Kabanata 16

129 7 0
                                    

CELESTE'S POV

Nagising ako dahil sa kalansing ng ispada hanggang sa mamataan ko si Agustin na nakikipag laban sa iilang mga bampira, sinubukan kong tumayo at hindi ako nabigo, mukang bumalik na ang lakas ko kahit papaano

"Agustin.." Nasambit ko, agad ko syang tinulungan, lalampa-lampa man ay nagawa naming ubusin ang kaharap namin

"Ayos kana ba?" Nag-aalala nyang tanong tumango lang ako, sabay kaming tumakbo papunta sa malawak na espasyo sa hindi inaasahan ay napaka raming bampira ang sumalubong saamin, iilang metro ang layo nila saamin, namataan ko ang mga kasamahan naming iba na nabuhayan ng pag-asa matapos kaming makita, agad kong itinaas ang kahoy na krus at nag liwanag ito tulad dati ay ispada na ito ng mawala ang liwanag

"Ang dami nila" nababahalang bulong ni Agustin

"Pero kaya natin to.." Pag papalakas ko ng loob nya, sabay-sabay kaming sumugod

Hindi na kakayanin ng pwersa namin pero umaasa ako.. gabayan mo kami nanay..

Sa pangalawang pag kakataon.. Muli akong nakalmot ngunit sa katawan na, hindi ko ininda yun, pinag patuloy ko ang pakikipag laban, hanggang sa dumating ang iba namin mga kasamahan, napangiti ako ng may mga kasama pa itong mga sundalo, ngunit anong laban namin.. Sobrang dami nila

Muli akong nag focus sa pakikipag laban, agad akong umiwas sa akmang pag sipa saakin, pinadaan ko agad ang sandata ko sa katawan ng bampirang yun at nag tuloy muli sa pakikipag laban

Ang daming pumasok sa isip ko, si Pikoy na maiiwan sakaling hindi ako makaligtas, ang inihabilin saakin ni mang Jullian.. Ang Legeno, ang pangako ko sa aking ina.. Ngunit kung ito ang kapalaran ng lahat ng narito.. Tatanggapin ko dahil meron at merong lalaban, laban sa mga bampira

Nanlumo ako ng muli ay may sumaksak sa tagiliran ko, napaluhod ako at hindi sumuko, pinilit kong lumaban, hindi ako susuko

Mula sa likod ko ay may gumapang na ispada dahilan para muli ay may dugong lumabas sa bibig ko, hindi na kakayanin pa ng katawan ko kung matatamaan nanaman ako, pinilit kong lumaban, pinilit kong tumayo, si Agustin ay pinipilit makalapit saakin pero may pitong bampirang pumipigil sakanya

Handa akong isakripisyo ang buhay ko kung ang mga maiiwan ko ay makakaligtas.. Handa kong ibuwis ang buhay ko kung ipapangako nila saakin na sa susunod na laban ay kami ng mananalo, handa akong lumabang mag isa kahit hinang-hina na ako kung mangangako silang oras na malagutan ako ng hininga ay malayo na ang narating nila o nakatakas na sila rito.. Handa na akong mamatay.. Makaligtas lang ang mga kasama ko

Mula sa likod ko ay may sumaksak muli saakin, bumagsak na ako sa lupa.. Hindi kona kakayanin pa.. Naramdaman ko nalang na nasa tabi kona si Agustin nakahiga ako sa mga hita nya

"Celes.. Wag kang bibitiw" inuuga-uga nya ang aking ulo, nakangising natawa ako

"Gago hindi naman ako naka kapit hahah" hindi ko inaasahang may lalabas na dugo sa bibig ko ng tumawa ako "t-tumakas na kayo.. Pwede pa kayong lumaban hindi man ngayon alam kong sa susunod.. Kayo na ang mananalo" hirap na hirap sa pag-sasalitang nasabi ko

"Hinde Celes! Isasama ka namin" bubuhatin na nya ako ngunit pinigilan ko sya

"King ina! Makinig ka!" Angil ko "ikaw na ang bahala sa Legeno.. Lalo na kay Pikoy" may umagos na luha mula sa mga mata ko, puno na ng dugo ang bibig ko lalo na ang katawan ko "Wag mo akong alalahanin.. Pangako babalik ako.. Kung makakaligtas pa" pinilit kong ngumiti "nag mamaka-awa ako Agustin.. Umalis na kayo.. Parang awa mo na.. Makinig ka sakin kahit ngayon lang" pinilit kong umupo ngunit nanghihina ako, emosyonal ko iyong sinabi "s-sa rooftop.. M-may k-kwarto dun.. Nandon sila Punggok kasama ang p-presedente.. Kung kinakailangan makipag patayan ka mailigtas nyo lang ang presedente gawin mo" hinaplos ko ang buhok nyang basang-basa dahil sa ulan pababa sa pisngi nya, pinaka titigan ko ang gwapo nyang muka, hinang-hinang may dinukot akong papel sa bulsa ko "ibigay mo kay Pikoy ito.. Ikaw na ang bahala sakanya ipangako mo yan" mapait na ngumiti ako "gago ka pag hindi mo inalagaan si Pikoy mumultuhin kita" tuluyan na akong umiyak, nanghihina man ay yumakap ako sakanya "ikaw na ang bahala sa lahat.. Umalis na kayo" bumitiw ako sa pag kakayakap matapos nun, hinaplos nya ng paulit-ulit ang pisngi ko

"Mangako ka na pag nakaligtas ka.. Sa Legeno ka unang pupunta.. Mag hihintay ako" tango lang ang naisagot ko, inilapit nya ang muka nya saakin, sobrang lapit na namin sa isa't-isa, namalayan ko nalang na sinisiil na nya ako ng halik, mararamdaman mo ang pag mamahal nya sa halik nya, hinang-hina man ay tinugunan ko iyon, napakapit pa ako sa pisngi nya

Hindi ako mag-sisisi na kay Agustin ko ibinigay ang unang halik ko, mag kaibigan lang kami at hindi mag babago yun

"Mahal na mahal kita.." Bulong nya, hindi ko inaasahan yun kaya napayakap ako sakanya

"Umalis na kayo" pinag tulakan ko sya, pinilit kong tumayo ng makalayo na sila ng iba pa, marami parin bampira "sugod" utos ko, agad kong sinalag ang bampirang sumugod hanggang sa mapaluhod akong muli

"Tignan mo nga naman.. Ang tagapag tanggol.. Lumuluhod na saamin ngayon" nakangising anang ng isa sa mga bampira

"gaya ng aking ina, mamamatay ako ng taas noo, nang hindi lumuluhod kanino man! Lalong lalo na sa inyong mga bampira!" Muli akong tumayo at nakipag laban ngunit hindi ko inaasahang may muling kumalmot sa likod ko, wala na akong nagawa kundi ang mapahiga, nanlabo na ang paningin ko, marami ng nawala sa dugo ko

Mag-iingat kayo Agustin..

Dahan-dahan akong napapikit

AGUSTIN'S POV

"Bakit mo iniwan si Celeste?" Gilalas ni Punggok

"Babalik sya.." Yun lang ang sabi ko, patuloy ako sa pag mamaneho, hindi na tumigil pa ang pag-agos ng luha ko yun ay kung makakabalik ka panga..

Pag karating sa Legeno ay sinalubong agad kami ng mga kasamahan naming naiwan, napakapit ako sa braso ng isa ng muli akong manghina

"Wala na si mang Jullian.." Yun agad ang sinabi ko, hindi nila ako pinakinggan sa halip ay inasikaso nila kami

Lumipas ang isang araw at nag punta ako sa bahay ni Celeste para tignan si Pikoy.. May benda pa ang aking noo, ang braso ko ay nanghihina parin, ngunit hindi na tulad noon

"Kuya Agustin!" Galak na bungad saakin ni Pikoy "si ate Celeste po? Hindi po kasi sya umuwi dalawang araw na.. Kasama mo puba sya?" Nakangiting tanong nya, may kung anong kurot akong naramdaman sa aking puso kaawa-awang bata..

"Wala sya.. Baka.." Hindi ko maituloy ang sasabihin "kasama sya sa.." Pumatak muli ang aking luha

"Kuya.."

"Hindi na sya babalik.." Yun lang ang nasabi ko at binigay kona sakanya ang papel na inabot saakin ni Celes

"May dugo.." Nasambit nya matapos makita ang natuyong dugo sa papel

"Dugo ni Celes yan.." Mapait na ngumiti ako, nangilid bigla amg luha ni Pikoy, nabasa kona ang sulat na naroon

Pikoy.. Pag nabasa mo ito isa lang ang ibig sabihin non, baka wala na ako.. O kaya patay na ako.. Alagaan mo ang sarili mo tandaan mo lahat ng itinuro ko sayo, gusto kong makapag-aral ka kahit huli na.. Ipangako mo na magiging mabuting bata ka.. Ikaw na ang bahala sa bahay.. Sayo nayan.. Mahal na mahal kita

-ate Celeste

"Ate.." Hagulgol ni Pikoy, napayakao nalang ako sakanya upang pigilan syang humagulgol ng mas malakas

Pangako Celes.. Ako na ang bahala kay Pikoy..

A/N: read, vote and comment (if you want) Thanks.. Wait for K17

Vampire (VP1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon