Kabanata 26

106 8 0
                                    

CELESTE'S POV

Hindi kona alam ang sumunod na nangyari dahil ng lumabas sa kung saan si Gael, sya namang pag alis ko

Ayokong mag tagal sa lugar na yun dahil kailangan ko nang makabalik ng Nosferatos

Iniisip kodin na kung bakit nalaman ni Gael yung eksaktong lokasyon kung nasan ako. Hindi narin naman ako magugulat kung nasundan ako or nakita ng kung sino, alam kong may mga kalahi kami na nandito lang

Nang makabalik sa Nosferatos ay ilang oras lamang ay narito na si Gael kasama si Rica na halatang nanghihina pa, may ilang sugat na hindi pa nag hihilom, mga sugat na tinamo nya galing saakin

Tinignan ko lang silang dalawa na parang mga walang kwenta saka tinalikuran at dumiretso sa lugar kung saan naron ang mga dugo. I heard Gael call my name but I just ignored it

Lalabas na sana ako sa silid ng mga dugo ngunit natigilan ng nasa loob pala si Gael, kung paano syang nakapasok ng hindi ko nararamdaman ay hindi kona alam

Hindi ko sya pinansin, sa halip ay nilagpasan ko sya ngunit agad akong nahinto. He grabbed my arm

"Talk to me" seryosong sabi nya, malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago sya harapin

"About what?" I ask boredly, he sigh

"Rica is your bestfreind.. Bakit mo ginawa sakanya yun?" tanong nya, napairap ako sa kawalan

"Saan mo nasagap ang salitang Rica is my bestfreind?" sarkastikong tanong ko, pinakadiinan ang huling sinabi "hindi konga sya freind tapos bestfreind pa?" nauuyam kunwaring tanong ko saka sya hinarap

"Edi bakit mo ginawa sakanya yun?" nag titimping tanong nya uli

"At ano namang pakielam mo?" inis na tanong ko "wala kanga dapat pake kase ganun ka!" singhal kopa bago sya talikuran, aksidente kong nabangga ang braso nya pero nag tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makasalubong ko si Rica hindi ko sya pinansin at mag papatuloy pa sanang mag lakad ng pigilan nya ako

"I-I'm sorry" she whispered

I grabbed my arm. Nag lakad lang muli ako hanggang sa mapunta ang paa ko sa trono. Tatlo na upuan ang naroon, ang una ay sa ama ko, ang gitna ang akin at ang dulo naman ay kay Gael

May isang babae ang napadaan sa harap at tinanguan ako bago muling tumuloy sa paglalakad patungo sa silid ng mga kababaihang katulong

"Hey.." tinig ni Gael, kung kanina ay masyado syang seryoso, napaka lambing naman ngayon "I'm sorry okay?" iniharap nya ako sakanya at hinapit ang bewang ko

'Para saan?' hindi ko sya pinansin

"Hey.." pagtawag nya pa, nakaiwas lang ako ng tingin at kunwaring walang naririnig at walang may hawak sa bewang ko kahit ang totoo ay natataranta na ako dahil sa posisyon namin "look at me please?" nagsusumamo ang tono nya, tinignan ko lang sya gamit ang mata at hindi inililingon ang ulo "You mad" sabi pa nya habang hinahaplos ang aking bewang

Anong gagawin ko.. Natataranta na ako!

"No I'm not.. Hindi naman ako ganito magalit" i sigh and try to push him pero hinigpitan nya lang ang pagkakahapit saakin

"Nag tatampo?" tanong nya pa, umiling lang ako "nag seselos?" ngumisi sya at marahang isinayaw ako ng hindi umaalis sa posisyon at pwesto

"Sa anong dahilan?" seryosong tanong ko dahilan para matigilan sya "bakit ako magagalit?.." ako naman ngayon ang nag tanong, hindi sya nakasagot kaya naman ako ang ngumisi "wala diba?" kunwaring tanong ko at inalis ang pagkakahapit nya at nag lakad papalabas ng palasyo

Bakit nga ba ako magagalit sakanya? Bakit nga ba ako mag seselos? Ang kitid din minsan ng utak nya

Nang makalabas ay tatlong kabataang lalaki nanaman ang nagkakarerahan gamit ang kanilang kabayo sa labas ng palasyo, bumuntong hininga ako saka pumunta sa puno at inakyat iyon, naupo ako sa makapal na sanga niyon at nag masid sa harap ng palasyo

Hindi ko maiwasang itanong sa sarili ko kung bakit ko nga ba tinanggap ang pagiging bampira? Na kung bakit hanggang salita lang ako noon na hindi ko iiwan ang mga kakampi ko, bakit kailangang mangyari 'to?

Why do I have to choose the life I belong to now? Is it really set? Not that I don’t want my life right now but I want my question to be answered why I chose to be a vampire

Sinunod ko lang naman ang puso ko na piliin ang nararapat na kapalaran para saakin pero pakiramdam ko mali na sinunod ko ang puso ko. Nung una yung pag tatangka kay Gael.. Oo nga't nasulusyunan na yun ngunit hindi nawala sa isip ko na kasalanan ko na nangyari iyon. Pangalawa ay yung kay Berdano, alam ko naman na ayaw nila saakin dahil hindi nga naman mababago ang katotohanang ako ang pumatay sa marami sa mga kalahi nila sa nakaraan, pero hindi paba sapat na dahilan na kinailangan kong patayin ang mga bampirang tinutukoy nya ay dahil para maligtas ang uri ko nuon? Bakit kailangan mag dusa ako ng ganito hanggang ngayon? Nasasaktan ako sa t'wing may kalahi akong kinamumuhian parin ako na hindi makadikit sakin hanggang ngayon, ultimong ang makaharap ako ay ayaw nila.. Bakit? Oo inaamin kong wala akong pinag sisisihan na napatay ko—namin ang mga bampirang kakampi ko ngayon pero minsan nasasaktan ako na bakit kailangang humantong ang lahat sa ganito, pakiramdam ko napaka sama kong nilalang. Si Rica.. Ngayon nalang ulit ako nagalit ng ganun sa mga bampira, na humantong sa puntong susugatan o makakakita ako ng dugo na kagagawan ko at sa kakampi kopa. Inaamin kong hindi ko gusto ang ginawa ko.

Pero nagalit lang naman ako dahil hindi nya sinunod ang kauna-unahang utos ko

Agad kong pinahid ang mga luhang pumapatak na pala kanina pa, kahit hindi ko tignan ay alam kong namumula ang ilong ko dahil nakikita ko ito sa ibabang paningin ko

"I can't bear to see you cry" nangibabaw ang boses ni Gael, napalingon ako sakanya, naron sya sa mas mataas na sanga at nakaupo habang diretsong nakatingin saakin

"Wag mo nalang intindihin yun" yun ang isinagot ko at basta nalang tumalon sa sanga, nag pagpag pa ako ng kamay ng makalapag ako sa lupa

Dumiretso ako sa kwarto ko at roon nag pahinga. Pakiramdam ko ay napakaraming nangyari sa araw na ito kahit naman kaunti lang

Hindj rin nag tagal ay nakatulog ako, hindi lang iyon simpleng pag tulog dahil mahimbing ang naging tulog ko






*A/N: Read. vote and comment! Thankyou!🖤

Vampire (VP1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon