Kabanata 43

79 5 0
                                    

Sorry guys maikli lang 'to, eto lang kasi yung pov ni Gael nung ano.. Basta basahin nyo nalang heheh

GAEL'S POV

2 years...

Ngayon lang naging malinaw saakin ang mga sinabi nya.. Dalawang taon na pero wala pa rin sya, dalawang taon na pero ni anino nya hindi ko nakita

Bigla nalang syang nawala, akala ko kung saan lang pumunta pero dalawang taon na syang wala, na sa dalawang taong pag hihintay ko walang Celeste ang dumarating. lagi akong naghihintay na isang araw ay darating sya, isang araw mag papaliwanag sya kung bakit sya umalis bigla

Nawala sya.. Kasunod non ay si Rico.. Kaya pareho kami ni Rica ngayon ang malungkot, hindi ko mapagkatiwalaan si Rica dahil pakiramdam ko ay alam nya kung nasan si Celeste

Nangungulila ako.. Madalas na tulala.. Pakiramdam ko nawalan ako ng buhay

Hindi kona alam ang gagawin ko, madalas akong nasa kwarto, hindi makakain ng maayos, laging tulala habang lumuluha, nangungulila sa pag alis nya, sana nag paalam sya!

Kasi hintay ako ng hintay.. Hanap ako ng hanap ng rason kung bakit nya ako iniwan

3 years...

Madalas na umiiyak ako.. Sa hapagkainan ay umiiyak ang puso ko, bago matulog luha ang kasama ko, napapagod na ako, pakiramdam ko hindi kona kakayanin pa pag nag tagal pa ang pag hihintay ko. binabalot na ako ng sakit at lungkot

Natatakot akong baka manlamig at mamanhid nalang ako bigla at wala ng maramdaman kundi lungkot at sakit

Kailan kaba darating? Hanggang kailan kita hihintayin? Anong petsa? Anong taon? Hanggang kelan ako iiyak at magmakaawa bawat gabi na sana paggising ko masilayan ko nang muli ang mga ngiti mo

Hanggang kelan ako mag-iisa, luluha at hihilinging mamatay nalang dahil sa sakit na nararamdaman ko? Hanggang kelan moko iiwan? Hanggang kelan ako masasaktan? Iiyak? Luluha? Malulungkot? Lalaban? Maghihintay?

Hindi kona kaya.. Pakiramdam ko isang daang taon na ang lumipas simula ng mawala ka pero ang totoo tatlong taon pa lang

Kailan ka nga ba babalik mahal ko?

kailan ka babalik para mag paliwanag?

Kailan ka babalik para bawiin yung nga panahon na nawala ka?

Kailan ka babalik at hihingi ng kapatawaran dahil sa pag alis mong bigla?

Kailan kaba babalik para sabihin ang lahat ng side mo..

Kasi wala na akong maintindihan, habang tumatagal hindi kona lalo nauunawaan ang sarili ko, I'm fucking sad because of my love

4 years...

Pinipilit kong maging masaya kahit ako lang mag-isa, pinipilit kong tumawa kahit hindi kona kaya, humahanap ako ng rason para mag patuloy.

Pakiramdam ko binalot ako ng sakit at lungkot, apat na taon na! Wala ka pa rin! Nasan kaba? Pupuntahan kita! Kahit dyan tayo manirahan kung nasan ka ay ayos lang saakin!

Pare-pareho kayo! Iiwan nyo lang rin ako! Katulad ka lang rin pala ng tatay at nanay ko! Pero tangina! Kahit anong galit ang maramdaman ko nananaig yung pagmamahal ko

Pinipilit kong bumangon sa kama kahit alam kong wala naman akong Celeste'ng makikita ay umaasa pa rin ako

Gusto ko syang hanapin pero saan? Hindi kona alam ang gagawin ko, mababaliw na ako

5 years...

Hindi ko maipapangakong mahihintay ko pa sya.. Oo.. Para sa iba limang taon lang yon pero sa tulad kong nagmamahal ay 10 taon na yun

Hanap ako ng hanap ng rason kung bakit sya umalis.. Kung bakit sya biglang nawala.. Oo, alam ko na nandito sa loob ng Nosferatos ang kasagutan pero ang tanga ko na hanap pa rin ng hanap

Natatakot akong baka wala na syang balikan.. Hindi ko makontrol yung lungkot ko

Limang taon na syang wala. Oo kaya ko sya hintayin kahit gaano katagal pero akala ko lang pala yun, kasi ngayon..

Mababaliw na ako, gusto kona syang yakapin ng mahigpit. Gusto ko na syang halikan ng may pagmamahal. Gusto konang sabihin sakanya na mahal na mahal ko sya


Vampire (VP1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon