Caution 5 - The Reality

442 16 2
                                        

Copyright © matthew_14, 2015.

All rights reserved.

Chapter 5

Jommer's POV

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko noong nakaramdam ako ng hindi maganda. Nakita ko na nasa isang kwarto ako at nakahiga sa kama. Inilibot ko pa ang paningin ko, hindi ko alam kung nasaan ako, o bakit ako nandito. Hindi naman masakit ang katawan ko, pakiramdam ko ay malakas ako, maayos. Katabi ko ang Rifle ko, nasa bulsa ko rin ang dalawa kong desert eagle at soldier knife. Inisip kong mabuti kung anong huling nangyari sa akin, pero wala akong matandaan.

Naalala ko lang na may kasama ako, sila Nicole at si Ayumi. Pero nasaan sila?

Bumangon ako sa kama at lumabas sa kwarto. Noong nakalabas na ako, napansin ko na nasa isang hotel ako. Kung nasa isang kwarto ako, malamang ay nasa kwarto rin silang dalawa kaya agad ko silang hinanap.

"Nicole, Ayumi? Nasaan kayo?" sabi ko habang naglalakad dito sa hallway.

Inaasahan kong may sasagot, pero wala. Bigla na lang akong may naramdaman sa likod ko, may tao. Pero sa tingin hindi ito normal na tao, naka-amoy ako ng isang mabahong bagay at nakakasuka ito. Dahan-dahan akong lumingon sa likuran ko at may nakita akong dalawang zombie. Dalawang malaking zombie, mukha silang mga Guard sa isang club dahil sa laki ng katawan nito at mga tattoo pa.

Nakaramdam ako ng kaba, at takot. Hindi ko inaasahan na may sasalubong sa aking ganitong zombies. Hinawakan ko bigla ng mahigpit ang baril ko, handa ng gamitin sa dalawang halimaw na 'to.

Nagulat naman ako noong nagalit silang dalawa sa akin at sumugod, kaya agad kong ginamit ang baril ko para patumbahin sila.

Habang tumatakbo sila papunta sa akin, pinapaputukan ko na sila, pero sa katawan ko ito natatamaan.

Anong nangyayari sa akin!?

Malapit na sila sa akin, pero hindi pa rin sila tumutumba! Letse, bahala na!

Sinukbit ko sa katawan 'yung rifle ko at 'yung dalawang pistol ang ginamit ko para pabagsakin sila. Ngunit masyado silang malapit sa akin kaya sapakan na lang!

Sinuntok ko sa mukha 'yung isa at sinipa ko naman sa dibdib 'yung isa pang zombie. Napatumba ko naman 'yung sinipa ko pero 'yung isa parang wala lang. Babarilin ko na sana 'yung nakahiga ngunit nasunggaban ako ng isa pang zombie na kasama niya.

Parehas kaming natumba at tumalsik 'yung dalawa kong pistol. Kukunin ko pa sana iyon ngunit pina-ibabawan ako ng halimaw na 'to. Sinubukan niyang kagatin ako pero pinangsasalag ko 'yung braso ko sa leeg niya. Hindi ko makuha 'yung rifle ko dahil nadaganan ko pa ito kaya wala akong magamit!

Naghanap ako ng magagamit ko, at nakita ko na may kutsilyo pa ako. Kaagad ko itong kinuha at itinarak sa leeg ng zombie na 'to! Ilang beses at paulit-ulit, kaya naman napuno ng dugo ang kamay ko, at ang huling ginawa ko ay sinaksak ko ito sa uluhan niya. Noong napatay ko na siya ay agad ko itong inalis sa katawan ko at bumangon na.

"Tapos!" maangas na sabi ko. Ngunit nakarinig ako ng isang ungol sa likuran ko kaya lumingon ako rito.

"Anak ng, Buhay ka pa?" sabi ko sa sinipa ko kanina.

Walang ano-ano'y binaril ko siya sa noo at ayon ang nakapag-patumba sa kanya.

Tapos na ako rito, pero nasaan sila Nicole at Ayumi? Kailangan ko silang mahanap, kaya agad akong lumabas sa Hotel na ito.

****

Nicole's POV

Nararamdaman ko na may tumutulong tubig sa mukha ko. Dahil doon ay naalimpungatan ako at minulat ang mga mata ko. Nakita ko na nakahiga ako sa isang puting kama, at nasa isang puting kwarto ako. Mas nilibot ko pa ang paningin ko at nalaman kong nasa ospital ako.

Stay Alive [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon