Kabanata 19

125 9 0
                                    

AGUSTIN'S POV

"Saan ka di-deretso ngayon nyan?" Tanong ni Punggok ng matapos ang ensayo namin

"Kay Pikoy..." Tanging sagot ko

Onse anyos na si Pikoy ngayon, nag bibinata na.. Sana nandito ka para makita mong maraming nag kakagusto sa alaga mo.. Napabuntong hininga ako sa sariling naisip, nag deretso nalang ako sa pagmamaneho

"Kuya.." Bungad ni Pikoy bagkarating ko, ginulo ko ang buhok nito bago nya ako inakay papasok sa loob, natigilan pa ako ng makita ang dalawa pang batang naron, lalake't babae "mga kaklase kopo kuya may project po kasi kame" nakamot nya ang sariling ulo, nakangiting tumango ako bago nag tungo sa kanyang kwarto

Bahagyang tumabingi ang ulo ko ng may nakalawit na maliit na litrato sa gilid ng study table ni Pikoy, hindi kona sana papansinin yun ng liparin iyon papunta mismo sa harap ng paanan ko, nasundan ko ng tingin iyon, dinampot ko ang litratong nakataob at ng tuluyang makatayong muli ay inibarap ko saakin ang litrato.

Ganun nalang ang pangingilid ng aking luha ng mapagtanto kung sino ang nasa litrato, agad kong pinunasan ang tumulong luha at ibinalik ang litrato kung saan ko iyon nakita

GAEL'S POV

Kinabukasan ay nagulat ako ng lahat ng mga bampira ay nasa harap ng hari ng puntahan ko ito, prenteng nakaupo ito sa kanyang tronong pula at sa isa pang upuan na pang prinsesa ang disenyo ay naron ang babaeng kinausap ko kagabi lamang, naupo ako sa gilid, pinagigitnaan na namin ngayon ng hari ang babaeng nasa upuan na dapat na upuan ng prinsesa

"Anong meron?" Naitanong ko sabay laghok sa basong may alak at may halong dugo

"The twins are back" walang kasing sayang sagot ng ama

"Rica and Rico?" Pag lilinaw kong tanong

"Yup!" Ang babae ang sumagot, katulad ng nakasanayan, blangko at walang ekspresyon ito, deretsong nakatingin sa mga bampirang masayang nag hahanda para sa pag dating ng bisita

"Ikaw ba tinanong ko?" Kunwaring tanong ko upang inisin sya

"Ikaw ba ang kausap ko?" Inosente tanong nya "I'm fucking talking someone, boy" nanunuyang dagdag nya

"Tss! Nasan? Wala naman" pang-aasar kopa

"Sa telepono?" Sagot nya na bahagyang ipinakita saakin ang earpods na nakasuot sa tenga nya "assuming" asik nya, pairap na itinuon muli ang paningin sa baba kung san naron ang mga bampira

"Who are you talking to then?" Kunot noong tanong ko, inis na nilingon ako nito, nag papasensya, napaka ikle ng pasensya

"Rico" deretsong sagot nya saka muling itinuon ang paningin sa ibaba, rinig ko ang pag tawa ni ama "open the damn... Argh! Whatever big door!" Bigla ay utos nya na agad sinunod ng lahat, mula sa kaunting awang ay natanaw ko mula rito sa taas ang apat na paa, nakatakong na makintab na itim ang isa at naka leather black shoes ang isa. Nang tuluyan maaninag ay parehong naka pula ang mga ito, naka bona body con red dress si Rica. Si Rico ay naka itim na pantalon at naka pulang long sleeve, nakatupi iyon hanggang siko, walang pinag bago ang mga hitsura nito

"Celes.." Magiliw na bati ni Rica, napalingon naman ako kay Celeste ng matunog itong ngumiti

Ang laki ng pinag bago mo Celeste.. Hindi kana katulad noon..

Gusto kong isatinig iyon ngunit nangibabaw saakin ang pananabik sa kambal

"Rica.." Nakangiting tugon ni Celeste, In an instant they will face each other, nag yakapan lang sila, sa mga lumipas na taon ngayon ko nalang ulit nakita ang kambal dahil matapos maganap ang nag durugong buwan ay nawala silang pareho at nalaman nalang namin na nasa ibang bansa sila, si Celes naman ay pinupuntahan sila roon, limang beses sa isang taom

Vampire (VP1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon