devone.
"Ate, ito na nga pala ang pamangkin mo, si Calvin." at saka tumulo ang luha ko. "Marami ng nangyari, pero sa wakas ay natapos na rin ang lahat ng bangungot na 'to." sabi ko.
Dumating naman si Kent sakay ang isang sasakyan. Nakasuot siya ng isang beige na pantalon at light blue na polo.
Sumunod naman na lumabas si Kuya Luke na parehas din ng suot ni Kent.Pagkababa niya ay may dala siyang mga bulaklak.
"Oh, kamusta na?" bungad na tanong ni Kent sa akin.
"Okay naman kami, dinalaw lang namin si Ate. Si Evan, may balita na ba?" tanong ko sa dalawa.
"Wala pa rin siyang malay." sagot ni Kuya Luke.
"Kailan kaya siya magkakamalay?" tanong ko sa kanya.
"Hindi ko alam. Pero sana magkamalay na siya." sabi niya sa akin.
"Tara na," aya ko kila Kent.
"Saglit lang," sabi ni Kuya Luke at saka niya ipinatong ang mga bulaklak sa puntod ni Ate Devone.
Pagkatapos noon ay sumakay na kaming apat ng sasakyan para pumunta sa kasal nila Mark at Recamor.
Again, this is not a game, this is a real life. When you're dead, game over; wala ng continue.
*****
50 years later.
Nanatiling nasa ICU si Evan ng matagal na pahanon na walang malay. Napansin ng mga doctor na unti-unting nagiging maayos ang lagay niya. Pero ang itsura nito ay hindi pa rin nagbabago. Ngunit isang araw, bigla na lang nag flat ang life line niya.
"Code Blue! Code Blue at ICU!" Kumalat ang mensahe sa buong hospital ng Safe Zone.
At saka nagpanic ang isang nurse at lumabas sa kwarto ni Evan. Dumating naman agad sila Angel, na ngayon na matanda na at kasama niya si Kent.
Habang ginagawa ang CPR kay Evan ay naluluha na si Angel. Isang malakas na pump ang ginawa ng isang staff, at doon biglang dumilat ang mata ni Evan.
The End.
************************************************************
Author's NOTE.
Hi guys! Thank you soooo much sa mga sumuporta ng zombie story na 'to. Sa mga hindi nag give-up, sa mga nangulit at sa mga naghintay na matapos ko 'to. Thank you so much!
Sana po sa susunod kong gagawin na story, please support me again! It's all about highschool life. Base po ito sa totoong nangyayari sa mga highschool students, and let me tell you this, hindi po ito typical na highschool story kaya please! Please! Support me! Thank you!
Regards,
-Redemption
Stay alive,
Date started - December 2014.
Date finished - November 12, 2017.
BINABASA MO ANG
Stay Alive [COMPLETED]
Misterio / Suspenso*BOOK 2 of Caution: Zombies Ahead! My name is Evan Williamson. I'm just a simple teenager --- a gamer that had a dream to enter in my favorite game. To use all the best guns and other weapons to kill the zombies! I don't know but that dream became t...