AGUSTIN'S POV
Isang taon agad ang lumipas, nabalik sa dating bilang ang Legeno, nakakapag-aral narin si Pikoy at kahit sya lang ang naiiwan mag-isa sa bahay na iniwan sakanya ni Celeste ay kaya nya
Nag patuloy kami sa pakikipag laban ngunit nitong mga nakaraan ay nabalitaan namin na may lihim na babae raw ang biglang nag papakita sa gabi at puro bampira ang pinapatay nya, hindi ko maintindihan ang sarili ko ng ang pumasok sa isip ko ay si Celeste agad ngunit nangako sya.. Nangako ka.. Dito sya sa Legeno unang pupunta sakaling makaligtas sya, hindi narin ako umaasa na nakaligtas sya dahil isang taon na ang nakakalipas
Si Pikoy naman ay binabagabag ng mga nakikita nya lalo na sa gabi na kesyo pag na iiwan sya mag-isa sa bahay ay may nakikita syang pamilyar na tindig sa gilid ng puno sa harap ng bahay, mahaba ang buhok, pamilyar ang katawan, sa t'wing lalapit nga sya ay bigla nalang lalamig at pipikit sya saglit pag mukat nya ng mga mata nya ay nawala ang pamilyar na tindig, nababahala rin ako na baka bampira iyon dahil bampiralang naman ang nakakagawa ng bigla nalang lilitae at mawawala sa isang pitik, inisip ko na baka minamatyagan si Pikoy
"Sino kaya ang babaeng yun 'no?" Rinig kong tanong ni Punggok sa isa sa mga kasamahan namin
"Oo nga 'e" anang isa pa
"Mag ronda kaya tayo sa gani tas abangan natin?" Suhestyon ng isa pa
"Hoy! Nananahimik ang taong yun, kung gusto nya na lihim ang pagkatao nya hangga't maari ay huwag na lamang tayong makialam" tinuro kopa sila isa-isa matapos kong sumingit sa usapan
Inaamin kong may bumabagabag saakin tungkol sa babaeng yun, pawang nakaitim raw, at aaminin kong may kung anong sabik akong naramdaman ng mabalotaas ko iyon dahil umaasa ako na sya ang babaeng yun kahit alam kong malabo, patay na sya.. Namatay sya dahil pinili nya yun para makaligtas kami.. Yun ang totoo, nag iilusyon lang talaga ako
Dumaan ang mga oras, araw, linggo at buwan na ganun ang estado namin, patuloy namin nababalitaan ang tungkol sa babarng nakaitim, hindi ko iyon pinansin hanggang sa mabalitaan namin na may nailigtas syang isang matandang babae at may sinabi sya rito na sinabi lang sa balita
Sinasabi sa balita nayun na sinabi sa matandnag babae ng babaeng nakaitim na malapit na syang mag balik. Yun lang raw ang sinabi sakanya, nung panahon rin iyon ay nagkatinginan pa kami ni Punggok at mukang pareho kami ng iniisip ngunit napawi iyon dahil ayaw namin umasa sa mga nakikita namin
Makalipas ang dalawang taon ay nanahimik ang mga bampira, hindi ko maintindihan ang dahilan, basta ay nanahimik silang bigla, wala kaming nabalitaan o nakainkwentro man lang na bampira parang nag laho nalang bigla
"Long time no see! Kamusta?" Bungad ni Punggok ng makabalik sa Legeno, isang buwan na walang koneksyon ang mga kasamahan namin sa Legeno dahil sa biglaang pananahimik ng mga bampira, naisip ko na mag pahinga muna sila
"Nabuburyo" iling ko, nag punta ako sa lugar kung saan kami nag pupulong at dun inalalang muli ang lahat ng pangyayari ng buhay pa si Celeste, yung ngisi nya sa t'wing mag yayabang, yung pag kunot ng kanyang noo sa t'wing hindi nya gusto ang nababalitaan lalo na kapag good mood sya tas biglang may balitang hindi maganda. Sa t'wing papanoorin ko syang ipaliwanag saamin ang aming gagawin sa misyon. Sa t'wing nakatingin lang ito sa malayo at hindi nakikinig sa sinasabi ni mang Jullian. Speaking of mang Jullian.. Tatlong taon na ang nakakalipas mag mula ng maganap ang karumal dumal na pangyayari na iyon ngunit heto't sariwa parin yung sakit sa aming mga puso dahil sa nangyari
Nag tungo ako sa lugar kung saan nag eensayo ang buong Legeno, muling nanumbalik saakin ang mga ala-alang kasama ko si Celeste sa lugar na ito, kung paano nyang hawakan ang sandata nya, kung paano nya gamitin iyon, para silang nag-iisa sa t'wing hawak nya ang sandatang iyon ay iba Celeste ang nakikita ko, yun ang Celeste na handang talunin ang apoy para sa kaligtasan ng iba, na uunahin pa ang iba kaysa ang sarili, yun ang Celeste na minahal ko
Pinili nyang mamatay para saamin, pinili nyang ibuwis ang buhay nya para makaligtas kami, pinili nyang isakripisyo ang buhay nya dahil alam nyang kahit mamatay sya ay mag lalaban at may lalaban.. Laban sa mga bampira. Ng iwan namin sya s agubat nayun kasama ang mga bampira ay puno na ng kalmot, sugat at saksak ang katawan nya kaya imposibleng makaligtas pa sya, ayokong umasa
Oo nga't nananabik ako sakanya ngunit para saan pa kung alam kong hindi na sya babalik, kung alam kong wala ng babalik na Celeste kasi wala na sya, may kung ano sa puso ko ang umaasa ngunit pinipigilan ko dahil ayomong umasa na babalik sya kasi kung babalik sya.. Bakit hanggang ngayon wala pa aya, tatlong taon na ang nakakalipas pero wala parin sya kaya isa lang ang ibig sabihin nun.. Wala na sya
Nahagip ng paningin ko ang gate ng Legeno, makikita ang labas nun na pawang puro puno ngunit nangilabot ako ng may makita roon na pamilyar na tindig, naka itim ito, pawang itim ang suot, animoy inilalantad amg sarili ngunit itinatago ang muka, deretsong nakatayo ito, nakaharap saakin ngunit hindi mo makikita ang muka dahil nakatakip iyon mararamdaman mo ang matalik nya titig
Napakurap ako ngunit wala na ang tindig nayun roon, namamalik mata ka lang.. Maliwanag pa para matakot ako
Ngunit muli akong kinilabutan ng sa muling pag kurap ko ay naron nanaman ang tindig ng babae, hindi ko mamukhaan dahil sa nakatakip sakanyang muka, magkakrus na ang mga braso nito, prenteng nakatayo, malalim kung tumitig at saakin pa mismo, sa mga mata kopa mismo, ngunit lalong nanindig ang balahibo ko ng hindi manlang ako kumukurap ay nawala ito, hindi sya normal na bampirang nakikita ko, base sa karanasan ko.. Ang mga katulad na sobrang bilis na bamporang katulad ng akong nasaksihan ngayon ay pwedeng pinanganak na bilang isang bampira o di kaya'y may posisyon
Hindi ko maintindihan...
A/N: read, vote and comment (if you want) thanks...
BINABASA MO ANG
Vampire (VP1)
VampiriA prophecy will be known about the world of humans and the world of vampires Warning! This story is from 2020 so expect what to expect and thus isn't edited and I am not planning to edit, I want it to be what it is when I wrote this on 2020