GAEL'S POV
Nagising ako sa mga maingay sa labas ng aking silid kaya agad akong bumangon upang tignan yun ngunit habang nag lalakad ako papunta sa pinto ay naiintindihan at malinaw sa aking pandinig ang aking naririnig
"Nako! Kung mangilid man ang luha ng hari ay pwede pa natin makita ngunit ang mag tangis? Nako, imposible" rinig kong sabi pa
"Pero kagabi narinig ng punong tagapag silbi na umiiyak ang har- M-mahal na p-prinsipe" bigla ay naging takot ang mga muka nila matapos kong lumabas bigla sa aking silid, kunot-noong pinag salitan ko ng tingin ang. dalawang babaeng tagapag silbi
"Ano iyong sabi?" Kunot-noo, nag tatakang tanong ko
"N-narinig po k-kasi na-n-n-"
"Damn!" Bulyaw ko kaya halos mapailag sila "hindi ko kailangan ng pagiging utal mo! Sabihin mo" masungit na utos ko
"Narinig po k-kasi ng.. Punong tagapag silbi na na.. nag t-tatangis ang h-hari s-sakanyang sil-silid kagab-" sa inis ay basta ko nalang syang tinulak at pinuntahan ang hari
Agad akong nag bigay galang sa hari at tumayo rin agad
"Ang init ng iyong ulo ang aga-aga.." Agad na bungad nya, lumaylay agad ang balikat ko matapos makita na parang imposible nga na umiyak ang hari dahil parang hindi sya umiyak pag tinignan ang kanyang kabuuang muka "don't mind them i just drunk yesterday.. Nag walwal" tumawa pa ito sa huli, napabuntong hininga nalang ako sa ugaling taglay ng hari
"They said that you're crying last night huh? What's wrong" ngisi ko, kinuha ko ang basong may dugo sa gilid ng lamesa roon at inisahang tungga yun
"Maybe it's about my princess? I don't know" buntong hininga nya, napabuntong hininga nalang din ako
"Bakit hindi mo puntahan? Mag pakilala ka" suhestyon ko, sumama agad ang muka nya
"Ni hindi nga nya ako hinahanap tas.. Whatever" nag kibit balikat pa ito sa huli
"Hindi ka nya hahanapin kung umaasa sya na sya ang hinahanap mo" makahulugang sabi ko, napatingin ito saakin, tumatango-tangong tinalikuran ko sya
CELESTE'S POV
"Ate saan ka pupunta? Diba ang sabi mo hindi kana kasali sa Legeno?" Tanong ni Pikoy ng makita akong suot nanaman ang madalas kong suot, naka sando na black at naka pantalon na may design na pang sundalo
"Dyan lang sa tabi-tabi.." Ginulo kopa ang buhok nya bago binuksan ang pinto ngunit natigilan matapos makita ang pamilyar na tindig at malamig na hanging sumalubong saakin, nakangiting humarap ito saakin ngunit lalo akong natigilan ng makita kung ano ang dala nito "Gael.." Nasambit ko, malawak na ngumiti ito at humalik pa sa pisngi ko
"Good afternoon, saan ka pupunta?" Humawak pa ito sa bewang ko at inakay ako papasok sa bahay, lalo akong nailang sa mapanuksong tingin ni Pikoy, sa murang edad nya ay kung ano-ano na ang nakikita
"U-uhm.. Maupo ka m-muna" nag kanda utal-utal na ako na iminuwesta ang sofa sa gilid, nakamot ko ang ulo ng makarating sa kusina, napabuga ako ng malalim na hangin "uh.. A-ano nga pala..ng g-ginagawa mo dito?" Ilang na tanong ko, naupo ako sa tabi nya at tumingin nalang sa mga palad kong mag kahawak
"Gusto lang kitang makita" ramdam ko ang titig nya saakin kaya hindi ako makatingin, king ina nawawala angas ko
M-makita?!
"A-anong ibig mong sabihin?" Naron parin ang pag kailang sa tanong ko
"Wala.. Walang ibig sabihin hahah" gulat na nag angat ako ng tingin sakanya matapos nyang hawakan ang isang kamay kong nakahawak sa isa pang kamay ko bagaman hindi makatingin sa mga mata nya ay makikita mo na wala syang nararamdamang pagkailang "take this flower please?" Inilahad nya saakin ang bulaklak na mag kahalo ang kulay na yellow at orange, nag salitan ang tingin ko sakanya at sa bulaklak "pero kung hindi mo matatanggap it's ok I understand, naiintindihan kong hindi ka sanay kasi.." Nakamot nya ang sariling batok
BINABASA MO ANG
Vampire (VP1)
VampireA prophecy will be known about the world of humans and the world of vampires Warning! This story is from 2020 so expect what to expect and thus isn't edited and I am not planning to edit, I want it to be what it is when I wrote this on 2020