Caution 21 - Spikes

245 13 4
                                    

Copyright © matthew_14, 2016.

All rights reserved.

Chapter 21

Evan's POV

Sa dinami-daming panahon at pagkakataon ay ngayon pa namin 'to nakasalubong ang pinakamamahal naming kaibigan, ang Spiker!

Kung kailan naman nagmamadali kaming pumunta sa Warehouse saka sumulpot 'tong ulupong na ito sa harapan namin!

Sabagay kasi, ano pa bang magagawa namin? E nagkalat na kasi dito sa lugar ang mga halimaw. Isipin na lang natin na parang nasa isang malaking restaurant kami, kaso kami ang pagkain. Oo, nakakainis ngang isipin na sa tuwing nagmamadali kami o kaya'y meron kaming importanteng gagawin, eh laging lumalabas itong pangit na 'to!

Wala man lang pasabi na pupunta siya o sasalubong man lang sa amin. Well, paano nga ba niya gagawin iyon? Zombie nga pala siya na nag-evolve lang.

"Susugod ba tayo o tatakbo?" taong ni Jommer.

"'Wag ka nang magtanong! Takbo na!" sabi ko at sabay-sabay kaming tumakbong lahat.

Alam mo 'yung rason kung bakit kami tumakbo? Dahil mas nakakatakot na ang itsura nito! Mas lumaki ang mga spikes nito at mas lumaki ang katawan! Hindi ko alam pero parang mas nag-e-evolve silang lahat!

Teka, parang ako lang. Nagbabago din ang kakayahan ko, pati na rin ang itsura ko.

"Tatakbo pa tayo!? Patayin na natin 'yan!" sigaw ni Mark habang patuloy kaming tumatakbo papalayo para dumistansya sa halimaw. Halos mabingi naman kami dahil sa pag-sigaw ng spiker na ito! Nakita na niya kasi kami, kaya ito galit na galit na sa amin.

Patuloy pa rin kami sa pagtakbo nang kinasa na lang ni Leigh ang baril nito at akmang babarilin ang spiker na humahabol sa amin. Ngunit agad ko siyang pinigilan dahil alam ko naman na walang kwenta at magsasayang lang siya ng bala kung babarilin niya ang halimaw na iyon. Hindi kaya iyon tinatablan ng bala!

"'Wag mo nang tangkain pa, wala rin iyang silbi, maniwala ka sa akin." sabi ko sa kanya.

"E anong gagawin natin?" tanong niya sa akin.

"Kami nang bahala, d'yan ka lang." sabi ko sa kanya.

Tila ulol na halimaw naman ang spiker na humahabol sa amin. Galit na galit ito at nagwawala na rin. Patungo siya kung nasaan kami ngayon, pero handa na kami sa mga mangyayari, patayan na kung patayan!

"Kyle, sumama ka muna kay Jommer! Magtago kayo sa store na 'yon!" utos ni Leigh sa kapatid nito at agad nagtago sa isang clothing boutique ang dalawa.

"Humanda na kayo," sabi ko sa dalawa nang tumigil na kami para harapin ang halimaw.

Hinawakan na agad namin ang kaniya-kaniya naming armas. Sa akin 'yung Crowbar, kay Mark ay 'yung Palakol niya at kay Leigh ay Machete.

Tumakbo na agad kami papalapit sa spiker para salubungin ito. Kanya-kanya kaming diskarte para matalo ang halimaw na ito. Mabilis akong nakatalon para bumwelo ng isang hampas sa balikat niya. Tumama ito sa spikes niya at bumaon sa katawan nito. Muling sumigaw ang spiker dahil sa nasaktan ito.

Old school, beybe! Akala ng halimaw na ito ay hindi ko alam kung paano siya masasaktan? Tss, naaalala ko pa noong kung paano namin pinatay ni kuya ang kalahi nito roon sa sementeryo! 'Nga lang, wala na si Kuya, pero may pumalit naman na dalawang tropa. Nakakatuwa lang na parang nangyayari ulit iyong mga bagay na nangyari na dati, parang dejavu? Pero sa ibang lugar naman ito nagaganap.

Stay Alive [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon