CELESTE'S POV
"Hindi ikaw 'to! Hindi mo gagawin to!" sigaw sakin ni Agustin, kasalukuyan nyang hawak ang kaliwang kamay kong naka sakal sakanya, at ang kanang kamay kong nakahawak sa isang kamay nyang naka sakal saakin
"Tama ka.. Hindi ko kaya" nakangising sabi ko "pero noon yun, hindi na ngayon" agad akong umikot sa ere dahilan para marinig ko ang pag bagsak nya sa lupa at pag lagutok ng buto nya
"Ya—Hargh!" naisigaw nya, tinapakan ko ang dibdib nya kaya agad nya akong pinigilan pero kulang na ang lakas nya
"Nagawa mo ng maayos ang iniwan namin ni Jullian sayo" ngisi ko "huwag kang mag alala.. Sasabihin kong napaka galing mo nang pinuno" dagdag ko saka sya sinipa ng malakas dahilan para may tumalsik na dugo sa bibig nya
Every wound, every pain, every blood I see in my colleagues back then, it’s hurting me. As I watch them stare at me begging, asking for help, it's killing me
"Celeste!" tawag sakin ni Agustin, alam kong hindi nya ako matalo dahil nangingibabaw sakanya yung nararamdaman nya "pwede mo pang mabago ang lahat!" sigaw nya
Alam ko!
Pero mas gusto kong piliin naman ang sarili ko, gusto kong ako naman yung maging masaya, kahit alam kong ikakasakit at ikakatalo nyo pa, mahabang panahon ang isinuko ko sa Legeno, oo masaya ako na nakatulong ako sa mga tao noon pero gusto kong ako naman ang maging masaya, sarili ko muna ang pipiliin ko bago ang iba
"Tatanggapin ka parin ng Legeno! Maniwala ka!"
Kahit naman tanggapin nila ako hindi naman ako magiging masaya, dahil nasa kalaban nyo ang kasiyahan ko at wala sa Legeno
"Paano na ang batang nag hihintay sayo sa mahabang panahon?"
Unti-unting tumigil ang lahat sa paningin ko ng marinig ang sinabi nya
"Masasaktan ko lang sya" naibulong ko, nag-igting ang panga ko at humapding muli ang mata ko "hindi mona ako makukumbinsi" dahan-dahan ang naging lakad ko palapit sakanya "dahil huli kana!" agad kong tinulak ang dibdib nya dahilan para tumilapon ito sa kung saan
Oh God!
Agad akong umalis sa lugar na yon, namataan ko ang sarili na nasa pinaka taas ng isang building, nakaupo at nakatunghay lang sa madilim na ulap, titig na titig sa buwan habang lumuluha
Mali bang pinili ko ang sarili ko? Mali bang pinili kong maging makasarili para lang maging masaya na ako? Pakiramdam ko napaka sama ko, pinili kong saktan sila para sa kaligayahan ko. Hindi ko naman alam na ganito ang nagagawa ng pag mamahal, na kayang isakripisyo ang lahat para lang sa pag mamahal
Oo alam ko nag kamali ako pero masaya ako sa pagkakamaling pinili ko. Masaya ako sa dilim na tinahak ko. Masaya ako sa pinili kong landas
Masaya ako kasi sya ang pinili ko at hindi ang Legeno
"Don't cry" nangibabaw ang tinig ni Gael "it's hurting me" tumabi sya saakin at inakbayan ako
"Can i ask?" tanong ko sakanya. tumango lang sya "Mali bang piliin kita?" deretsong tanong ko, halatang natigilan sya ngunit agad na bumawi
"What do you mean?" tanong nya, umiling lang ako
"Mali bang ipag palit ko ang Legeno.. At ikaw ang pinili ko?" pag lilinaw ko
"Hhmm" iniharap nya ako sakanya "depende.. Kung saan sa tingin mo ang tama" mapait syang ngumiti, nakagat ko ang pang ibabang labi dahil pakiramdam ko nasaktan ko nanaman ang damdamin nya, mula dito ay tinalon ko nalang basta pababa ang building, pag baba ko ay nasa mismong harapan kona sila Agustin
"Celeste.." gulat na usal nya
"Oh?" walang buhay na tugon ko, Nang hindi sya sumagot ay basta nalang akong nawala sa lugar na yon at nasa Nosferatos na ako
Walang kabampi-bampira ang nandito, wala akong magawa kundi iwasan ang magiging madugong labanan, alam kong sa mga oras na to.. Marami na sa kasamahan ko ang patay
"You're alone" bigla ay nangibabaw naman ang tinig ni Rico "hinanap kita pero sabi ni Gael baka nandito ka.. Well" naupo sya sa tabi ko at pabirong binangga ang braso ko
"Kaya naman nila yun" pag dadahilan ko
"Labanan?.. Nang wala ang prinsesa?" kunwaring tanong nya at natawa ng tipid
"Prinsesang walang silbe" walang emosyong nasabi ko
"Hay nako" napapakamot sa ulong usal nya "anong balak mo? Pagkatapos nito?"
Bumuntong hininga ako "Tss!" tumayo ako at tinungo ang lugar kung saan naabutan kong nakikipag laban ang ama ko, tinawanan ko lang sya ng makitang hinihingal na sya
"Ya!" isang tinig ng lalaki, pasugod saakin, yumuko ako at bumwelo saka ito dinakma sa leeg at iniangat "Grr-yah!" naisigaw nya, nasa ere na sya ngayon dahil buhat buhat ko sya dahil sa pagkakasakal ko
Bumaon ang mga kuko ko sa leeg nya, walang awang binali ko ang leeg nya at basta nalang inihagis, sinalubong ko ang isang kalaban ng suntok at kalmot, ang sumunod ay tinalon ko at saka sinipa ng dalawang paa, pareho kaming bumagsak, ng bumangon ako ay biglang sinaksak ang puso ko
Si Punggok..
"Celeste.." nahihirapan man ay naging nakakaloko ang ngiti nya "ikinagagalak kong makasama ka sa labanang ito.. Bilang isang kaaway" mula sa magandang ngiti ay naging mapait ito, tinalikuran ko sya at sinalubong ang pitong kalaban
May pumapatak na luha sa mga mata ko habang nakikipag laban, oo nga't hindi ako nasaktan sa labanan, oo nga't wala akong natamong sugat pero.. Yung puso ko.. Nasasaktan na ng lubos.. Puro sugat na dahil sa kagagawan ko
"Argh!" malakas na sigaw ko kasabay ng pag suntok sa kaharap ko "a-ayo" isang suntok ulit ang ginawad ko "ko!" isang sipa naman ang ginawa ko "NA!" malakas ang naging pag sigaw ko
GAEL'S POV
Saktong pag dating ko sa labanan nadatnan ko si Celeste na walang awang pinag sasapak at pinag sisisipa ang kaharap nya na halatang suko na
"NA!" malakas na sigaw nya kasabay ng pag bagsak nya paluhod sa lupa, may kung anong itim na usok ang pumalibot sakanya ang biglang lumabas matapos nyang sumigaw, kasabay ang pag yanig ng lupa ang sigaw nya, at pag balot ng kadiliman na alam kong galing sakanya
Ang tanging nakikita ko nalang.. Ang mga mata naming mga bampira na syang pula, masyadong makapangyarihan ang lumabas kay Celeste ng sumigaw ito, dahil hindi lang itim na usok at pag yanig ang naging bunga, nagising nya ang mga taong lobo, nabiyak ang bato, kasunod ng pag hagulgol ng taong mahal ko
Celeste..
"AHOO!" it's a werewolf growling, ang isang ungol ay nasundan ng mag kakasunod, kasabay ng pag yanig muli ng lupa na syang senyales na malapit na sila
"A-ama" na usal ko matapos makita ang mata lang ng taong lobo, kulay kahel o dilaw man ay alam kong taong lobo, mahina na ang naging ungol nila, alam kong matagal na panahon na silang tulog ngunit.. Isang propesiya ang nakatakda... Isang makapangyarihang nilalang lamang ang makaka gising sakanila at si..
Celeste..
Lalong naging mabigat ang pag hinga ko, kung ganon.. Magaganap na ang mas madugong labanan...
Werewolf vs Vampire
At dahil yun kay Celeste.. Dahil yun sa taong mahal ko, sa sobrang lakas ng kapangyarihang lumabas sakanya kanina lang.. Nagising ang mga taong lobo
Ngunit ang tanging katanungan ko lang sa isip ko..
Kelan ang digmaang yun?...
A/N: Thanks!!!!! Mag vote naman kayo gaiz tas comment narennnnn
BINABASA MO ANG
Vampire (VP1)
VampirA prophecy will be known about the world of humans and the world of vampires Warning! This story is from 2020 so expect what to expect and thus isn't edited and I am not planning to edit, I want it to be what it is when I wrote this on 2020