CELESTE'S POV
Inakay ko si Pikoy papunta sa banyo dala ang tuwalyang gagamitin nya at ang damit na isusuot nya
"Gusto moba mag-aral?" Bigla ay naisipan kong itanong
"Ayoko.. Mas gusto kong matuto ng mga tinuturo mo saakin" nakangusong sagot nya
"Hayst.. Sige ma maligo kana" bahagya ko syang itinulak papasok sa banyo
Naawa ako kay Pikoy dahil hindi sya makakapag-aral.. Kaya ko naman syang pag-aralin kaso baka pang elementarya lang katulad ko.. Elementary lang ang natapos dahil ng tumuntong ako ng dose ay puro peligro na ang nagaganap sa buhay ko, syete anyos palang ako ay sinasanay na ako ng nanay ko, ng mag walong taon nga eh kaya ko nang makipag patintero sa mababangis na hayop
Ng mag sampung taon naman ako ay dun ko sinimulang makipag patayan sa mga bampira, biruin mo sampung taon palang ako pero lumalaban na ako, pero nung mag onse ako ay isa't kalahating taon ang tumigil sa pakikipag laban at mas piniling makipag basag ulo nalang, bata palang ako noon, bata pa ako kaya hindi ko naintindihan ang sitwasyon, pero ng tumuntong ako sa edad na dose ay muli akong nakipag patayan sa mga bampira,
Ng mag katorse ay nakuha kona ang bahay na ito bunga ng pag ta-trabaho sa umaga at pakikipag patayan sa buong mag hapon at sa gabi ay pahinga ko, naging ganun ang buhay ko ngunit ng tumuntong ako ng kinse ay lumala ang mga nangyayari, wala akong choice kundi ang itigil ang pag ta-trabaho at mag focus bilang isang tagapag tanggol, kalaunan ay nahati ang oras ko, pag walang misyon ay trabaho ang pag kakaabalahan ko, ngunit muli akong tumigil at tinalikurang muli ang pagiging tagapag tanggol, halos kalahating taon na nakadikit lang sa pader ang sandata ko, nag ipon ako, nag trabaho ako, laging over time para makaipon, nag ipon ako para mabili ang bahay na ito at hindi ako nabigo, kasunod ay ang kuryente at tubig, ang problema ko nalang sa araw-araw ay ang makakain ko, hindi naman ako namroblema dahil sa Legeno ay may pagkain sa umaga, pagkatapos ng misyon ay kakain kayo ng sandamakmak na pagkain kaya pagkauwi ko sa bahay nuon ay maliligo at matutulog nalang ako ngunit ng mag labing anim na taon ako ay muli akong tumigil sa pakikipag laban at nag ipon muli para may makain sa araw-araw, bigla kasing nawalan ng pera ang Legeno kaya kinailangan kong isakripisyo ang misyon ko para makaipon, ngunit nasa labing anim na taon parin ako ng makaipon, lahat yun ay binili ko sa pangangailangan ko, pang kalahating taon ang nabili kong pangkain sa araw-araw, tutal isang beses pang naman sa isang araw king kumain ako ay tumagal iyon kaya muli akong bumalik sa pagiging tagapag tanggol, mula nun ay hindi na ako muling tumigil, pag walang makain ay nag titiis akong walang laman ang tyan, pero ngayon narito si Pikoy imbis na kakainin ko ay ibibigay ko sakanya
Mas kaya kong tiisin ang gutom kesa sakanya, masyado pa syang bata, ang martir ko kung sasabihin ko sakanyang mag trabaho sya habang ako ay mag po-focus sa pagiging tahapag tanggol, mas pinili kong rumaket nalang paminsan-minsan, pag nagkapera ay isang galon agad ng tubig ang bibilhin ko matapos nun ay mga delata, mga lucky me, or kahit ano, napadalas nanga ang pag mamanok at pag bababoy ko dahil kay Pikoy ayoko namang kumain sya ng mga ganun hindi naman sa minamaliit ko
Minsan nga lutong ulam ang binibili ko, kung papipiliin ako mas gugustuhin kong ako amg magutom kesa si Pikoy
"Celeste!" Halos mapaigtad ako ng may pamilyar na boses ang sumigaw
"King ina! Ano ba?!" Inis na tanong ko "bat ba sumisigaw ka?!" Inis parin na tanong ko
"Kanina pa kaya kita tinatawag tss!" Angil ni Gael, may dalang isang malaking plastik na puti at maumbok iyon, mukang alam kona ang laman "hehe.. Wag kang mag-alala para kay Pikoy to hindi sayo" nanunuyang tinignan nya ako, nang-aasar
"Binilhan mo nanaman sya ng mga pagkain? Hindi panga nya nauubus yung mga binili mo nung nakaraan" sinindan ko sya papunta sa kusina at pinanood sya habang nilalagay ang mga stock food i mean, mga delata, gatas, chocolates, noodles, frozen foods, at kung ano-ano pa, yung iba sa reft nya inilalagay, maliit lang naman yung reft ko, kahit naman ganito ako ay makikita mong tao talaga ang nakatira hehe
BINABASA MO ANG
Vampire (VP1)
VampireA prophecy will be known about the world of humans and the world of vampires Warning! This story is from 2020 so expect what to expect and thus isn't edited and I am not planning to edit, I want it to be what it is when I wrote this on 2020