Caution 23 - Trade

277 14 6
                                    


Copyright © matthew_14, 2016.

All rights reserved.

Chapter 23

Evan's POV

Liwanag.

Napakaliwanag ng nakikita ko ngayon. Tila ba naalimpungatan ako dahil dito. Nanggagaling ang liwanag sa bintana dala ng sikat ng araw. Napansin ko naman na nakahiga ako sa isang kama at nandito ako sa isang kwarto.

Pamilyar ang lugat kung nasaan ako ngayon. May mga posters ng mga paborito kong banda, Paramore, My Chemical romance, etc. Pati na rin ang mga paborito kong laro katulad ng Resident Evil, Silent Hill, Left4Dead at kung ano-ano pa.

Kwarto ko ito.

Tumayo ako mula sa kinahihigaan ko. NIlibot ko ang paningin ko sa kwarto, pinagmasdan habang may halong pagtataka kung bakit ako nandito.

Habang pinagmamasdan ko naman ang lahat ng nandito sa kwarto ko, may napansin akong isang bagay na nakapukaw sa paningin ko. Isa itong picture frame na may litrato naming buong pamilya. Si Mama, Papa, Kuya Luke at ako. Kasama rin si Popo na tuta pa lang at ako ang may hawak nito sa kanya. Kuha ito sa isang studio sa isang mall.

Bigla ko naman naalala sila, ang pamilya ko. Kitang-kita ko sa mga mukha namin dito kung gaano kami kasaya ng mga oras na iyon. Lahat ay normal, namumuhay kami ng normal, natutulog sa maayos na higaan, nakakain at nakakapaligo.

Sa kakaisip ko, hindi ko namalayan na may tumulo nang luha mula sa mata ko at pumatak ito mismo sa picture frame. Kaagad ko itong pinunasan gamit ang damit ko at saka ibinalik sa side table kung saan ko ito kinuha.

Nagpupunas pa ako ng luha no'ng may narinig akong may kumakatok sa pintuan at tinatawag ako.

"Evan! Gising na! Male-late tayo sa school!"

Pumunta naman agad ako sa pintuan at binuksan ito. Nakita ko na si Kuya Luke ang kumakatok at tumatawag sa akin. Halos natulala ako, parang walang mali sa lugar. Ganito kasi palagi ang Sistema namin araw-araw.

Si kuya ang taga-gising ko t'wing papasok ako sa eskwelahan. Sabay kasi kaming pumapasok dahil sa may sasakyan ito.

"Hoy!" sabay pitik sa noo ko."Bilisan mo na! Pumunta ka na sa baba at kumain ka na!" sabi nito sa akin at saka tumalikod para bumaba sa hagdan.

Kahit naguguluhan sumunod na lang ako at sinara ang pintuan ng kwarto. Pagkababa ko ay nakita ko si Papa sa sala at nanonood ng balita, si Mama naman ay abalang nag-aasikaso sa kusina. Si Kuya naman ay kumakain na.

"O, Evan, Anak! Kumain ka na at baka mahuli ka pa sa klase mo." Sabi ni Mama noong nakita niya akong nakatayo't pinagmamasdan lang silang lahat.

"Ah-eh, sige po." tugon ko at saka pumunta sa banyo para magsipilyo. Pagkatapos noon ay bumalik na ako para umupo sa tabi ni Kuya at kumain.

"Ikaw, kahit kailan ka talaga! Tignan mo kung anong oras na oh!" sabay turo ni Kuya sa wall clock. "Mag-aalasyete na! Bilisan mo na!" sabay sunod-sunod na pagsubo nito sa kinakain niya.

Binilisan ko na lang ang pagkain ko ng sinangag na may Itlog, hotdog at bacon. Sunod-sunod ang pagsubo ko ng pagkain nang bigla akong nabulunan.

Agad naman akong napainom ng tubig dahil masakit sa lalamunan. Napatingin naman ako kay kuya dahil halatang natatawa ito sa akin.

"Bakit? May problema?" tanong ko sa kanya.

Stay Alive [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon