Kabanata 33

96 6 0
                                    

CELESTE'S POV

Nanlalata ako, kinakabahan, dahil ng mga sandaling ito, nakasakay na kami  sa sasakyan, nauuna kami kesa sa ibang van na puno ng bampira, ang kanang kamay ni ama ang nag da-drive, nasa front seat naman ang ama ko katabi ang kanang kamay nya, nasa kaliwa ako sa backseat at nasa kanan si Gael, katabi ko.

Mahigpit ang pag kakahawak nya sa kamay ko, paulit-ulit na pinipisil yun, kinakalma ang sistema ko dahil sa mga sandaling ito.. Gusto kong ibalibag ang sinasakyan namin, malapit na kami sa dati kong tinitirhan ng mula sa medyo malayo ay may matanaw akong pamilyar na lalaki at may akbay itong batang lalaki na sa palagay ko ay 11 to 12 years old, ng makalapit kami ng kaunti ay agad kong hinawakan ang braso ng kanang kamay ng ama ko

"Stop.." mahinang utos ko at nahinto ang sasakyan sa mismong harap nila..

Pikoy...

Hindi nag badya ang luha ko, kusa itong bumuhos, titig na titig kay Pikoy na akbay-akbay ni.. Agustin... Nag simulang bumigat ang pag hinga ko, anumang oras ay baka buksan ko ang pinto ng kotse at agad kong yakapin si Pikoy

Hindi ko maiwasang ngumiti ng luhaan habang pinag mamasdan ang dalawa, halata kasi na nag-aasaran sila, rinig na rinig ko rin ang pinag-uusapan nilang dalawa kaya lalo akong napangiti

"Loko.. Chikboy kana ah" pang-aalaska ni Agustin kay Pikoy, tumawa ng bahagya si Pikoy habang nakanguso

"H-hindi k-kaya" halata na nahihiya naman si Pikoy "S-saka kung s-sakali.. G-gusto kong.. Nandito si" hindi nya maituloy ang sasabihin, sa kung anong dahilan ay bigla akong kinabahan "..ate.. C-ce-celeste" parang tambol na dinamba ang puso ko, agad akong napahagulgol, alam kong naririnig ng mga kasama ko ang pinag-uusapan nila kaya agad napatingin sakin ang kanang kamay ng ama at syempre ang ama ko

"M-mula sa n-nakaraan" yun lang ang sinabi ko

"K-kuya?.. B-babalik pa puba si ate?" rinig kong tanong ni Pikoy "g-gusto kona syang makita, gusto konang ipag malaki sakanya na.. G-grade 6 na ako.. Graduating student na ako" malungkot na sabi ni Pikoy, lalo akong napaluha "na.. A-ate may top ako.. Magiging high school student nako! Ang gwapo kona diba?" sabi pa nya na animoy ako na talaga ang kausap, napatingin ako kay Agustin na sobrang lungkot ang mga mata na pinapanood si Pikoy na sabihin yun "namimiss kona sya" napapabuntong hiningang dagdag ni Pikoy

Agad kong binuksan ang pinto ngunit hindi ko alam kung gaano kabilis si Gael na agad akong pinigilan at yinakap

"W-wag please.." nasusumamong pakiusap nya "ipapahamak mo ang sarili mo" dagdag pa nya

"Gusto kona silang makasama ano ba!" pag pupumiglas ko, halos masaktan kona sya

"Pag tatakhan lamang nila na kung bakit ngayon ka lang dumating sa loob ng tatlong taon Celeste.. Please.." pigil nya pa, napahagulgol ako sa pag-iyak, yakap nya ang parehong braso ko habang yakap ko ang sarili

"Mag papaliwanag ako!" sigaw ko, alam kong hindi ako maririnig sa labas ng sasakyan pero umaasa ako na sana narinig nila ako "p-pakiusap.. K-kahit ngayon lang" humahagul na pakiusap ko, unti-unting tumigil sa pag pupumiglas, hinarap ako ni Gael sakanya, pinunasan nya ang mga luha ko "ayoko na.." usal ko

"Sshh, tama na" hinagkan nya ako ng mahigpit, yung pakiramdam na may pagkakataon kana para mayakap sila pero hindi mo magawa dahil hindi kana katulad nila, yung pakiramdam na marami kang pagkakataon noon ngunit pinili mong pag masdan at titigan lang sila

Ang tanga...

Hindi pa rin umaandar ang sasakyan, ramdam ko na nakikiramdam lang sila, huminga muna ako ng malalim at inayos ang sarili, saglit ko pang nilingon sila Pikoy na kasalukuyan ng tumatawid, nakita kopa ang ilang van na kasalukuyan nasa likod at hinihintay na umandar ulit kami

"Let's go" walang bubay kong sinabi, kaunting sandali lang ay umandar ng muli ang sasakyan, binuksan ko ang phone ko at nag online, messeges galing sa gc ng Nosferatos

Berdano: Hey! Is there any problem?

Rica: Where are you guys?!

Nakita ko naman na sinend ng isa sa mga bampira ang location namin

Rico: Hey! Celeste.. Gael! Bakit huminto kayo?

Francine: Babain nyo na baka may problema

Zepanie: Celeste! What's happening?

Laney: Shut the fuck up! Ayos lang kami rito
(Kanang kamay ng ama)

Napabuntong hininga ako, naiwan nga pala namin si Rica dahil sa kaartihan nya, nilingon ko si Gael na nakatingin pala saakin, hinatak nya ako at mahigpit na niyakap

"Don't do it again please... My queen" bagaman malambing ay nanenermon na bulong nya, tumango lang ako at palihim na hinalikan sya sa pisngi

"I'm sorry" bulong ko

Nang makarating kami sa destinasyon ay isa-isang bumaba ang mga nasa van, kami naman ay nanatiling nasa loob ng sasakyan at pinakikiramdamab pa ang labas

"Patayin silang lahat! Arghh!!" sigaw ng kung sino, rinig na rinig, maging nag mag ungol nya ng arghh!! Narinig ko

"Nagkakagulo na" komento ni Laney, kanang kamay ng ama ko

"Wala man lang myembro ng Legeno?" dismayadong tanong ko ngunit agad na natigil ng makita ko... S-si Punggok, paatras ng paatras palabas habang may kinakalabang apat na bampira, agad kong isinuot ang sumbrero ko at ang itim na mask, pawang mga naka itim kami ni Gael at ang ama ko, ang iba sa kasama namin ay naka pula na

Bago pa bumaon ang kamay ng kung sinong bampira sa likod ni Punggok ay napigilan kona, hawak ko ng mahigpit ang braso ng bampirang ito, halatang nasasaktan na sya, mahigpit pa lang yan.. Paano kung..

"Grr-argh!" naisigaw nya matapo kong diinan ang pagkakahawak sakanya, ang ngipin kong nagkakaron ng pangil ay lumabas na, naging dahilan yun para hindi makilala ang boses ko

"Pag hindi kayo tumigil.. I swear.. I will kill every rebel vampires" bulong ko, yung maririnig nya ng malinaw at hindi maririnig ni Punggok "this is fucking second warning.." banta ko saka sya binitawan, unti-unting nawala ang pangil ko at hinarap si Punggok, bahagya akong nakayuko, yung bibig ko lang ang makikita nya at hindi ang mata, naka sumbrero naman ako kaya posible yon

"S-sino ka?" nag tatakang tanong nya, bahagyang bumali ang ulo ko bago muling pinatulis ang pangil upang mag iba ang boses at hindi nya makilala

"Isang namatay at muling nabuhay" makahulugang sagot ko, unti-unti muling nawala ang pangil, matunog ang naging ngisi ko bago sya talikuran, hahakbang pa lang sana ako ng pangalawang beses ng may sumaksak sa likod ko

"Salamat sa pag ligtas ngunit isa kang bampita kaya patawad" hangos nya, hinarap ko sya na parang wala akong natamong saksak galing sakanya

"Kung papatay ka.. Siguraduhin mong mapapatay mo" sa pagkakataong ito.. Sinadya kong makilala nya ang tono ko ngunit ramdam kong natigilan sya at agad na binalot ng pagkalito, hinugot ko ang kutsilyo nya at ibinigay yun sakanya

Prente akong nag lakad, parang walang nangyari ngunit ang totoo ay binubugbug na ang puso ko sa mga nakikita ko, pagkasakay ng sasakyan ay agad kong tinanggal ang sumbrero ko

Natapos ang araw na yon na puro kami pag babanta, warnings, ayokong dumanak ang dugo sa napaka agang panahon, hindi nararapat mamantsahan ng dugo ang kamay ko sa isang walang kwentang labanan







A/N: Read, vote and comment lang gaiz! Yun lang

Vampire (VP1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon