Kabanata 5

247 14 0
                                    

CELESTE'S POV

Magana akong pumasok ngunit agad din napawi ng mga nag mamadali ang grupo ng Legeno at halos madapa katatakbo, nakita ko agad si Agustin kaya hinatak ko ang likod ng t-shirt nya

"Anong meron?" Takang tanong ko ang paningin ay nasa mga tao

"Wala naman... Mga tatanga-tanga kasi" tumawa ito sa huli, sa inis ko ay balagbag ko syang bimitawan, walang kwentang kausap "ang ikli ng pasensya mo! Inaantay ka ng lahat! May misyon!" Inis na inayos nya ang kwelyo ng t-shirt nya bago tumalikod, sa inis ko ay nahawakan ko ang mala kahoy kong espada, napangisi ako ng isiping mag-iisa nanaman kami..

"Gagamitin nanaman kita" sambit ko ang piningin ay nasa malakahoy kong espada, pag ito ay itinaas ko o gamit ang abilidad ay gawing ispada ay magiging ispada ito, marami akong napagdaanan bago napalabas ang ispada rito kinailangan kong matutunan ang kahulugan ng Katapangan, nung una ay mainit ang ulo saakin ng lahat dahil mayabang ako.. Sabyang napakayabang ko dahil sinasabi kong matapang ako at walang kinatatalutan pero ayaw nilang maniwala ang dahilan nila ay ang tunay na katapangan ay may kinatatakutan ilang oras, araw at linggo akong nag sikap hanggang sa malaman ang kinatatakutan ko.. Ang mabigo ang aking ina. Kasunod niyo ay ang Kagitingan, karunungan, at iba pa, ngunit nabalewala ang lahat ng mapalabas ko ang tanging sandata ng kahoy na krus na ito, ang ispada

"Sa area na ito kayo pu-pwesto Celeste" baling nito saakin "Agustin" bumaling sya kay Agustin nag tanguan kaming dalawa at lihim na napangisi, sa simpleng ganun ay kalokohan ang umiiral saamin

Ang iba ay sumakay sa Jeep wrangler at ang iba ay sa isang Jeep wrangler sumakay, purong itim ang kulay niyon, ang aking luxury motorcycle, oo nga't mahal iyon ngunit hindi hadlang ang pagiging mahirap para makabili ako ng ganun, ang nanay ko ay kabayo ang gamit kung makikipag habulan sa demonyo o may ganito ngunit iba ako, motor ang hilig ko, minsan kong naisip na baka namana ko iyon sa aking ama ngunit yumanggi agad ang sistema ko sa katotohanang wala akong alam sakanya, walang binabanggit ang aking ina at kung pag-usapan man namin ay itatanong ko kung bakit ganito, ano ito at wala sya ang tanging sagot nya ay kumain naba ako, nakatulog ba ako ng ayos. Iniiba ang usapan

Sabay sabay na nag iba ng daan ang mga sasakyan namin dahil sa ibang area sila naka pwesto, iyong area ang lugar namin ni Agustin kung saan mas panganib ani mang Jullian

Nang makarating sa napag usapan lugar ay agad kong inihinto ang motor ko at prenteng naupo, ang aking paningin ay inilibot ko sa lugar, pinakikiramdaman, may mali, napaka lakas ng enerhiya ang nararamdaman ko, ngumiwi nalang ako bago padarag na hinila ang braso ni Agustin upang mag tago, sumilip ako sa isa sa mga hagdang nakapalibot sa lugar, nahagip ng mata ko ang iba naming kasamahan, umiling nalang ako dahil nag uunahan at nag babatukan pa ang mga ito halatang hindi mag kasundo kung sino ang mauuna

May tatlong tao ang bumaba, tao o bampira wala akong pake, wala sana akong balak gamitin ang anumang armas ngunit kasunod ng tatlong lalaki ay halos trenta o hingit ang sumunod puro lalaki rin, at may sumunod naman na puro naka pulang grupo ng mga babae, hindi lang ata singkwenta ang mga bampira ang nakikita ko ngayon dahil may sumunod pang grupo at dun ay babae't lalake na

"Ang dami nila" bulong ni Agustin

"Wag kang maingay" sita ko, dahil kahit ang hininga namin kahit sa malayo ay kayang marinig ng isang bampira

Nag kasenyasan ang grupo, ang pwesto namin ni Agustin ay pwedeng makita anumang oras ngunit hindi ako nabahala dahil sanay na ako, maaring umuwi akong bubay ngunit hindi ko maipapangako na wala akong galos dahil sa isang jeep na sinakyan ng iba ay apat o luma ang nasa loob, wala kaming laban sa halos isang daang bampirang narito lalo't wala panga sa bente ang bilang namin, nasa kinse pababa nga lang kami wala akong choice kundi sundin ang plano ni mang Jullian na mag papain, unti-unti ay umatras ako kung saan hindi mahahalata ng mga bampira na galing ako sa pag tatago

Nakapamuksa ang parehong kamay kong sumisipol na nag lakad batid kong narinig nayun ng mga bampira kaya medyo kinabahan ako sa katotohanang isa lang ako at marami sila paano kung hindi mag tagumpay ang plano? Bigla ay nag alangan ako ngunit huli na nakita na nila ako

"San punta nyo? Party?" Sarkastiko ang pag kakatanong ko, hindi na yata mawawala ang galit ko sa mga bampira

"Sino ka" buong-buo ang boses ng isang lalaki, nilingon ko ito gamit ang mata, nakita kong matogilan ito. Ano bang ginawa ko? Tinignan ko lang naman sya 'a?

"Eh kayo? Sino ba kayo.." Pabuntong hiningang iginala ko ang paningin, ahad kong kununutan ng noo si Agustin ng tangkang lalabas ito mula sa pagkaka-tago

"Hindi mo gugustuhin makila—"

"As if gusto kitang makilala? Nag tanong lang ako pero hindi ako interesado" pambabara ko, nahagip naman ng paningin ko si mang Jullian na tila nag iinit ang ulo dahil hindi ko sinunod ang plano

"Hindi naman namin sinabing interesado ka" maangas na sinabi ng isa pa, sa dami nila ay wala na akong pake

"Dahil wala ka namang karapatan malaman kung ano ang interesante sakin" pabalang, sarkastiko at nanunuyang anang ko

"Bastos ka ah? Hindi moba kami kilala hah?" Nawalan agad ng pasensya ang naka kulay blue na buhok sa kanila jejemon

"Dahil hindi naman kayo nag pakilala" seryoso ngunit nanunuya parin, nakakatamad kausap ang mga alupong na ito, pwede bang labanan nalang agad? Napaka importante ng oras ko kaysa buhay nila para sayangin ko

"Aba ang yabang mo ah? Hindi kilala ang binaban—"

"Mayabang?.." Animoy pinag-iisipan kopa ang salitang mayabang "ah siguro'y namana ko iyan saaking ina.. Hindi na ako mag tataka kaibigan" diniinan ko sa huli, prenteng nag unat ako na akala mo'y bagong gising senyales iyon ng pag atake

Sa isang iglap ay may limang bampirang nawala, nakatunog agad ang lahat kaya agad akong kumuha ng tyempo para mapalabas ang ispada at hindi ako nabigo, agad akong sumugod, nahirapan ako nung una dahil sa dami nila, hindi ko namalayan na nakahandusay na pala ako at susugurin na ng ilang bampira ngunit gayon nalang ang gulay ko sa sariling pag talon, dahil ng tumalon ako ay sobrang taas, ng makababa ay natagpuan ko nalang ang sarili na nasa isang truck na nakatungtung sa bubong

Hindi na ito normal...

Vampire (VP1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon