Kabanata 18

112 5 0
                                    

GAEL'S POV

"Hindi mo parin ba matanggap?" Muling tanong ko sakanya, nakatalikod ang babaeng ito saakin habang nakatingin sa maliwanag na buwan

"Alin?" Tugon nya, lumapit ako sakanya at sinamahan syang pag masdan ang maliwanag na buwan

"Ang tungkol sa pagkatao mo.." Sabi ko, nilingon ko sya ngunit ang paningin nya ay naron parin sa buwan, kung pwede nga lang ay pag masdan ko nalang ang muka nya

"a year ago.." Tipid na ngumiti ito

"Hindi ko ramdam.." Nanunuyang sabi ko, sinamaan nya ako ng tingin bago muling pinag masdan ang buwan, gaya ng nakasanayan ay walang ekspresyon ang muka nito, walang emosyon lahat ay blangko

"Hindi ko ipaparamdam.. Kusa nyong mararamdaman yun" ngisi nya bago ako tinalikuran, she's wearing a sexy night gowns, She does nothing but I am attracted

Hindi parin ako makapaniwala na ang susuot na sya ng ganung damit

"Don't stare at me like that i will never give you my verginity" ngumisi ito ng nakakaloko dahilan para lalong tumindi ang kung anong epekto nun saakin

"Don't tell me you're still a virgin?" Inosenteng tanong ko ngunit hindi ko inaasahang nasa harap kona sya bigla at dumudugo na ang labi ko! Shit! She punched me again!

"Of course! King ina ka ah?" Naiinsultong aniya na umaba muli ng suntok ngunit pinigilan kona

"Foul nayun" tukoy ko sa pangalawa nyang suntok para sa araw nato, kung hindi ko sya pinigilan ay malamang na pangatlo na "but sorry.. But your lips" nakagat ko ang sariling labi ng bumaba ang tingin ko sa labi nya

"You know the answer my prince" gamit ang hintuturo nya ay pinagapang nya iyon mula sa gilid ng ulo ko pababa sa leeg, dibdib at katawan ko. Nang-aakit "dahil kilala mo rin kung sino ang unang nahalikan ko.. At wala ng sumunod don dahil ayoko" Naalala kopa ng ikwento nya saakin ang tungkol roon, may kung anong kirot akong naramdaman "good night Mr. John Gael Montemayor" pag papatuloy nya

"Damn that handsome name.." Papuri ko sa sarili kong pangalan, ewan koba pero ang sarap pakinggan pag sya ang nag sasabi

"Ang pangit ng pangalan mo" seryoso nyang sinabi iyon, natigilan ako bago ko inulit-ulit sa aking isipan ang aking ngalan then she's right.. Ang pangit ng pangalan ko "pero ang gwapo mo" bulong nya pero sinadya nyang iparinig saakin yun

"Uh lady!" Angil ko "tumigil kana hangga't kaya ko pang mag pigil" biro ko, sabay kaming natawa "have a good night.." I winked at her, lumabas narin ako ng silid nya, sa lahat ng silid dito sa palasyo ay yung kay ama, saakin at sakanya ang pinaka malaki, ang kwarto nya ay simple lang habang ang akin ay pawang puti at may halong itim, ang sa hari naman ay simple katulad sakanya

"Mahal na prinsipe ipinatatawag ho kayo" biglang kitaw sa kung saan ng punong kawal o ang pinunong kawal

"Nino?" Tamad na tanong ko

"Nang ama" nag bigay galang pa ito bago nawala sa isang iglap

Napapabuntong hininga na nagtungo ako sa silid ng hari, bagot na naupo ako sa upuan kung saan kaharap ang lamesa nya at ang swivel chair nya, nakatalikod ito habang nakatayo at tanaw-tanaw ang maliwanag na buwan, prenteng nakatayo ito

"Gabing gabi na ama" reklamo ko, hinarap nya ako ng nakangisi

"Nais ko lamang kamustahin ang prinsipe ng Nosferatos" sinserong ngumiti ito, muli akong napabuntong hininga

"Ayos lang ako.. Sabihin mona ang iyong nais sabihin" tamad na sabi ko, mahinang tumawa naman ito

"Hindi mo alam na may lihim na nag tatangka sa buhay mo.." Buntong hininga nya, bigla ay nagung seryoso ito

"Alam ko.." Iling ko, naron ang gulat sakanya ng lingunin ako

"Mag-iingat ka" paalala nya bago isinenyas ang pinto na animoy pinalalabas na ako

Pabuntong hiningang lumabas ako at dumiretso saaking silid, tatlong taon narin ang nakakalipas, marami na ang nag bago, marami ang nawala.. Marami rin ang nadagdag.. Sumobra pa

Nang maganap ang pag durugo ng buwan ay sinugod ang kaharian kaya hindi ko man lang natulungan si Celes nung mga oras na alam kong kailangan nya ng tulong

Kahit na huli na ay nag punta parin ako

Nag kalat lang ang mga bangkay at dugo ng dumating ako, paumaga narin nun ng makarating ako

Alam kong mas marami sa mga bampira ang namatay. Marami man sila ay alam kong matatalo sila ng grupong kinabibilangan ni Celeste nuon kung nakapag handa lang sila

Nakakapag taka na lagpas isang libo ang dumating na mga bampira sa event nayun ngunit nakaka tawa ang dahilan ng malaman namin

Ninais nila na maubos na ang lahat ng umuusig sa mga uri namin at ginamit nila ang dating kagrupo ni Celes para ma-set up sila

Yun ang totoo, maraming namatay ng dahil sa kagaguhang iyon, muntik na akong mamatay ng araw din na iyon dahil nakaharap ko ang pinuno ng rebeldeng bampira, nung una ay nagulat ako dahil alam ng lahat na patay na ito ngunit bigla itong dumating, sya ang kapatid ng hari

Nag rebelde dahil hindi nakuha ang nais na maging hari rin, ganib sya yun ang totoo, mabait ang hari kaya sya ang inatasan ng kanilang ama na humalili rito

Ang mga bampirang katulad namin ay hindi pwedeng magkaroon ng anak maliban nalang kung gagawin mo ang ritwal na ginawa ng dating hari at ang asawa nito

Gamit ang dugo nilang pareho ay isinalin ito sa itim na baul na may itim na dugo ngunit ang babae lamang ang iinom nun bago nyo gawin ang pag tatalik ngunit kung mag bunga man ang inyong ginawa ay hindi ka mahihirapan sa pag bubuntis.. Sa panganganak.. Dahil buhay mo ang kapalit pag naisilang mo ang iyong anak

Kaya ang araw ng kapanakan ng dalawang mag kapatid na halos minuto lang ang tanda sa isa't-isa ay sya ring araw ng kamatayan ng kanilang ina, ngunit may solusyon upang mabago ang ritwal i mean.. Kung kakayanin mo ang hirap na dadanasin mo sa panganganak, hindi tulad sa mga naunang nanganak noon ay namatay rin dahil mahina ngunit kung iyong kakayanin ang nakamamatay na hirap ay makaliligtas ka, simula ng mamatay ang reyna dahil sa panganganak ay sunod-sunod din ang namatay na kababaihan dahil sa pag bubuntis, kasama na roon ang aking ina

Gusto kong magkaroon ng anak ngunit ayokong mawalan ng asawa, wala pa man ay kinakabahan na ako kung sino nga ba ang mapapang-asawa ko

A/N: sorry natagalan po sa pag update...
read, vote and comment (if you want) thanks...

Vampire (VP1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon