Kabanata 40

93 6 0
                                    

CELESTE'S POV

Pag dating ni Gael hindi na sya naka tux. Naka suot na sya ng fitted black jeans at dark blue long sleeve, nakatupi yun hanggang siko nya, halatang bagong ligo dahil basa pa ang buhok

"Bakit nag palit kapa?" tanong ni Rica nang makalapit si Gael sa pwesto namin

"Mainit yung tux. Ko" sabi naman nya na nilingon pa ako, agad akong nag iwas ng tingin

"Nag papapogi ka ata eh" tudyo ni Mj

"Nag papapogi sa My world nya" pang-aasar naman ni Jaspher

"Nakanakz! Sino ba yan?" kunwaring tanong naman ni Rico na nilingon pa ako saka ulit tumingin kila Gael

"Out of place kame!  Sino ba?" nakisali si Rica, hindi kona magawang tignan silang lahat, naka iwas lang ako ng tingin at nasa nag sasaya ang tingin, nasa ginawang dance floor yung iba at sumasayaw yung iba naman nag iinuman, may nag chi-cheers pa, may ibang nag lalandian

"Aw! Yung isa ata sa dulo ng sofa" parinig ji Francine. ang tinutukoy ay ako

"Baka ang anak ko?" nakisali pa ang ama ko, sa isip ay nasapo kona ang noo ko, nakisali pa! Hanubayan!

"Ay! Wala na panalo na" kunwaring suko ni Zepanie! Ano ba yan! Pinag kakaisahan ako!

"Para sa babaeng mahal ko" biglang sabi Gael, halos mapatayo ako mabuti't napigilan ko, hindi ko alam pero kakaiba sa pakiramdam, ano ba 'to!

"Para kay Celeste!" sabay-sabay nilang sabi! Talagang lahat sila! Nanlalaki ang matang napatingin ako sakanila na ngayon ay ininom na ang mga baso nilang may lamang alak, napatayo ako kaya mga nakangiti at nakangisi silang humarap saakin, maliban kay Gael na seryoso ngunit proud na ipinag sigawan yun sa harap namin

"C-cr lang" nasabi ko bago umalis bigla at nasa banyo na ako ng mamataan ang sarili, sapo ang tyan at noo, may kung anong kiliti sa tyan ko at kung anong sakit sa ulo, sakit sa ulo dahil sa katarantaduhan nila at kiliti dahil kinikilig ako sa ginawa ni Gael

Nang makabalik ay sari-sariling mundo na sila, si Rica inaaway si Rico na sinusungitan lang sya, si Francine at Zepanie na kalampungan na ngayon ang mga boyfreind nila, si Berdano, Laney at ang ama ko na ngayon ay nag tatawanan at si Gael na halatang hinihintay ako, naupo na ako sa pwesto ko

Agad inilagay ni Gael ang kamay nya sa binti ko at ilang beses hinaplos yun saka itinigil, hindi nya pa rin inaalis ang kamay sa binti ko, nailang nanaman tuloy ako! King ina naman!

"I love you" bulong nya sabay dampi ng halik sa labi ko, napatitig lang ako sa basong nasa harap ko, nagulat sa ginawa nya, bagaman lagi nyang ginagawa yun pakiramdam ko ngayon ay ngayon nya lang ginawa "Anong ginawa mo sa banyo?" tanong nya bigla, nakakunot ang noo na nilingon ko sya

"Ano bang ginagawa sa banyo?" balik tanong ko "bakit? Gusto mo bang mag kalat sa banyo?" kunwaring pang-aasar ko kahit ang totoo ay mamamatay na ako sa titig nya, ngumisi sya ng nakakaloko

"Sure" paungol na sagot nya

Bastos! "Stop" pigil ko nang hahalik nanaman sya, napanguso naman ang loko

"Hey! Shot!" sigaw bigla ni Rica, sumuko sa pangungulit kay Rico, ginawa namin ang gusto, nag kwentuhan pa kami bago mag sari-sariling buhay, ako umalis muna sa pwesto namin at iniwan silang naron, si Gael naman ay sinamahan si Berdano sa kwarto ng mga dugo

Nasa pinaka taas na ako ng palasyo, pinapanood ang lahat, gusto kong mapag-isa, pag-isipang mabuti kung itutuloy ko paba na iwan sya lalo na ngayon. Ngayon na umamin na sya sa harap na tatay ko, hindi man ganun ka-obvious ay pakiramdam ko ay sinabi na nya sa lahat

Pero kung hindi ko naman gagawin yun paano yung umaasa sakin?.. Hindi ko alam kung kelan ako makaka-alis.. Mas lalong hindi ko alam kung hanggang kelan ako mawawala.. Kung aabutin man ng buwan o taon ay hindi ako sigurado. Hindi ko pwedeng iwan nalang basta ang ama ko.. Kailangan nya ako

Kailangan kong tapusin ang problema dito bago ko sila iwan, kailangan kong masigurong ligtas sila bago ako umalis, lalo na ang lalaking mahal ko.. Oo masasaktan ko sya sa gagawin ko pero wala na akong pag pipilian, ayoko syang isama kasi kung aalis ko paano ang ama? Alam kong hindi nya kakayanin pag nawala kami, wala na akong makitang ibang magandang solusyon kundi ang iwan sila.. Ang iwan sya, hindi man ako sigurado kung mag tatagal ako o makakabalik panga ba pero ayokong mag hintay sya kung alam kong walang kasiguraduhan ang lahat

Dahil wala naman talagang kasiguraduhan ang mundo, ni ang sarili ko hindi sigurado dahil ang alam ko lang ay makikipag laban ako, aalis at iiwan sila rito, hindi ko nga alam kung makakabalik panga ba ako

Gustuhin ko mang sabihin sakanila pero para saan pa? Tulungan ako para matapos ang binuo kong misyon para sa sarili ko? Kung may mapag papasahan lang ako ng trabahong ito ay ipinasa kona

"Saan ka galing?" tanong ni Rica pagkabalik ko

"Sa ere" sagot ko, sinamaan nya ako ng tingin bago ibigay saakin ang basong may alak, nalunod ako sa pag iisip kanina tuloy ay mga lasing na ang iba saamin ng datnan ko, kaming apat nanga lang ata ang matino pa eh

Si Rico at ang ate nyang ngayon ay nakikipag landian na at si Gael na kakwentuhan si Rico ang tanging matino sa table namin, ang ama ay nasa kwarto nya na, yung iba ay naiwan dito pero mga lasing na, tinatablan pa pala ng mga alak ang mga to

Natapos ang party na buryong-buryo ako, sa huli ay napag pasyahan naming mag puntahan na sa kanya-kanyang kwarto at mag pahinga

Hinatid ako ni Gael sa kwarto ko, naligo lang ako saglit at saka na nag pahinga, ayokong lamunin nanaman ng pag-iisip kaya naisipan kong mag online nalang sa facebook, nag ingay ang messenger ko at nasisiguro kong sa gc namin yun, nag pop-up ang isang hindi pamilyar na tao sakin I mean.. Hindi ko nakaka chat or else

Nang pindutin ko yun ay halos maibagsak ko ang phone ko sa muka ko

Agustin: I hope you're happy, Pikoy still asking if.. Babalik kapa

Online sya, sigurado ako! Kaya hindi ko alam kung mag rereply ba ako o ano

Me: Tell him that I'm dead

Yun lang ang naisip kong i-reply, agad nyang naseen yun at lumabas na ang tatlong tuldok, his typing

Agustin: Mag sisinungaling ako kung sasabihin kong patay kana

Me: Cuz that's the truth, old Celeste is dead, tell him what i want to tell

Agustin: No. Sasabihin ko ang totoo

Aaminin kong nakaramdam ako ng kaba ngunit hindi ako susuko, kailangan nyang maintindihan na iba na ngayon, iba na ang sitwasyon ngayon, hindi na ako yung dati, ibang nilalang na ako

Me: You need to understand Agustin! Kung sasabihin mo sakanya.. Paano? Makakaya mo bang makitang umiyak nanaman sa harap mo si Pikoy?

Agustin: Makakaya mo bang umiyak sya ulit at ikaw nanaman ang dahilan, hinihintay kana nung bata, sobrang tagal na panahon na

Me: Pero alam mong wala na syang hihintayin, bakit hindi mo maintindihan yun?

Agustin: Ako naiintindihan ko, pero yung batang iniwan mo hindi, sa tingin mo.. Mag hahabol ako ng ganito kung alam kong kaya ko naman ipaliwanag sakanya ang lahat? Hindi

Masakit man para sakin na sabihin 'to pero ito nalang ang naiisip kong paraan para tumigil sya

Me: Sa tingin mo mag papaliwanag ako para lang sa batang na kasama mo? Wala akong pake kahit umiyak pa ng dugo yan

Oo, alam ko pinahihirapan ko ang sarili ko pero inaamin kong kaya ko ginagawa 'to kasi hindi ko kayang humarap kay Pikoy, hindi ko sya kayang harapin at basta nalang sabihin na ganito na ako..



Vampire (VP1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon