Kabanata 11

158 13 0
                                    

CELESTE'S POV

"Wala ka nangang silbe dito bumalik kapa, para ano? Mag pasikat nanaman" mayabang na ani mang Jullian

"Hoy tanda!" Inis na sigaw ko na dinuro pa sya "isang beses pa na hindi ko magustuhan yang tabil ng bunganga mo itatarak ko sayo yang purol mong kutsilyo" sa inis ay ibinato kopa sakanya ang isa sa kutsilyong hawak ko pero sinadya kong hindi sya tamaan

"Bat hindi ka nalang umalis?" Inis na tanong nya, nakakalokong nginisian ko sya

"Bat hindi ka nalang mamatay?" Seryoso nang tanong ko, lahat ay nagulat, natigilan sa narinig at napatitig saakin

"Hindi mona nagamapanan ang pagiging tagapag tanggol wala ka pang respeto" gilalas nya, nasa singkwenta palang naman ang edad ng matandang hukluban na ito kaya paniguradong malakas pa ito

"Unang-una sa lahat.. Kaya kong gumalaw, lumaban, humarap sa mga bampira ng mag-isa, palihim man o hinde kaya may mas silbe ako kesa sayo" bumuntong hininga pa ako sa huli "pangalawa.. Karespe-respeto kaba?" Ngisi ko, muli nanamang nagulat ang lahat

"Aba?!" Umamba na itong susugod ngunit ayun at nakahandusay at gulat na nakatingin na ito saakin matapos ko syang padarag na itulak

"Minsan kailangan mong unahan ang kalaban o tinatawag mong walang silbe kesa ikaw ang maunahan, kung sa bagay.. Wala ka namang kwenta" mariing ani ko

Pabalibag kong isinara ang pinto tuloy ay umalingawngaw ang ingay nun sa buong Legeno, halos masira ko ang lahat ng madaan kong bagay dahil bawat madaanan o mahawakan ko ay binabalibag ko sa kung saan maging ang upuan o lamesa. Naupo ako sa hagdan at napailing ngunit bigla akong nahulog sa hagdan ng may tumadyak saakin mula sa likod

"Ano?! Katulad ka ng nanay mo! Mangmang! Mas may silbe ako sayo ulul!" Sigaw ni mang Jullian mula sa punong hagdan, hirap man ay tumayo ako mula sa pag kakahulog at tinalon ang hagdan paakyat sa mismong harap nya, gulat na gulat sya saaking nagawa ngunit agad napawi matapos ko syang salubungin ng sapak sa magkabilang kamao ko, padarag na hinablot ko ang kwelyo nya at ibinalibag pababa ng hagdan ngunit nakakapit sya kaya bumwelo ito ngunit hindi na ako nakailag ng tadyakan nya ako sa tyan, agad nyang sinundan iyon ng suntok ngunit agad ko syang tinadyakan mula sa ibabaw ko at muling tinadyakan pag katayo ko, tangka nya akong susuntukin ngunit sinapo ko iyon at inikot sya saka parang isang maliit na bagay na basta nalang binitawan, ng malalaglag ito ay padarag na kinuha ko ang likod ng kwelyo nya para hinfi sya mahulog, naron ang takot sa muka nya

"S-salamat" halata ang plastik sakanya, kaplastikan dahil mukang may binabalak pa, ngunit tinulak ko sya

"Ulul tanda!" Tinalon ko ang hagdan mula rito pababa sa harap nya at tunadyakan sya saka ako lumabas ng Legeno, inis na pinaharurot ko ang motor ko pero hindi ko inaasahang papatak ang luha ko ng hindi man lang nangilid basta nalang pumatak

Hindi nila alam na kahit wala ako sa pudar nila tinutulungan kopa rin sila, hindi nila alam na ako ang nag bigay ng napaka hirap na impormasyon para lang mahanap ang lahat ng kasali sa presedential event na yun, ibinuwis ko ang buhay ko sa mga taong hindi marunong mag karon ng utang na loob, sabihin na nilang hindi nila alam na ako ang nasa likod ng mga pagka-panalo nila pero iba pa rin yung mga oras na nasa pudar nila ako, yung mga oras na inililigtas ko sila sa bingit ng kamatayan

"You're crying again huh" hindi ko namalayang nasa bahay na ako at mas lalong hindi ko alam na nandito si Gael

"Again huh?" Natatawang pag-uulit ko "wag mo akong isipin emosyonal lang talaga ako bwiset" inis na pinunasan ko ang mga luhang patuloy sa pag patak "nawawala angas ko dito eh" reklamo ko, sabay kaming natawa

"Kwento mo naman" bumuntong hininga sya bago hinawakan ang pareho kong kamay, heto nanaman sya, he starting to comfort me again

"Wala ahahaha" pinilit kong tumawa, bumuntong hininga nanaman sya na animoy dala nya ang problemang kinakaharap ko, inakbayan nya ako kaya pareho kaming natawa "bakit kaya hindi marunong tumanaw ng utang na loob yung ibang tao?" Wala sa sariling nasabi ko

ngunit hindi ko inaasahang hahaba ang usapan, gabi na ng matapos kaming mag kwentuhan, he comfort me again for the second time, he makes me smile and happy again

"Salamat nga pala dun sa r-regalo" naiilang na sabi ko, inihatid sya sa pinto

"Suotin mo minsan nai-imagine kona yung a boyish Celestes into a girly Celeste" biro nya pa tuloy ay lalo akong nailang

"Loko! Sige na umalis kana gabi narin 'o" tinapik kopa ng dalawang beses ang balikat nya bago sya pinag sarhan ng pinto, napasandal ako sa pinto at nasapo ang ulo, bakit ganun yung epekto? Napabuntong hiningang dumiretso ako sa kwarto

GAEL'S POV

"Magaling!" Gulat na napatingin ako sa pamilyar na tinig, pumapalakpak pa ito, ng malingunan ay agad akong nag bigay galang

"Ama. Ano ang ginagawa nyo rito? Bakit umalis kayo ng palasyo?" Tanong ko matapos mag bigay galang, mahaba ang buhok ng hari, halata na may edad na pero hindi nun natago ang kagwapuhang taglay nya, nangingilid pa ang kanyang luha

"Sya pala ang anak ko" nilingunan nya pa ang pinanggalingan kong pinto kung saan kami nag usap

"Ama? May problema ba?" Nag-aalalang tanong ko

"Buong buhay ko pag naiisip ko ang anak ko.. Walang muka pero ngyon meron na" nangingiti pang sabi nya "kamukhang-kamuka ko hahah" inakbayan nya ako at sabay kaming nawala nalang bigla sa lugar na yun at namalayan ko nalang na nakaupo na sa trono si ama at nakatingin na ako sakanya

"Unti-unti ko nang nakukuha ang loob ng prinsesa ama, mahirap dahil may pinag daraanan ang iyong anak" buntong hininga ko

"Unti-unti narin nahuhulog ang loob mo sa prinsesa Gael" bigla ay sabi ni ama, gulat na nilingon ko ito pero ang paningin nya ay naron sa baso nyang may dugo

"Ama.." Naisambit ko

"Hindi mo man sabihin pero isinisigaw ng mga mata mo, lahat ng ginagawa nyo nakikita ko, kasama ka nya sa pag patay sa mga kalahi" dun nya ako nilingon, nakangising tumango-tango ito, bigla ay nakaramdam ako ng kaba "hindi ako galet, hindi ako magagalot dahil sa t'wing mapapanood ko kayo naaalala ko ang sarili ko at ang ina nya, pero iba kami.. Kayo mag kahawak ang kamay na lumalaban kami hinde.. Kapit bisig.." Ngumiti ito saakin ng napaka ganda kaya nakahinga ako ng maluwag "wapang problema saakin kung ubusin nyong dalawa ang kalahi nyo dahil alam ko sa huli tayo ang mananalo" tumayo ito at tinapik ng tatlong beses ang balikat ko, napangiwi ako ng maalala na ganun fin ang anak nya

"May pinag manahan" naibulong ko, napalingon nanaman sya

"Ehem! Ano yun?" Bigla ay tanong nya

"Tss! Wala mauuna na ako" may bahid ng inis ang boses ko bago tumalikod ng nakangiwi, just like before.. Sa isang iglap ay narito na ako sa aking silid

Biglang sumagi sa isipan ko ang mga binitawang salita ng hari, totoo kayang nahuhulog na ang loob ko sa prinsesa? Hindi naman masama ang mag mahal ng kapwa bampira ang masama nga 'e yung mag mahal ka ng isang mortal, isa yun sa pinaka mahigpit na batas ngunit ang hari mismo ang sumira dahil kahit ilang beses nyang ulit-uliting itanggi na hindi sya umibig sa dating tagapag tanggol ay hindi iyon ang aming iisipin kundi ang katotohanang minahal nya ito, kung nahuhulog nanga ang loob ko sa prinsesa ay hindi ko itatanggi iyon ngunit hindi ako sigurado, hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko

Vampire (VP1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon