CELESTE'S POV
"Please?.. Libre kona" pamimilit ni Gael, bumuntong hininga ako, nawawalan nako ng pasensya sa nilalang na ito
"Isa pang pamimilit ibabalibag na talaga kita" banta ko, ngumisi sya, hindi nag pasindak ang loko "king ina" bulong ko
"Tang ina" bulong nya, inis na nag angat ako ng tingin sakanya, ang loko nakangisi pa! Mukang asong nauulol
"Mo? Yeah, that's true" ngiwi ko, ganun nalang ang biglaan nyang pag kunot ng noo, hindi nagustuhan ang sinabi ko "geh tol una nako" tinapik ko ang balikat nya saka ko sya nilagpasan ngunit nahuli nya ang pulsuhan ko "wag mokong hawakan" banta ko, kunot na kunot ang noo nya, umiling nalang ako ng dininan nya ang pagkalahawak sa pulsuhan ko, konti nalang ay babaon na ang kuko nya
"Ano bang problema mo? Libre kona nga eh" nakanguso na sya ngayon, nag papacute
"Mahirap ba intindihing may pupuntahan ako?" Nawawalang ng pasensyang asik ko
"Kahit uhm.." Umakto itong nag-iisip "twenty minutes?" He ask me again, and again and again. Damn! Annoying!
"Pakakawalan mo yung braso ko o ibabalibag kita?" Muling tanong ko
"Fifteen?.." Pangungulit nya pa
"No I'm busy" muling tanggi ko, limang pamimilit pa makakatikim na to
"Ten?.." Muling tanong nya
"I'm fucking busy Gael" inis na tinignan ko sya
"Five minutes.." Umaasa paring sabi nya, napailing nalang ako
"No" mariin kong sagot, hinablot ko ang kamay ko sakanya saka dumiretso sa motor, agad kong binubay ang makina niyon at dinaanan pa sya bago pinaharurot yun na halos umangat na ang motor ko
Pag dating sa Legeno ay sandamakmak na alak at pulutan ang nadatnan ko, mga nag iinuman at pawang mga lasing na ang iba, naagaw ko ang atensyon ng lahat, napabuntong hininga ako ng tagayan pa ako
"Just drink it" nakangiting ani ng isa sa kasamahan ko, inilingan ko nalang sila saka hinanap ng paningin si Agustin
"Hoy!" Nangibabaw ang tinig nya mula sa pulungan, napabuntong hininga akong pumunta roon ngunit nanlumo ng katulad kanina ay samut saring mga alak at pulutan ang nandon
"Don't drink too much" baling ko kay Agustin na tinapik pa ang balikat nya
"Tagay" iniabot nya pa sakin ang basong may alak, naamoy ko agad ang amoy ng red horse
"Hindi ako umiinom" kaswal na sagot ko bago tumabi sakanya
"Huh? I didn't know sorry" pumupungay ang matang aniya ang paningin ay naron sa mga pulutan
"Lasing kana" iling ko saka tumayo, naupo ako sa swivel chair at dun nahilot ang sentido, I'm still sleepy, Yumuko ako sa lamesang naron at ipinatong ang dalawang braso, ginawa kong unan yun at dun nakatulog
Nagising ako dahil sa malalakas na tawanan, napasulyap ako sa mga nag iinuman at ganun nalang ang gulat ko ng makita bagsak na si Agustin, lumapit ako at sinalo ang akma nyang pag tumba sa inuupuan
Damn!
inis ko syang itinayo, nabigatan ako dahil nanghihina rin sa amoy alak sya, balagbag ko syang inihigang basta sa sahig at iniwan, napatingin ako sa cellphone at napabuntong hininga ng mag aalasyete na pala
Umuwi nalang ako dahil malamang ay gutom na si Pikoy, binigyan ko lang sya ng singkwenta para pang miryenda nya baka naguhutom nayun
"Celes" ganun nalang ang panlulumo ko ng si Gael ang datnan sa bahay, kumakain silang pareho ni Pikoy, nag iinit ang pakiramdam ko, pakiramdam ko ay lalagnatin ako anumang oras, hindi ko maintindihan
"Umuwi kana" agad na sabi ko, hinubad ang t-shirt na suot sa kwarto kaya itim na sando ang bumalandra, ang mga damit ko ay puti at itim lang yung iba ay krema o gray yung nalalapit talaga sa kulay na puti at itim, ang ibang kulay ay mabibilang nalang sa daliri
"Kumain kana ba?" Tanong nya, napapabuntong hininga ko syang hinarap, napatingin ako sa magulo nyang buhok pababa sa kanyang kilay at mata, ang matangos nyang ilong ay may pakinang pa, normal na siguro, bumaba yun sa labi nya, napabuntong hininga ako ng kagatin nya pa ako, ngunit muling bumaba ang tingin ko sa adamz apple nya, yun mismo ang hinawakan ko gamit ang hinlalako at hintuturo, nagugulat syang nag baba ng tingin saakin
"Umuwi kana gabi na" muling sabi ko saka binitawan ang adams apple nya at tinapik pa ang balikat nyang nag punta sa kusina, naroon na si Pikoy at kumakain, lumapit ako sakanya at naupo gamit ang isang paa para pag pantayin ang paningin namin "Busog kana?" Nakangiti kong tanong, sunod sunod na tumabgo ito "maligo kana para maaga kang makatulog" pabuntong hininga kong utos, nag iinit ang parehong gilid ng ilong ko at ng baba ng mata ko, inaantok ngunit kailangan kong tantyahin ang lakas ko para kung sakaling biglaang misyon ay makakadalo ako, hindi yung ganito.. Wala akong ginawa pero para akong pagod na pagod, nanlulumo at ang bigat ng pakiramdam, para akong may lagnat
"Are you ok?" Nangibabaw bigla ang tinig ni Gael, sinulayapan ko sya ng may pumupungay na mata
"Ewan ko" nginitian ko sya bago dumiretso sa kwarto, pabagsak na naupo ako sa kama at malalim na nuntong hininga ang pinakawalan
"Celeste wake up" hindi ko namalayan na nakatilog na pala ako, napabangon agad ako ngunit nangunot din ang noo matapos makitang nakagiwi ito habang hawak ang braso ko, padarag kong binawi yun "you're sick" aniya na dumiretso sa labas at pag balik ay may dala ng maliit na palanggana at may laman pang tubig at bimpo
"Si Pikoy?" Tanong ko, ang panibgin ay nasa hawak nya
"Sa sofa kona pinatulog baka kase mahawa sya" inilapag nya ang hawak sa tabi ko at kinuha ang panyo at piniga iyon "uhm.." Kinuha ko nalang ang bimpo sakanya at ako ang nag punas sa sarili, matapos nun ay init na init parin ako
Tumayo ako at lumabas, napabuntong hininga matapos makita si Pukoy na nakabaluktot ang higa, lumapit ako ron, gusto ko man syang gisingin ay mahimbing na ang tulog nya mukang malayo na ang narating, binuhat ko nalang sya kahit nanghihina ay kinaya ko, inilapag ko sya sa katabing kama ng higaan ko, hinaplos kopa ang buhok nya pababa sa pisngi bago iniwan
"Hindi ka parin umuuwi baka himahanap kana sainyo" sambit ko pagkalabas ng kwarto ay naabutan ko syang nag lalagay ng tubig sa baso
"Alas-onse palang naman" buntong hininga nya, gulat na nag angat ako ng tingin sakanya
"King ina" nasabi ko nalang
"Tang ina" tatawa-tawa syang pumunta sa harap ko at iniabot ang tubig at gamot na hawak nya
"Gamot? Really Gael?" Nanunuyang sabi ko, yatawa-tawa parin sya "wala namang kwenta yan tss!" Natawa nalang din ako at ininom din yun
"Ang dami pang arte iinumin din naman" bulong nya, kunot noo akong nag angat ng tingin sakanya
"King inang yan" asik ko, umilag naman ang loko
"Tang inang yan" asik naman nya
"Bakit ba sa teing mag mumura ako nag mumura kaden? Epal ka no!" Inis kunwaring sabi ko, humalakhak naman ang loko
"King ina sayo edi tang ina saken heheh" nag peace sign pa, umiling nalang ako
"Salamat" ngiti ko "umuwi kana" yumuko ako sa mga palad ko at dun nag muni-muni
"Ayaw moba ako dito?" Nakangusong tanong nya. Nag papacute
"King inang yan?" Nawawalan ng pasensyang sabi ko, natawa nalang sya
"Pag natulog kana saka ako aalis" yun kang at tinalikuran nya ako, nahiga pa sa sofa sa harap ko "good night" sarkastikong aniya, umiling nalang ako
Panibagong kaibigan panibagong kaaway.. Hayst
BINABASA MO ANG
Vampire (VP1)
VampirosA prophecy will be known about the world of humans and the world of vampires Warning! This story is from 2020 so expect what to expect and thus isn't edited and I am not planning to edit, I want it to be what it is when I wrote this on 2020