Kabanata 1

1.4K 29 0
                                    

CELESTE'S POV

My mother thought that the war between vampires and humans was over but everyone was wrong that they thought the vampires were dead and then they attacked, they were not ready, many died but my mother will surely survive, she is the one surviving in her tribe with the weapon of a defender, no one can hold a weapon or a sword except a defender, there is only one person like that, it has been passed on by everyone who is born of a baby protector means that there is a new protector, the task has never been easier

Hihilingin mong mamatay dahil sa tungkuling iniatang ng iyong kalahi sa iyo, ngunit bilang isang tagapag-tanggol ay napapa-isip ako kung bakit kailangan may roong tagapag-tanggol? Kung bakit kailangang may roong bampira sa mundong kinagagalawan ko ngayon, maraming katanungan sa puso't isip ko na alam kong masasagot hindi nga lang ngayon ngunit sa takdang panahon

Namatay ang aking ina dahil sa pag-tatanggol saakin ngunit ako ang kanyang kahinaan kaya wala syang nagawa

"Celeste may sinusugod na isang mall ngayon, ang mga bampira ang may gawa" hingal na bungad ni Agustin

"Bakit sakin mo sinasabi? Ako ba pinuno mo?" Inis na tanong ko, itinuloy ko ang aking pag-mumuni

"Celeste! May target ang mga bampira sa magaganap na event ng presendential" sumunod naman ang isa sa mga kasamahan namin, umiling nalang ako

"Tatanungin ko kayo, ako ba si Jullian? Ako ba pinuno nyo?" Inis na tanong ko

"Celeste naman bawas-bawasan mo yang ugal—"

Hindi kona sila pinatapos at tinalikuran kona sila hatak-hatak ang likod ng kwelyo ni Agustin, balagbag na isinakay ko sya sa motor ko at pinaharurot yun, pagkarating sa mall ay nag kakagulo nanga, naiwan ko ang espada ko kaya kinuha ko ang isa sa hawak na kutsilyong pilak ni Agustin bago sya nilagpasan at sinalubong ang limang lalaki, ang nasa gitna ay tinadyakan ko sa tyan ang dalawa sa kanan at kaliwa ay sinalubong ko ng suntok habang ang dalawa pa ay gamit ang kutsilyo ay isang hiwaan lang ang ginawa ko at naging abo ang dalawang yun, muntik na akong matamaan mabuti nalang at naka-ilag ako at mula sa ilalim ay sinaksak ko ang bampira, naging abo rin ito, ang ibang bampira ay binali ko ang leeg kaya namatay rin, marami pang nangangailangan ng tulong ko. Namin pala

Napatingin ako kay Agustin na patuloy sa pakikipag laban, ang kaibigan ko simula bata pa ako, mag kaibigan ang ama nya at ang ina ko, dating pinuno ang ama nya ng Legeno ngunit kasama sya sa namatay ng sinugod bigla ng mga bampira ang tribo nila kasama ang aking ina kaya mag mula nun ay hindi na kami tumigil pa ni Agustin para maubos ang mga bampira

Ng makarating ako sa first floor ng mall ay lahat ng bampirang patuloy sa pag kagat ng leeg ng taong naron ay napatingin saakin, sa kanan at sa kaliwa ang pwesto nila, saktong dumating si Agustin kaya inagaw ko sakanya ang isa pang kutsilyong pilak at ibinuka ang aking dalawang kamay upang lahat ng aking madaanang bampira ay mamatay, sunod-sunod ang tunong ng bawat katawang mahihiwa ko, matapos nun ay sunod-sunod ring naging abo ang mga bampira, nakangisi, namamanghang tumingin saakin si Agustin, nginitian ko lang sya at ibinato ang kutsilyong pilak na isa sakanya, sabay na tumakbo kami papaakyat, muli kaming nakipag laban, madali ngunit nakakatamad dahil ang mga bampirang ito ay kinulang ata sa sustansya at ang tatamlay kung makipag laban, bampira sila ngunit ang babagal nila

"Sino ka?" Tanong ng isa sa mga bampirang natitira, nakatingin ito saakin "ang liksi mo, ang mga kuko mong hindi mahahaba ngunit kayang pumatay ng isang gaya ko, anong uri ka?" Dugtong nya

"Stupido kaba? Malamang tao! Ang dami mong tanong! Bawat tanong bayad piso nag kakaintindihan tayo?" Asik ko

"Sino kaba talaga?" Tanong ng isa sa mga natitira

"Ako si Celeste Madrid, ako ata ang papatay sainyo? Ako ba?" Pabalang na sagot ko, nag katinginan ang lahat ng bampira kaya nakakuha ako ng tyansa na sumugod, sinalubong ko ng suntok ang papaharap palang na bampira at isang hiwa mula sa dibdib ang isa kaya naging abo ito, nangangawit lang ako sa pakikipag-laban kaya agad ko itong tinapos, ng matapos ay nag pagpag pa ako ng damit kong nalagyan ng abo "gagong bampira yun ah? Ang baho ng abo nya nilagyan pa ang aking kasuotan?" Ani ko habang nag papagpag, tatawa-tawa naman si Agustin na umakbay saakin kaya tinanggal ko iyon

"Ang lupet" umaksyon pa ito kung paano ako nakipag laban kanina, sa inis ko ay hinubad ko ang t-shirt na suot ko kaya sando nalang ang suot ko, naramdaman ako ang pag takbo ng bampira kaya hindi ko muna pinansin, ng malapit na ay umikot ako at hinampas sakanya ang damit na hawak ko saka ko sinaksak ang mismong leeg nito, gulat na tinignan ako ni Agustin

"Niligtas kita ibili mo ako ng gulaman nauuhaw ako" nakangising sabi ko, pagkalabas namin ng mall ay reporter agad ang sumalubong saamin

"Sino kayo at bakit may kakayahan kayong tumulong sa mga taong—"

"Mga tao kami bulag kaba?" Putol ko sakanya, ang isang reporter naman ang nag tanong

"Ano ang dahilan kung—"

"Reporter kayo hindi naman siguro kayo tsismoso't tsismosa para alamin ang lahat, padaan naiinitan ako" pang-babara ko, hindi sila nag padaan kaya tumalon ako at agad kumapit sa nakaawang na kahoy, mula roon ay tinalon ko naman ang labas, sumakay ako sa motor at sinenyasan si Agustin na walang sasabihin bago ko pinaharurot ang motor ko

Pagkabalik ko sa Legeno ay mga nag hahanda na sila, ng makita ako ni mang Jullian ay iiling-iling itong lumapit saakin, bumuntong hininga lang ako

"Malaking misyon ang presendential Celeste inaasahan ka ng lahat, maraming pwedeng mamatay marami ring pwedeng makaligtas lalo na kung sasama ka, next month pa naman makakapag-handa pa tay—"

"Lahat naman ng misyon nyo kasama ko hindi na bago yun" walang ganang putol ko sakanya bago sya tinalikuran at pumunta sa opisina nya, maaring isa ako sa mamatay maari ring isa ako sa makaligtas, malaking misyon ito, ito ang unang misyon na alam kong marami sa kasamahan ko ang mapapahamak, hindi ako papayag kailangan kong imbistigahan ang bawat mangyayari sa presedential event nayan

Hindi na ako makapa-payag na marami ang mamatay, hindi pwedeng mawalan ng katarungan ang pagkamatay ng aking ina, isinusumpa kong bibigyan ko ng katarungan ang pagkamatay nya, ang pagkamatay ng aming mga kakampi

Isinusumpa ko iyon ina...

Vampire (VP1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon