Kabanata 2

555 23 0
                                    

CELESTE'S POV

kinabukasan ay nag punta ako sa Legeno at mga nag-aayos ng armas ang naabutan ko kasama na ron si Agustin

"Hoy payatot samahan moko" tawag ko sakanya, inis na lumingon naman to, dumiretso nalang ako sa opisina ni mang Jullian, may lugar dito kung saan dun kami nag pupulong o nag hahanda para sa pag sugod "wala kayong Agustin o Celeste na hihintayin o aasahan mamaya kung may bampirang sumalakay" Agad na sabi ko pagka-pasok sa opisina nya, nag babasa ito ng dyaryo

"Bakit?" Inilapit pa at iniharap mismo saakin ang muka ni Agustin, umatras ako ng kaunti at tinabig sya

"May pupuntahan tayo" Tanging sagot ko, hinila kona ang kwelyo nya at dinala sa mga sandata, ang aking kamay ay ipinuwesto ko sa harap ng aking ispada, nakadikit ito sa pader at sinuman ay walang makaka-kuha kundi ako, iminuwesta ko ang aking kamay at tatlong sigundo lang ay hawak kona ito ng hindi kinukuha kung nasan ito

Inilagay ko ang ispada na iyon sa likod ni Agustin para sya ang mag dala. Ayoko ng may dala-dala, naka pantalong pang-sundalo lang ako at fit saakin yun, nakasandong gray lang ako at nakatirintas ang aking buhok, bago pa ako mag punta dito ay nalaman ko na kukuha ng mga bata sa lansangan ang mga bampira at hindi ako papayag, sila kakainin ko pag nagkataon

Pumunta kami sa lugar kung saan maraming bata, nakuha ng isang batang lalaki ang atensyon ko, cute ang batang iyon, mataba ang pisngi, ang edad ay mga nasa 7-8 may hawak itong pusa at nakikipag laro sa mga bata, napatingin ito saakin at ngumiti, lumapit naman sya

"Hi may hinahanap po kayo?" Boses pa lang nya ay makulit na "ako po si Pikoy, kayo po?" Dugtong nya

"Wala, alam nyo? Umuwi nalang kayo kasi uhm.. May kidnap—"

Hindi ko natapos ang sasabihin ng may isang itim na van ang huminto sa mismong harap ko at tinangkang kunin si pikoy, sa bilis nito ay hindi sya nabigo, matulin na pinaandar nya ang van, agad kong binunot ang kutsilyong pilak sa gilid ng pantalon ni Agustin at tinakbo ang van, hinabol ko iyon ng mabilis, matulin, walang tigil kahit hingalin, malamang na marami ng nabiktima ang mga bampirang ito

I will not allow someone like Pikoy to fall prey, no one can stop me from kill every vampire i see, wala ng dapat mabiktima pa ang mga gunggung nato, mapapatagal kung tatakbuhin ko ito kaya hindi pa man nakaka daan sa tulay ang mga ito ay umakyat na ako sa isa sa mga jeep at tinalon bawat sasakyang naron hanggang sa talunin ko ang van kung nasan ang mga bampira, malayo na ang narating ko mukang uuhawin ako nito, mga gagong to pagagastusin pa ako ng lumang piso para sa gulaman

Ng maka talon ay agad akong dumapa at kinuha ang kutsilyo sa aking bulsa, gamit yun ay binutas ko ang salamin ng van, hanggang sa may makita akong kamay na kumapit sa bubong ng van, hinayaan ko itong maka-akyat

Nang maka-akyat ito ay walang ganang tinignan ko ito, naging pula ang kanyang mata, lumabas ang pangil nya, ngumiwi nalang ako bago nasisilaw na ang angat ng tingin sakanya habang naka-upo

"Nag sha-shabu kaba? Masyado ng pula ang mata mo bawas-bawasan mo ang kakashabu" nanunuyang saad ko, umiiling, sinugod ako ng kamao nya at wala akong nagawa kundi ang umilag tuloy ay malalaglag ito kaya hinawakan ko ito sa likod ng kwelyo at inaktong itutulak "saan nyo dadalhin ang batang kinukuha nyo?" Seryosong tanong ko, nakita ko si Agustin na pinahaharurot ang aking motor, paanong napunta sa mokong na yun ang aking susi? Nakangising nag angat saakin ng tingin si Agustin at tinaas-taasan ako ng dalawang kilay, ngumisi lang ako

"H-hindi ko alam!" Pasigaw na sagot nya, halata ang takot sa bampira na ito, well bitch i don't know too how to help like you! Hinawakan ko ito sa braso at umikot saka sya binitawan kaya ayun! Hulog!

Pinasok ko ang loob ng van at pinadyakan ang bampirang pipigil saakin, umiiyak si pikoy, lalong akong nag liyab sa galit ng makita ang kalmot sa pisngi nya, malakas na tinadyakan ko ang bampirang nag da-drive at sinapak ng sobrang lakas, sa gigil ko ay inumpog-umpog ko ito sa manibela saka ko tinarak ang kutsilyong hawak ko sa batok nya, at naging abo nga ito, inihinto ko ang sasakyan at halos masaksak ko ang sarili ng mula sa likod ay itulak ako ng bampira, gago yun ah? Papatayin pa ako

Agad akong pumunta sa likod at tinadyakan ang muka ng bampira, nauntog ito ng malakas sa salamin kaya basag ito at naging abo rin, agad kong yinakap si Pikoy

"Ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong ko

"O-opo.. Salamat" halata parin ang takot sa batang yakap ko ngayon

Nang makapunta sa Legeno ay agad na ibinalita ni Agustin ang nangyari, yung iba ay nabigla dahil sino nga naman ang hinde? Ang mga bampira ay kumukuha na ng bata ngayon? Nakaka gago ang pamamaraan nila

"Saan ka nakatira Pikoy?" Tinanong ko but he just close his eyes and smile at me, naguluhan ako

"Wala na akong pamilya, pinatay sila ng mga pula ang mata" bulong nya, nanindig ang balahibo ko sa paraan ng pag bulong nya, may hinanakit parin sa mga salita nya, ang kaninang nakita kong masayang mata ay pag dilat ngayon ay sakit at lungkot ang mababasa roon "ate.. Alam ko na mga bampira sila, masaya ako na makukuha nila ako.. Kaso pinigilan mo" pag papatuloy nya, kumunot ang noo ko, hindi makapaniwala

"Bakit?" Kahit nag tataka ako ay hindi nabago ang pagiging buo ng boses ko

"Kasi pag nakuha nila ako baka mamatay narin ako at makasama ang mga magu—"

"Hinde Pikoy, wag mong iisipin yan, nakatakdang mangyari ang lahat ng ito, nakatakda silang mamatay at nakatakdang mag kita tayo.. Lalaban tayo sa mga bampira.. Nandito kami ng Legeno dahil sa mga tulad ninyong walang laban sa mga bampira.. Ipag tatanggol namin ang sinumang mangailangan" malayo ang naging payo ko sa problema o hinanakit nya pero ang tanging gusto ko ay maintindihan nya ang istado ng buhay naming mga tao ngayon.. Kaming mga tao ngayon

"Pero bakit nung ang mga magulang ko ang nangailangan walang tulad nyo ang sumulpot?.." Yumuko ito at nakita ko ang pag patak ng luha nya sa sahig

"Kelan ba nangyari yan?" Tanong ko, naiirita na ako marami pa akong gagawin

"Matagal na panahon na.. Isang taon napo ang nakaka-lipas" nag angat sya ng tingin saakin at ngumiti

Yun ang taon kung saan may misyon akong tinapos sa san juan.. Kaming dalawa ni Agustin ang inatasan roon at ang Legeno ay sa sta. barbara kaya marahil ay walang tulong na dumating mula saamin para sagipin ang kanyang mga magulang

"ganto nalang.. Mag mula sa araw na ito saakin kana titira ok?" Malawak na ngumiti ako ngunit agad napawi ng pangiliran ito ng luha "bakit?" Takang tanong ko ngunit yumakap ito saakin ng mahigpit

"Salamat po.. Mabuti pa kayo tinaggap ako" Nakangiti na ito ngayon

"Tinaggap? Bakit? Anong ibig mong sabihin?" Sunod sunod na tanong ko

"Yung iba kasi hindi ako tanggap kasi akala nila ako ang pumatay sa mga magulang ko heheh" kumamot pa ito sa ulo, bigla ay nakaramdam ako ng kaunting awa, kaunting awa lang ang kaya kong ibigay sa paslit na ito.. Masyado na akong matigas para lumambot dahil lang sa batang ito

Ina.. Unti-unti ko nang natutupad ang aking pangako sayo..

Vampire (VP1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon