Kabanata 10

192 8 0
                                    

CELESTE'S POV

Mabilis nanaman na lumipas ang isang buwan, madalas konang kasama si Gael, sa labanan ay magkahawak kaming lumalaban, mag kayakap sa t'wing iilagan ang sino man, tatawa sa katangahan, madalas na kumakain kami ng street foods, sobrang saya nya kasama pero kahit anong saya ang ibigay nya pag may masakit akong naaalala parang nababalewala lahat

Tulad nalang ngayon.. Nanaginip ako tungkol sa nanay ko.. Hindi ko maintindihan ang pinahihiwatig nya pero umiiyak ako sa panaginip hanggang sa paggising ko.. Madilim na pero eto parin ako at nag mumukmok, napapagod na sa lahat ng bagay, hindi kona kayang lumaban sa t'wing maiisip na wala naman akong pinag lalaban kundi ang kalayaan ng mga tao laban sa mga bampira dahil hindi kami malaya hangga't meron bampira

Nasa labas ako at naka sandal sa motor, nakatingin sa maganda at maliwanag na buwan na pinalilibutan ng makikinang na bituwin

"Hi?" Bigla ay nangibabaw ang tinig ni Gael, sumulpot sa kung saan, agad kong pinunasan ang luha ko kahit nakita nya naman na "you okay?" Malambing ang tinig nya, yun ang sa palagay ko o baka nasanay lang ako sa pagiging kalmado at taglay na lambing ng kanyang tono

"Y-yeah" tumatangong sagot ko, patuloy parin sa pag patak ang luha ko "I'm okay" pinilit kong ngumiti

"Kahit sabihin mong okay ka lang, ang sabi ng mga mata mo pagod kana.." Bagaman may lungkot ang tinig ay nakangiti sya, napa angat ako ng tingin sakanya "nakakapagod naman talaga" nag angat sya ng tingin kung saan ako nakatingin kanina, nakangiti nyang pinag masdan ang buwan "pero.. Wala ka namang choice kundi kayanin ang lahat" muli syang nag baba ng tingin saakin na animoy ang liit ko eh isang dangkal lang naman ng kamay ang tangkad nya sakin, malawak na nginitian nya ako, luhaan ko syang tinignan sa mga mata nya "kahit na sobrang bigat, alam kong kaya mo ikaw pa" natawa kaming pareho bagaman luhaan ay medyo gumaan ang pakiramdam ko dahil nandyan nanaman sya at pinapasaya ako "kinakaya mo at kakayanin mo" sobrang sarap marinig ng mga salitang yun, yung pakiramdam na may naniniwala pa sayo kahit kitang kita na, na pagod na pagod kana sa nangyayari "basta wag kalang susuko hah?" Dinunggol nya pa ng mahina ang braso ko gamit din ang braso nya, natawa nalang ako, pinunasan ko ang luha kong patuloy sa pag patak ngunit kahit ano yatang punas ko ay hindi titigil ang pag patak "always remeber that hindi ka nag-iisa" tuluyan nya na akong hinarap, inilagay nya ang ilang hibla ng buhok kong nasa muka sa tenga ko, luhaang ngumiti ako "kasama moko" bulong nya, lalong umagos ang mga luha ko at wala sa sariling napayakap sakanya ng sobrang higpit, natawa sya sa ginawa ko

"Salamat" nasabi ko nalang

"Mag tiwala ka lang sa sarili mo" hinarap nya ako at hinawakan ng dalawang kamay ang mag kabilang pisngi ko, ang lapit namin sa isa't-isa ngunit hindi ko yun mapag tuunan ng pansin "dahil ako.. Nag titiwala ako sayo" ngiti nya, tuloy ay muling umagos ang mga luha ko at napayuko ngunit iniangat nya ang muka ko para magka tinginan kami "nag titiwala kami sayo" he whispered and hug me, hindi ko alam ang mararamdaman ko nag halo-halo na yung saya, tuwa, lungkot at sakit, bumaklas din sya agad

"King ina" natatawang sabi ko saka muling pinunasan ang mga luha, natawa naman ang loko

"Let's go?" He ask, takang nag angat ako ng tingin sakanya "kahit saan mo gustong pumunta" ngiti nya, inabot ko ang nakalahad nyang kamay, mag kahawak kaming muli ng kamay na nag lakad sa ilalim ng buwan

"Bat nandito ka nanaman?" Naitanong ko

"Bawal ba?" Natatawang tanong nya, napailing nalang ako "ilan taon kana ba?" Bigla ay tanong nya

"Tss!" Asik ko

"Ilan nga?" Pangungulit nya

"Syete anyos" inis na sabi ko gulat na nag baba ito ng tingin

Vampire (VP1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon