CELESTE'S POV
Bumangon ako ng mabigat ang pakiramdam, naligo at nakakain ng maayos na ang pakiramdam ngunit ayun ang kantang muling nag palungkot saakin, lumabas ako para silipin kung sino ang nag papatugtug ngunit mukang kapit bahay yun, si Pikoy ay tulog pa dahil napuyat sya sa ingay ng paligid kagabi dahil may birthday-an, napabuntong hininga nalang ako
Parang kailan lang ay hawak mo'ko sa kamay..
Parang kailan lang ay ikaw pa ang gumagabay
Akay akay mo ako at yakap ko ang iyong bisig..
Nakakatulog sa t'wing maririnig ang iyong tinig
Nanikip bigla ang dibdub ko dulot ng sakit at lungkot ng maalala nanaman ang nanay ko
Sana pag gising ko'y makita ko ulit ang 'yong ngiti ..
Sana pag gising ko'y maulit natin yung mga sandali.. Ako'y hawak mo sa palad mo
Pumasok nalang ako sa loob ng bahay dahil pakiramdam ko ay maiiyak ako kung pakikinggang ko pa ang kanta
Bakit laging ganito ina?..
Matapos kong maligo ay nag suot lang ako ng white t-shirt at jeans, sinuot ko rin ang rubber at hindi na nag leather boots, madalas na leather ang suot ko at pantalon na mukang pang su dalo at sando na gray, yun ang gusto kong pormahan pero minsan ay mas gusto ko mag simpleng pantalon at t-shirt, kung hindi nga lang Legeno ang pupuntahan ko at kung hindi lang sana misyon ang gagawin ko ay mag susuot nalang ako ng simpleng t-shirt ay simpleng pantalon at mag ti-tsinelas
"Pikoy.. I'm leaving" kinatok ko ang kwarto ko bago buksan yun, napabuntong hininga ako dahil tulog na tulog ito, naupo ako sa gilid at pinag masdan ang muka nya, nakaka gaan ng loob ang maamo at mala anghel nyang itsura "Pikoy.." Inuga ko pa ng mahina ang pisngi nya, agad akong ngumiti ng mag mulat ito "aalis na ako" agad na sabi ko, umakto itong yayakap kaya niyakap ko sya
"Mag iingat ka po" antok man ay malapad na ngumiti ito, tinanguan ko lang sya bago lumabas, natigilan ako ng may pamilyar na tindig ang makita sa harap ng bahay, nakasandal ito sa magarang kotse
"Magandang tanghali binibin—"
"Paano mo nalaman ang bahay ko?" Yun agad ang tanong ko, sandali itong matigilan bago lunapit saakin
"Stalker ata ako.. Heheh" nakamot nya ang noo
"Pag may nalaman kapa tungkol sakin.. Buhay mona ang kapalit nun" seryoso ko syang tinignan, sumakay ako sa motor ko at pinainit muna ang makina nun
"Cool.." Bulong nya, namamangha "gusto ko lang makipag kaibi—"
"Hindi ako intiresado" agad na sabi ko, sya ang lalaking naron sa misyon ko kahapon, nakakapikon!
"Hindi ko naman sinabing maging interesado ka.. Gusto ko lang makipag kilala" napapahiyang aniya, napapahiya?! Wow! Celeste for real?.. Ikaw ang napahiya gaga!
"Dahil wala naman kainteresante sayo.." Pasiring na nag iwas ako ng tingin, pinihit ng pinihit ang motor, gumagawa ng usok
"Makikipag kilala lang naman.." Nakangusong sagot nya
"Kung sinabi mona kung sino ka edi sana tapos na diba?" Iritang nilingon ko ito
"Ang yabang mo kasi.." Bulong nya, gusto ko sya singhalan pero masasayang ang importante kong oras "Ako so Gael" nag lahad ito ng kamay, tinignan ko ang kamay nyang nakalahad at sya
BINABASA MO ANG
Vampire (VP1)
VampireA prophecy will be known about the world of humans and the world of vampires Warning! This story is from 2020 so expect what to expect and thus isn't edited and I am not planning to edit, I want it to be what it is when I wrote this on 2020