Vampire's plan
GAEL'S POV
"Let's all welcome our vampire's prince!" Bigla ay nangibabaw ang tinig ng hari, umalulong ang ingay, ang sigawan at palakpakan, unti-unti ay bumukas ang higating pinto sa harap ko at tumambad saakin ang kahariang pinanggalingan ko, isa-isa kong tinignan ang mga bampira naron, mga nakalabas ang pangil at pula ang mga mata nila, galak sa muli kong pag babalik. Ang pag babalik ng prinsipe nila
"Mabuhay si prinsipe Gael!" Nangibabaw naman ang tinig ng kambal na si Rica at Rico
"Mabuhay ang prinsipe!" Sabay-sabay na sigaw ng mga bampira kasabay ng ungol ng mga ito, dahan-dahan akong nag lakad sa pulang carpet, si Haring Lazaro ay galak at pormal ang pagkakangiti bagay na hinahangaan ko sakanya, pumula ang mata nya, kusang naging iba ang paningin ko bagay na hinahangaan ng lahat ang pagiging pula ng aking mata, ang pag labas ng aking pangil, ang pag labas ng matutulis at nakamamatay kong kuko
Nang makalapit sa hari kung saan nasa itaas ito at nakaupo sa kanyang trono, nakatingin parin sa ibaba kung nasan naron ang kanyang mga bampira ay iniluhod ko ang isa sa tuhod ko at yumuko. Pag bibigay galang sakanya, taas noong tumayo ako, maangas sa suot na long sleeve na itim na hanggang siko ang tupi, ang aking kamay ay nakahawak sa barandilyo ng bakal
"Ako si Gael ang prinsipe ng Nosferatos clan!" Maawtoridad na saad ko ang paningin ay inililibot sa lahat ng bampira, napatingin ako sa kambal na sila Rica at Rico namimilipit ito sa sakit ng kanilang tyan, sa isang iglap ay nasa harap na nila ako "what's happening twins?" Tanong ko sa dalawa, umiling lang ito
"Nalalapit na mahal na hari.. Nararamdaman ko.. Ipinararating ng babaylan o ang ating tagagabay na malapit ng matuklasan ng mahal na prinsesa ang kanyang lihim na lahi" namimilipit na ani Rica, ang nakatatandang kapatid ni Rico
"May plano na ako" ngiti ng hari
"Ano iyon ama?" Tanong ng buong kalahi 'ama' ang tawag sakanya ng aming kalahi at hindi hari o panginoon, mas gusto nya ng ama
"Paiibigin mo ang aking anak ang ating prinsesa upang makuha ang kanyang loob" wala na sigurong mas magiging maawtoridad maliban kay amang Lazaro, deretso itong tumingin saakin, naron ang kanyang kapangyarihan
"Ama alam mong nakatakda ang pag patay ko saka—"
"Imbis na mag patayan bakit hindi tayo mag kaisa?" Putol nya saakin, nakangiti, kaswal ang ngiti nya, ayaw sumang-ayon ng aking sistema
"Ama..." Tumatanggi ang aking tinig, umiling lang ito bago tumalikod
"Gamit ang aking dugo binabasbasan kitang mag tagumpay sa ating plano, matinding hirap ang aabutin mo sa kamay ng aking anak, sa kamay ng ating prinsesa kaya gamit ang aking dugo ay patnubayan ka nawa ng ating mga kalahi" sinugatan nya ang kanyang pulsuhan at pumatak roon ang magkakasunod na dugo, sa isang iglap ay nawala ang amang Lazaro
Pabuntong hiningang itinayo ko ang kambal at inalalayan silang dalhin sa punong tagapag silbe, tumawag ako ng punong kawal upang ipabalita na wala munang bibiktimahing bata sa araw na ito
Dumiretso ako sa aking silid at nag pahinga, pinag-iisipan kung paano sisimulan paibigin ang prinsesa, hindi ko itatangging kinakabahan ako, sa abilidad ng prinsesa ay baka mag patayan lang kami, may kakayahan sya kahit ngayon palang ay may kakayahan na syang pumatay gamit lang ang kuko nya, bagay na hinangaan ng lahat ng mabalitaan, nag lagi ako noon sa hongkong dahil sa parusang pag patay sa kalahi, kalahi naming traydor na buong akala ng ama ay kakampi, pinangako ko sa sarili na kung mag kikita kami ng prinsesa ay papatayin ko sya ngunit iba ang aking nadarama sa tuwing sasabihin ko iyon
BINABASA MO ANG
Vampire (VP1)
VampireA prophecy will be known about the world of humans and the world of vampires Warning! This story is from 2020 so expect what to expect and thus isn't edited and I am not planning to edit, I want it to be what it is when I wrote this on 2020