Kabanata 47

84 8 0
                                    

GAEL'S POV

"I left and went to Australia" sabi ni Celeste "may misyon ang ating ama na nakarating saakin, hindi ko pina-alam sakanya.. Ayokong may panibago syang problemang harapin kaya.." bumuntong hininga muna sya habang nakatingin sa ama "kaya umalis ako.. Akala ko sa isang problema lang pero nadagdagan ng nadagdagan hanggang sa.. Umabot ng anim na taon" mapait itong ngumiti at tinignan ako, napaiwas ako ng tingin dahil pakiramdam ako ay may sasabihin nanaman syang ikakasakit ko "at napag hintay kita ng anim na taon.." naibulong nya, ang mga kaibigan naman namin ay nag react agad, meron yung bumungisngis, may kunwaring umubo, may mga umungol ng 'ayiii' at may mga nag paluan pa pero nangunguna ang pag ubo

"Ngayon lang ako naka encounter ng bampirang may sakit" sarkastikong sabi ko at inirapan sila, tumawa lang naman ang mga ugok, nangunguna nanaman si Rica

"Nawala ang mga rebelde dito right?" she ask, lahat ay sumang-ayon "kasi nasa ibang bansa sila.." dugtong nya, lahat ay nag react, maging ako ay nagulat "tinapos ko.. Ang problema sa rebeldeng bampira.. Sa ibang mga lobo na nasa ibang bansa, yung mga pangangaulangan ng mga clan na nasasakupan ng ama tinugunan ko, mga bampirang pakalat-kalat lang binigyan ko ng matitirhan.. At lahat ng yun.. Nasa iisang clan na ngayon" kinwento nya yun na parang binabalikan ang mga oras na ginagawa nya ang mga bagay na yon, mabilis na nangilid ang luha nya

Nasasaktan akong makita syang ganito, ang hirap para sakin na nalaman ko na nag sakripisyo sya para sa misyong hindi kanya

"Ginawa ko yun k-kasi.. Gusto kong mag pahinga k-kayo.. Kaya kahit labag sa loob kong akuhin kahit wala namang nag sasabi ay inako ko.. Para sa lahat ng bampira" inilibot nya ang paningin sa lahat "As your princess I want you to know that I will never leave this palace again" she smile, tila naging masaya ang puso ko ng makita kong muli ang maganda nyang ngiti, nahawa ako "for my son" nilingon nya si Caslem na noon ay katabi nya, nginitian sya ng anak na akala mo naiintindihan ang lahat ng sinabi ng ina "and for my future husband" biro nya, nag hiyawan naman ang mga kaibigan namin

"Ayown!" si Rico

"Ahuuu sana all!!" si Rica

"Nakzii" si Zepanie

"Yun oh!" si Laney

Napailing nalang ako ng makisali pa sya

"Woooo!!" lalo akong napailing ng pati si Berdano nakisali

"Ayii! Sanaol!!!" si Rica nanaman

"Huuu!! Ano daw!" halakhak ni Francine

Ang pinaka malakas talag yung jay Rica eh, nananadya na sya. Natitigan ko naman si Celeste na ngayon ay malungkot na nakatitig saakin, tila sinasabing humihingi sya ng kapatawaran sa mga nagawa

'My future wife..'

Napailing ako sa sariling naisip, tinalikuran ko sila at nag lakad na paalis. Natigilan ako ng makita ko ulit ang motor ni Celeste, anim na taon ko rin hindi nakita 'to, ang daming bumalik na ala-ala, naalala ko nanaman kung paano syang nag pakitanggilas saakin noon sa pag mo-motor

Sinakyan ko agad ang kotse ko at pinaharurot yun paalis, mag papahangin lang ako.. Para akong naubusan ng hininga kanina

Nadatnan ko ang sarili na nasa lugar kung saan ako iniwan ng tatay ko at kung saan ko nasaksihan kung paano sya pinatay

Napabuntong hininga ako, nandito na sya pero parang mag isa padin ako, muli akong bumuntong hininga

Sa huli ay wala akong nagawa kaya bumalik ako ng palasyo, mag sarili ng mundo ang mga bampira ng dumating ako, I saw Celeste playing with Caslem, nag iwas ako ng tingin at pa-pasok na sana sa loob ng palasyo ng tawagin ako ni Caslem

Vampire (VP1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon