CELESTE'S POV
Lumipas ang dalawang linggo na ganun ang buhay ko, araw-araw kong kasama si Gael, lagi nya akong sinasamahan sa bawat laban ko, tulad ng nakasanayan ay mag kahawak kami ng kamay na lumalaban, his cheering me pag nawawalan nanaman ako ng kompyansa sa sarili, his comforting me pag sobrang nilalamon ako ng kalungkutan
"Ang sabi mo lumaki ka sa isang malaking tribo wich is yung kinalakihan mo right? Ang sabi mo din lahat ng mga bata roon ay hindi nakapag aral?" Sunod sunod na tanong nya, agad na tumango ako "eh pano ka natutong mag english? Mag basa? Mag sulat?" Mag kakasunod nanaman na tanong nya, pabuntong hiningang inubos ko ang softdrinks ko
"Kasi.. Sa tribo namin may isang malaking kubo at dun may isang guro mula sa syudad, lahat tinuturo nya saamin, kaso yung guro nayun eh.. Patay na hindi ko sya nailigtas" muli ko nanamang naalala kung paano syang pinatay ng walang awa, kinse anyos ako ng mangyari yun
"Sad.. Wala kabang pangarap?" Muli ay tanong nya
"Meron.." Bagot na sagot ko, sinikap kong ngumiti
"Ano?.." Tanong nya, nakakunot ang noo
"Pulis? Sundalo? O kaya kahit mamamaty tao nalang pwede pa" nginisian ko sya, iiling-iling na nag-iwas sya ng tingin "May mga pangarap na hindi natutupad.. Tulad ko.. May pangarap ako na malabong matupad" malungkot na dagdag ko
"Malabo? Paano?" Tanong nya nanaman
"Kasi.. Kahit saan ko hanapin yung sagot baka hindi ko mahanap kasi kung hindi nag tatago ang sagot makikita mo naman" makahulugang sinabi ko, bagaman nakangiti ay may bahid ng lungkot ang aking muka
"A-anong ibig mong sabihin?" Naguguluhang tanong nya, nag angat ako ng tingin sa maliwanag na buwan upang 'wag tuluyan mahulog ang aking mga luha
"Kasagutan kung bakit lumaki akong wala yung tatay ko.. Kasagutan kung bakit hindi ko sya kilala, kasagutan sa maraming tanong na kung bakit hindi ko sya kilala? Bakit wala sya sa tabi ko habang lumalaki ako? Bakit kailangan ilihim ng nanay ko ang tungkol sakanya?" Hindi kona mapigilan pa ang maluha, sobrang bigat nanaman ng pakiramdam ko "hindi ko maintindihan ang mundo.. Kailan man ay hindi naging patas ito" inis na pinunasan ko ang aking mga luha
"Patas ang mundo.. Kaso hindi ang taghana.. Kayo ng tatay mo ang kanyang nakuhang pag laruan.." Buntong hininga nya
"Wag mo nalamang pagaain pa ang aking kalooban pagkat batid kong tama ang aking naisip" pormal na sagot ko, napabuntong hininga sya ulit "kailan man ay hindi naging patas ang mundo.. Dahil kung patas ito matagal na nyang ibinigay saakin ang aking hinahanap" tumayo ako mula sa pagkakaupo sa damuhan at pinunasan muli ang aking mga luha
"Mag kikita rin kayo.. Malay mo naman" ngumiti ito, tumango nalang ako
"I choose to be like this but i didn't choose to be sad like this ugh fuck!" Inis na nag lakad ako, narinig ko ang pag tawa nya "sinasabi ng puso ko na hanapin ko sya pero sinusunod ko ang sinasabi ng isip kong wag syang hanapin kasi sya ang kusang lalapit" muli akong bumuntong hininga, pinapasok ko sya sa bahay at inasikaso, dito nya raw gusto mag hapunan
Really? Ang ulam namin eh ham lang..
Isusubo kona sana ang pagkain ngunit ng maamoy ko ito ay para akong masusuka, hindi ko alam kung bakit pero parang iba ang gusto ng tyan ko, sinubo kona lang ito ngunit hindi ko inaasahang masusuka ako, agad akong tumakbo papuntang banyo upang sumuka, lahat ng kinain ko kanina ay naisuka ko, iba ang gusto ng panlasa, pang amoy at ng tyan ko
"Are you ok?" Gael ask me
"Hindi ko alam" napahilamos ako sa lababo ng malamig na tubig
"I'm leaving.. Text or call me if you need ok?" Nakangiting aniya, humalik ito sa noo ko bago umalis, bagay na hindi ko inaasahang gagawin nya, nababaliw na talaga ako
GAEL'S POV
"Unti-unting lumalabas ang pagiging bampira sa prinsesa ama" naalala ko nanaman ang naganap kanina, kung paano nyang hindi nagustuhan ang amoy ng pagkain at kung paano nya itong isinuka, kumakain kami oo ngunit kung laman loob ng tao ay iluluto mo ay magugustuhan namin ngunit kung ang katulad ng laman loob ng hayop at iluluto mo ay baka hindi kami mabusog at isuka lang namin, pwede pa kung papatay kami ng hayop para may makain at may masipsip na dugo at pwede rin naman kainin namin ang laman loob ng mga ito, kaming mga bampirang taga Nosferatos clan ay hindi kumakain ng mga tao o umiinom ng dugo ng tao, dugo at lamang loob ng hayop ang kinabubuhay namin, ang mga bampirang kumakain o umiinom ng dugo ng tao ay ang mga rebeldeng bampira
"Nalalapit na ang pag sapit ng nag durugung buwan.." Problemadong aniya
"Anong ibig mong sabihin?" Takang tanong ko, nakakunot ang noo
"Malapit ng maganap ang propesiya Gael.. Kailangang nasa panig natin ang prinsesa.." Naihilamos nya ang parehong palad sa muka, napailing nalang ako
"Ama nakatakda kaming mag patayan hindi mag kampihan ano't sinusuway mo ang propesiya?" Bigla ay kinuwestyon kong muli ang nais nya, tama ako at nasa katwiran
"Patayan" natatawang pag-uulit nya "gyera ang nag hihintay saatin Gael.. Tayo ang mag kakampi ano't tayo rin ang mag papatayan sa huli?" Gilalas nya, nasapo ang sariling noo, napabuntong hininga ako, mabait ang haring Lazaro ngunit makapangyarihan man ay hindi nya ginagamit sa halip na isipin ang kanyang sarili ay buong kaligtasan ng kalahi ang kanyang nais "hindi ko maintindihan ang propesiya" bumuntong hininga sya
"Hindi nyo maiintindihan kung patuloy nyong itatangging hindi nyo minahal ang dating tagapag tanggol ama" gulat na nag angat ito ng tingin saakin "hindi ba't minahal nyo ang nanay ng prinsesa ama? Hindi paba kayo nag tataka? Halatang-halata na ang ibig sabihin sa propesiya" malalim na buntong hininga ang aking ibinuga "dugong bampira at dugong tagapag tanggol ang nananalaytay sa inyong anak ama.. Ang ipinahihiwatig sa propesiya ay kung saan sya papanig, kung pumanig sya sa mga tao.. Sila ang panalo ngunit kung papanig sya saatin.. Tayo ang panalo.. Sa oras na pipili na sya.. Yun ang oras ng nag durugong buwan" mahabang dagdag ko, namomroblema ang buong kaharian dahil nararamdaman na namin na papalapit na ito
Kung kami ang mananalo.. Katahimikan ng buong mundo ang premyo ngunit kung ang mga tao ang mananalo gyera ang premyo nito, nakatakda ang nakatakda ngunit handa na akong baliin ang propesiyang yun para magampanan kona ang pagiging prinsipe, kailangan nasa panig namin ang prinsesa bago mangyari iyon dahil kung hindi.. Malaking gyera ang nag babadya
Gyera na uubos sa lahat ng tao at bampira, gyera na wawasak sa buong mundo. Nakakabaliw
BINABASA MO ANG
Vampire (VP1)
VampirosA prophecy will be known about the world of humans and the world of vampires Warning! This story is from 2020 so expect what to expect and thus isn't edited and I am not planning to edit, I want it to be what it is when I wrote this on 2020