CELESTE'S POV
Nanlalambot nanaman ako, kahit naman alam kong hindi kami aalis ng palasyo ngayon ay pakiramdam ko makikita't makikita ko ang nakita ko kahapon, parang walang balak bumuka ang bibig ko, nanunuyot na ang labi at lalamunan ko, parang gustong matulog ng talukap ng mata ko
"Kelan natin kukuhanin si Caslem?" walang buhay na tanong ni Gael dahil kanina pa nya ako tinatanong ngunit ang mga sagot ko ay, tango, iling, kibig balikat lang
Tulad ngayon.. Nag kibit balikat lang ako at muling tumulala sa nag niningning na buwan na napalilibutan ng kumikindat na mga bituwin
Naramdaman ko ang presensya nya mula sa likod ko na lumapit ng bahagya, hinawakan nya ako sa magkabilang balikat at bahagyang hinaplos yun. May kung anong kuryenteng idinulot iyon ngunit hindi ko mapag tuunan ng pansin, tinapik nya ako ng dalawang beses sa balikat bago ko maramdaman ang pag layo nya
Narinig ko ang pag bukas at pag sara ng pinto ng kwarto ko, matamlay na bumalik ako sa higaan ko at nag simulang mag pa-antok kahit alam kong anumang sandali ay makakatulog nanaman ako
Lumipas ang tatlong araw na palugit namin sa mga rebeldeng bampira at sa mga araw na yun ay walang nag bago sa pakikitungo ko. Parang namatayan na sobrang malapit sa puso ko
Nasa hapag kainan ako, kumakaing mag-isa, wala sila eh, nag paiwan ako sa kwarto at sinadyang mag pahuli sa pananghalian kahit alak na may dugo lang naman ang mapapala ng bibig ko, ayaw bumuka ng maluwag ng bibig ko, para akong napipi at nag dikit ang labi
Natapos ang pananghalian na naron parin ako, pakiramdam konga ay hindi ako gumalaw sa kinauupuan ko
"C-celeste.." nangibabaw ang tinig ni Gael mula sa likuran ko, bahagya akong gumalaw ng dumampi ang. mainit nyang palad sa braso ko "you making me feel worried" nag-aalala ang muka nya ng tumunghay saakin, seryoso ko lang naman syang tinignan, malalim na buntong hininga ang pinakawalan nya "please.. Say something.." nag susumamong dagdag nya, muli ko lang hinarap ang baso kong hindi ko pala nabawasan mula pa kanina, muli ko syang tinignan na parang sinasabing umalis nalang sya
Muka namang naintindihan nya yun kaya matamlay syang umalis sa harapan ko, ngayon lang ulit kami nag harap ni Gael, dahil nung mga nakaraang araw ay hindi ako lumalabas ng kwarto, ngayon lang ulit dahil ayokong mabulok sa kwarto ko
Pinili kong umalis sa hapag kainan at pumunta nalang sa tuktok ng palasyo, habang nakatunghay dun ay hindi ko nanaman maiwasang makaramdam ng lungkot, hindi ko alam kung bakit ako nag kakaganito
Kahit alam ko naman talaga ang kasagutan pilit kong tinatanggi.. Ayoko na kasing maramdaman 'to.. Nag sasawa na akong maging malungkot
Halos mapaigtad ako ng may yumakap mula sa likuran ko, pamilyar ang init ng kanyang katawan lalo na ang kanyang amoy
"Your hurting me.." namamaos ang boses na sabi nya, nangunot ang noo ko at hundi agad nakagalaw "dahil pakiramdam ko sya ang dahilan kung bakit ka nag kakaganyan" lumungkot ng matindi ang boses nya, may halong sakit at pait, nakaramdam ako ng huilty dahil sa naging pakikitungo ko "pakiramdam ko.. H-hindi ako sapat" naramdaman kong may pumatak na tubig sa balikat ko.. Yun ay kung tubig nga "h-hindi ko maiwasang i-isiping.. M-mahal.. M-mo-mo—"
"Sshh" putol ko sakanya "I don't love him.." hinarap ko sya at agad na binugbog ang puso ko ng makitang luhaan sya, para syang humahagulgol kahit naman walang ingay "kasi.. Ikaw ang mahal ko.." pinunasan ko gamit ang dalawang kamay ang pisngi nyang nabahiran na ng marami nyang luha, napaka sama kong tao.. I make him cry.. "I'm sorry" pakiramdam ko ay puso ko ang nag sabi nun sakanya "hindi ko lang maiwasang malungkot kasi.. Kababata ko sya.. I'm sorry" nag patangkad ako para lang maabot ang noo nya at halikan sya ron. Mahigpit ko syang niyakap at muling nag paliwanag "nasasaktan ako sa katotohanang.. Napaka hina kong tao dahil.. Tinakasan ko ang probkema ko nuon pa.. I'm sorry.." binulong ko ang huling sinabi "I love you" dagdag ko saka ko sya hinila papunta sa kwarto nya
BINABASA MO ANG
Vampire (VP1)
VampireA prophecy will be known about the world of humans and the world of vampires Warning! This story is from 2020 so expect what to expect and thus isn't edited and I am not planning to edit, I want it to be what it is when I wrote this on 2020