RICA'S POV
Kung ang ibang nanay ay masyadong maalaga sa anak, iba si Celeste, dahil ngayon naiwan kaming taylo kasama si Caslem, sa likod ng cottage namin kung saan. puro puno at buhangin lang, medyo malaki ang espasyo
Nakasuot ako ng bikini habang si Celeste ay naka adidas na jogger o track pants at naka simpleng white t-shirt pero alam kong nakapaloob dun ang pang-swimming nya
May patpat na maliit na hawaksi Caslem habang sya ay mayron din, nakaharap silang pareho saakin at tinuturuan ni Celeste si Caslem kung paano ang tamang pagi-ispada at ang bawat hakbang nito, maging sa kamay atsa kilos, bilisat abilidad, lakas o sapat na lakas ng pag hampas ng patpat
"Subukan mo akong kalabanin" hamon ni Celeste sa anak at agad syang ngumisi ng mapamaang ang anak, yung ngisi na sinasabing kaya ng anak nya ito
Nag simula ang labanan, at syempre halatang binabagalan ni Celeste ang kilos nya for Caslem, masyado pa kasing bata, sabagay kami nga noon ay sobrang bata pa
Nang matapos sila ay hapon na at mag didilim na, tinuruan lang sya ni Celeste kung pano ipag tanggol o salagin ang ispada ng kalaban
"Si Gael?" tanong nya pagkabalik namin sa loob, nag papagpag sya ng kamay
"Duh? I don't know" maarteng sabi ko, siniringan nya ako at pinuntahan ang anak na ngayon ay nag papalit na para makapag swimming
"Hoy" tawag nya sa anak, tamo 'to?! Pati sa anak hoy ang tawag? "mag pahinga ka nalang muna, bukas na, tatlong araw naman tayo dito" nakangiting sabi ni Celeste, lumaylay ang balikat ni Caslem at matamlay na pumasok sa kwarto nila ni Celeste
"Strict mom" parinig ko
"Strict mom? Strikta na ako sa lagay na pinag papahinga ko yung anak ko?" inis na singhal nya, palibhasa ang ikli ng pasensya, nasayang ang outfit ko dahil pinanood ko sila, yun ang sabi ni Gael eh, may pupuntahaan daw sila nila Rico at Mj
Nang mag alasais, nag handa si Celeste ng pagkain, hindi na nya niluto ang mga yun, tinamad na raw sya. sabagay, hindi rin naman kami kakain kung luto man yun, sya lang talaga ang nag titiis na kumain kahit gulay kumakain
Pag dating nila Gael, may dala na silang alak at may uno card pa! Saan naman nakabili 'tong mga ito?
"Laro tayo uno guys!" suhestyon agad ni Francine ng makita ang dala nila Gael
"Kumain muna" buntong hininga ni Celeste
"Kj mo, gurang! Palibhasa patayan yung gusto mong laro" angal ni Zepanie
"Oo nga naman Celes" gatong nitong si Jaspher
"Bahala kayo" napairap si Celeste at kumain mag-isa, kj kasi eh! Masaya kaya mag laro ng uno
"Uno!" sigaw ni Mj, kanina pa sila nag umpisa, kami naman ni Celeste nag-uusap habang kumakain
"Disidido sya" ngisi ni Celeste, ang anak ang tinutukoy "hindi sya nag reklamo nung una kahit puro sablay, nag enjoy pa, pero kailangan natin ipaliwanag na hindi laro abg laban" napabuntong hininga sya bago ubusin ang wine na may alak
"Hoy! Ang daya mo! Ako nauna! plus two ka!" sigaw nitong si Jaspher
"Oy sabay lang tayong nag uno, ibu-boom mopa ako ah?!" tanggi naman ni Mj
"Asshole! Plus two!" pagpupumilit ni Jaspher
"The fuck?" singhal bigla ni Celeste, nagulat pa ako, bigla kasing nandon na sya sa mga nag lalaro ng uno, mga naka indian sit sila at naka palibot pabilog, sya naman naka pamewang habang naka taas ang isang kilay "play quietly. Tss!" saka sya bumalik sa lamesa namin at inaya nalang akong mag inuman kami
BINABASA MO ANG
Vampire (VP1)
VampiroA prophecy will be known about the world of humans and the world of vampires Warning! This story is from 2020 so expect what to expect and thus isn't edited and I am not planning to edit, I want it to be what it is when I wrote this on 2020