CELESTE'S POV
Mabilis na lumipas ang sigundo, oras, araw, linggo at buwan, tatlong buwan na ang nakakalipas, naayos na ang papeles ni Caslem, dala nya ang apilido ko at apilido ni Gael, simula nun ay wala nakong narinig na tumutol sa pag ampon ko sa bata
"Sunod-sunod nanaman ang mga patayan, naulit nanaman ang nakaraan" makahulugang ani ama, nasa gitna kami ng pagpupulong, pinag-uusapan ang sunod-sunod na pag ataki ng mga rebeldeng bampira
Kaya kong pigilan 'to—kaya namin mapigilan ito ngunit mga bampira kami tulad nila, maari kaming madamay sa gulong pinasok ng mga rebeldeng bampira, at mukang... Napapanahon na ang pag harap kong muli sa Legeno
"Dalawa lang ang nakikita kong sulusyon" tumayo si Gael at sinimulan ang naiisip nyang susyon "una.. Kausapin natin ang mga rebelde at kung hindi sila makikinig ay ang pangalawang solusyon ang naiisip kong paraan" paliwanag nya, kay simple ng naiisip nya "kailangan na nating mag pakitang muli.. Sa mga tao" nilingon nya ako, alam ko ang tingin nyang yun
"Maari ring patayin ang lahat ng rebelde.." suhestyon ng kanang kamay ng ama
"Maari.. Sobrang dali ngunit mali ang nais natin, ako.. Kakampi ko kayo, kaya ko kayong patayin yun pa kayang mga rebeldeng wala namang silbi saakin? Ngunit mahirap.. Paano kung dumating yung panahong napatay na natin sila't tayo naman ang mangailangan?" si Berdano, buntong hininga ang isinagot naming dalawa ng ama ko
Maka-asta to! Isang pitik ka nga lang ulul
"Isa lang ang nakikita kong magandang paraan" sambit ko, nakayuko, pilit isinasalansan ang nabuong plano sa isip "pigilan sila, kausapin ng masinsinan at kung ayaw nila.. Mapipilitan akong sundin ang naisip kong mas magandang hakbang" sa pagkakataong ito ay nag angat na ako ng tingin sakanila, lahat sila ay nakasubaybay saakin "pipigilan natin sila, patayin ang lalaban at hindi hihinto, bigyan ng pangalawang pagkakataon ang susuko at titigil" alam kong isang katangahan ang naisip ko dahil kapag ginawa namin yun.. Isa lang ang kalalabasan nito
Mag lalaban kami ng tyuhin ko at.. Mag haharap kaming muli ng myembro ng Legeno ngunit kailangan kong gampanan ang tungkulin ko
"Kahit kapalit nito.. Ang pakikipag tuos sa kapatid mo" bumaling ako sa ama ko, napaka lalim na buntong hininga ang tinugon nya "at ang pinaka ayoko.. Ang mag pakitang muli sa Legeno, alam nyong hindi kona nais pang mag pakita kanino man, ngunit kailangan ko ng gampanan ang pagiging pinuno ko" huminga ako ng malalim at bumaling kay Berdano na ngayon ay maganda ang ngisi, tila ngayon lang kami nagkasundo dahil makikita sa maganda nyang ngisi na nagustuhan nya ang aking plano "Gawin ang plano ko" bahagya lang akong ngumisi at tipid na tumango
Natapos ang pag pupulong na iyon ng tanghali, agad kaming nag punta sa hapag kainan kasama ang kanang kamay, bitbit ni Gael ang anak namin na si Caslem
Tahimik na nag simula ang kainan, dalawang plato ang nasa harapan ko, ang pasgkain kong may laman loob ng hayop at ang puro dugo lang na pagkain naman ng sanggol, hindi pa ito nakaka nguya at dmtanging pag dede lang ang alam kaya't pinaiinom lang sya ng dugo
"Ama!" humahangos na tumakbo papalapit sa amin ang isa sa bampirang nag babantay sa gate ng palasyo "Ang iyon kapatid ang narito, sinusigod tayo, kasama ang ilang mga bampirang kaanib nya"
Agad naalerto ang ama ko, maging si Gael at ang kanang kamay ng ama ko ay napatayo, ako naman ay nag patuloy sa pagkain at umaktong walang narinig
"Papasukin mo" utos ko, hindi lumilingon io nag aangat ng tingin kahit kanino
Istorbo!
"Dalhin mo sa kwarto si Caslem" utos ko sa kanang kamay ng ama, agad itong tumalima, nag pagpag ako at tumayo saka pinantayan ng tayo ang ama at si Gael "pag walang kwenta ang sasabihin nya ay ibabalibag ko sakanya ang kinakain ko" asik ko
Ilang saglit pa ay naaninag kona si tito Diego, nakaka insulto ang ngisi, nakabali ang leeg at nag mamalaki ang mga kilay nya
"Nabalitaan nyo naman ang sunod-sunod na pag atake?" tanong nya, namulsa pa "inaasahan kong makikielam kayo kaya ngayon pa lang" huminto sya at nag seryoso "binabalaan na kita" banta nya pa, matunog ang naging ngisi ko, nakapamulsang hinarap sya, ramdam kona ang hininga nya, nakayuko sya saakin dahil masyado syang malaki. Binabalaasn na kita? Sini saming tatlo?
"Sinong tinakot mo?" maangas na tanong ko "yung kapatid mo? O ang prinsipe ko?" diniinan ko ang salitang ko nag yayabang ang ngisi ko "dahil alam kong hindi ka tanga" nag seryoso ako "kung iniisip mong ako ang tinatakot mo baka matawag na talaga kitang.. Tanga" bahagya akong nag patangkad upang maabot ang tainga nya at bumulong dun "hilingin mong tumigil ang kasapi mo tito" makahulugang bulong ko saka umayos ng tayo at matamis na nginitian sya na parang walang tensyong namagitan saaming dalawa "kung iyon lang ang ipinunta nyo.. Maari na kayo umalis" utos ko at paatras na nilayuan sila, naupo akong muli sa lamesa at pinag patuloy ang pagkain
Ilang sandali pa ay naramdaman konang wala na ang mga bisita kaya tumayo ako at sa isang iglap ay nasa loob na ako ng kwarto ko, nakatunghay sa mahimbing na natutulog na si Caslem
"Hey.." usal ko, hinahaplos ang pisngi nya, hindi ko maiwasang mangiti sa t'wing maiisip na sobrang sarap sa pakiramdam pag masdan ang kanyang maamong muka, minsan ay gusto kong magka-anak pero sa t'wing maiisip ko ang magiging kapalit nun ay para akong duwag
Naligo ako agad at nag bihis lang ng simpleng pulang dress fitted, hanggang gitna ng binti ko ang haba non ay manipis ang strap, sinuit ko lang ang gucci red suede isle heeled sandals na binili saakin ni Gael nung nakaraan
Nasa beranda ako at naka tunghay sa ulap na kinakain na ng dilim, iniisip ko kung hindi kaya ako nabuhay ulit ay ano ang lagay ng Nosferatos
"Bango" biglang may nangibabaw na tinig at agad iyong yumakap mula sa likuran ko at tinunghayan ako
"Gael" usal ko, matamis ang ngiti sakanya, dinampian nya ako ng magaang halik at iniharap ako sakanya at sinakop nya ang bewang ko at saka ako pinakatitigan ng may paghanga
"Ang ganda mo talaga" ngisi nya, pinisil ang bewan ko at nakagat ang sarili nyang labi dahil sa kalokohan "Ang sexy pa" namamaos ang boses na dugtong nya, siniil nya ako ng halik, banayad na banayad ang halik na yun, hanggang sa lumalim at hindi nakapag pigil si Gael, para syang may hinahanap sa labi ko at grabe kung makasiil "shit!" usal nya ng tumigil, lumayo sya saakin at parang ayaw ng dimikit "you're a drugs to me" namamaos ang boses na usal nya, humalakhak lang ako
Umalis ako sa harapan nya at nahiga sa kama, mapanukso ang tingin ko habang ibinabalot ang sarili sa kumot, nakangising nakagat ko ang labi saka ko tuluyang ibinalot ang kumot sa kabuuan ko, hindi ko maiwasang kabahan, bagaman nakangiti ay sobra ang kabog ng dibdib ko.. Wala akong balak isuko ang korona sa trono nya
Naramdaman ko ang presensya nya sa dulo ng kama ko, lalong nanindig ang balahibo ko ng hawakan nya ang magkabilang paa ko, ramdam ko ang pagpipigil nyang manggigil, binitawan nya ang mga paa ko at dahan-dahang iniangat ang kumot na nakabalot saakin roon
'Joke lang naman 'to.. Wag mong totoohanin..' nadidismaya sa sariling naisip ko
Nang maipasok nya ang ulo nya sa loob ng kunot ay lalo akong kinabahan, seryosong seryoso ang muka nya, papalapit ng papalapit saakin, at tuluyan na syang nakapaibabaw saakin at sinasakop kaming pareho ng kumot dahilan para mahirapan akong huminga
Sinimulan nya sa pagsiil saakin ng halik, nung una ay banayad at magaan ngunit unti-unting naging malalim at mapusok, ayun nanaman yung halik nyang tila may hinahanap sa labi ko at pilit nyang sinisiil ng mas madiin, ang mga kamay kong isinabot nya sa batok nya habang ang kamay nyang pinanggigigilan ang bewang ko
A/N: Please read, vote, and comment
BINABASA MO ANG
Vampire (VP1)
VampiroA prophecy will be known about the world of humans and the world of vampires Warning! This story is from 2020 so expect what to expect and thus isn't edited and I am not planning to edit, I want it to be what it is when I wrote this on 2020