CELESTE'S POV
Muling lumipas ang mga linggo, naging busy ang mga araw na lumipas, lumalakad ako ng mag-isa para mag hanap ng bampira, walang sinasanto kahit na sinong makalaban, sa lumipas na linggo ay lalong nagiging delikado ang buhay ko dahil sa pagiging mag-isang lumalaban at palihim na nag iimbestiga
Masarap sa pakiramdam kapag nakaka tulong ka sa kapwa mo ng mag-isa ka lang, ng wala kang hinihinging kapalit, na ang nais mo lang ay kaligtasan nya, na ang gusto mo ay payapang mundo, sa bawat naging laban ko ay wala akong pinag sisisihan sa mga ginagawa ko, kung may humingi ng tulong ay walang pag dadalawang isip na tutulong ako kahit na maging alanganin ang buhay ko
Yun ang kapalaran ko.. Mali ang aking ina dahil kumampi sya sa mga Legeno nuon tuloy ay mismong pinuno ng Legeno ang nag taksil sakanya, ang mga tagapag tanggol ay mag-isang lumalaban at walang kasama ngunit nag simula ang kampihan ng Legeno at tagapag tanggol dahil sa lolo ko at nabaon yun sa nanay ko ngunit hindi na dumaloy saakin dahil ginagampanan kona ang aking tungkulin bilang tagapag tanggol hindi bilang isang grupo ng Legeno
May mga pag kakataong inililigtas ko ang mga kasamahan ko at matapos silang mailigtas ay iiwanan na sila sa kampo ng Legeno at muling mag sasarili ng misyon, nag tatampo nanga si Agustin ngunit lagi kong pinaiintindi sakanya na matagal ng ipinag babawal sa batas ng isang gaya kong tagapag tanggol na makihalubilo o pumanig sa grupo nila dahil ang batas saamin ay lumaban ng mag-isa, ibuwis ang buhay ng mag-isa, mamatay ng mag-isa
"Babaeng naka itim" nakangising bulong ng bampirang kaharap ko, marami sila ngunit kakayanin kong labanan, sa bawat laban ko na mag-isa ay pulos itim ang suot ko, ang muka ko ay natatakpan din ng itim at tanging mata ang makikita
"Ang baho ng hininga mo wag mokong bulungan" reklamo ko, gulat na nag angat ng tingin ito ngunit naging abo na ito matapos kong saksakin gamit ang ispadang minana ko sa mga ninuno ko, agad akong sumugod sa mas maraming bampira, kinuyog nila ako kaya wala akong nagawa kundi ang mapaupo at yumuko habang takip-takip ang ulo, buong pwersang tumayo ako kaya tumalsik ang ilan "ang lalakas ng baktol nyo grabe" sabi ko na gamit ang hintuturo ay idinikit iyon sa mismong butas ng ilong ko at ginalaw-galaw, agad akong umilag ng mula sa likod ay may umatake "ang lampa mo" pang-aasar kopa matapos nitong bumalentong
Sinapo ko ang kamaong susuntok dapat saakin mula sa kanan ko at inikot iyon saka binalibag, dalawa naman ang sumugod mula sa kaliwa't kanan ko, agad ko silang sinalubong pareho ng sakal gamit rin ang magkabilaang kamay ko, umikot ako at wala silang nagawa kundi ang mag pakaladkad saakin, naramdaman kong nasa ere na ako at nakalutang kaya buong pwersa kong inikot ang sarili para narin maikot ang dalawa saka ko sila binitawan, pagtapak kong muli sa lupa ay itinabi ko ang ispada ko at inilabas ang dalawang kutsilong pilak, hinawakan ko yun sa likod ng hawakan, ang talim niyon ay nakaharap na mismo at kamay ko nalang ang gagalawin, sampu sa mga bampira ang sunod-sunod na umatake, wala akong nagawa kundi ang sunod-sunod rin harapin ang mga iyon, walang tigil ang galamay ko sa pag patay sakanila, ngunit sa hindi inaasahan ay may sumipa sa gitna ng likod ko tuloy ay napadausdos ako, nakangisi na ang bampirang lalake, agad akong sinipa ng isa sa sikmura ko mismo, nahubad ang itim na takip sa muka ko at nakita nila ako
"Celeste.." Isang pamilyar na tinig ang umalingawngaw, naaninag ko iyon mula sa madilim at hindi ako nag kamali, sya ang babaeng nakaharap ko nung iligtas ko nung nakaraan sila Agustin, hindi ko sya masagot dahil agad akong sinampal ng isa pa sa mga kasamahan nya, tuloy ay sumakit ang pisngi ko, kasunod nun ang pag sapak sa muka ko, napailag ako, normal na saakin ang ganun dahil sampung taon palang ako ay nakikipag basag ulo na ako, para ngang tinapik lang ang pisngi ko dahil sanay na ako
Limamg bampira agad ang susugod, hindi ako makatayo dahil ang sakit parin ng sunod-sunod na sipa, tadyak, suntok, sapak na natamo ko ngunit ng malapit na sila ay mula sa likod ay may humila sa bewang ko, hinapit nya ng pwersahan iyon, napatayo akong bigla ngunit gulat na nag angat ng tingin sakanya, pulos itim din ang suot nya ngunit walang natatakpan sa ulo, hapit sa katawan ng lalaking ito ang itim nyang t-shirt, naka jeans na itim rin ito
"Gael.." Nasambit ko, nginisian nya lang ako
"Ayos ka lang?" Naron ang pag-aalala sa tinig nya, tumango lang ako, hapit na hapit nya ang bewang ko kaya ramdam ko ang katawan nya
"Salamat" nginitian ko sya ngunit nagulat ng hawakan nya ang kamay ko, pinagsalikop nya ang parehong mga daliri namin "Gael hindi mo sila kakayanin, hindi sila ordinaryong tao" hindi ko masambit ang salitang Bampira sa harap nya
"Just trust me" ngisi mya saka ako hinila papunta sa madilim na parte, hinalikan nya ang likod ng kamay ko at ngumiti "watch me" ngimiti ito bago hinaplos amg labi ko, nanindig ang balahibo ko sa ginawa nya, gulat at hindi makapaniwala, may kung anong kuryente ang agad na gumapang sa katawan ko ngunit namataan ng aking paningin na nakikipag laban na sya, nadagdagan ang gulat ko ng makita sya na nakikipag laban sa mga iyon, sobrang bilis nya, maliksi at malakas, kakaiba, maingat ang galaw nya ngunit hindi nya maitatago na magaling sya makipag laban, kinabahan ako ng may tatlong bampira ang susugod mula sa likod nya, mukang hindi nya naramdaman yun, kaya mula rito ay tumalon ako at pag bagsak sa lupa ay nasa harapan kona ang mga bampira at nasa likod ko si Gael, gulat ang mga bampirang ito ng makita ako, ngunit magkakasunod na hiwa ang ginawa ko kaya naging abo ang mga ito "great" ani Gael na hinawakan pa amg kamay ko, hinarap nya ako sakanya at muling pinag salikop ang mga daliri namin, napangisi ako
"Lumaban kasama ka" naibulong ko
Mag kahawak ang kamay na sumugod kami at sabay na sinipa ang bampirang susugod, sabay rin yumuko para umilag, napapangisi na ako sa labanan na ito
It's so much fun to fight with him, it's so much fun to fight that we hold each other's hands, it's so much fun to fight because you know he's there at times when I'm almost doomed, there are times when we hug, there once we both laughed at our own stupidity
"Nakakapagod" natatawang sabi ji Gael matapos ang mahabang labanan
"Saan mo natutunan makipag laban?" Yun agad ang tanong ko, natigilan man sya ay agad din nakabawe
"Tinuro ng tatay ko.. Eh ikaw?" Pag babalik nya ng tanong, bumuntong hininga ako at ikinueento sskanya
"Nanay ko ang nag turo saaken.. Matagal na akong lumalaban sa tulad nila.. Eh ikaw? Alam moba na mga bampira ang mga yun?" Muli ay tanong, tumango lang ito, nag lalakad na kami pabalik sa mga sasakyan namin, sumakay agad ako sa motor ko at sya naman ay sa kotse nya "ingat ka" muli kong hinawakan gamit ang hintuturo at hinlalaking daliri ang adams apple nya bago sya tinapik sa balikat ng dalawang beses, hindi kona sya hinintay na makasagot sa halip ay pinaharurot kona ang motor at dumiretso sa bahay
BINABASA MO ANG
Vampire (VP1)
VampirA prophecy will be known about the world of humans and the world of vampires Warning! This story is from 2020 so expect what to expect and thus isn't edited and I am not planning to edit, I want it to be what it is when I wrote this on 2020