CELESTE'S POV
Tatlong araw na ang nakalipas, tatlong araw narin akong narito sa korea dahil ng ihatid ko ang kambal rito ay pinag-stay muna nila ako, hindi naman ako tumanggi dahil sa gabi ay nasa tuktok kami ng Lotte world tower, pinag mamasdan ang mga taong walang kaalam-alam na may bampira lang sa paligid nila
Ngayon na ang balik ko sa Nosferatos, sakay ako ngayon ng kotse ni Rico, kakailanganin ko si Rico dahil sa pag sasalita ng korean, marunong naman na ako dahil ilang beses nako nakakapunta rito, kahit ganun ay may ibang mga sinasabi ang nga tao rito na hindi ko parin naiintindihan
"five bun deo" sagot ng babaeng ground attendant kay Rico matapos nyang tanungin kung anong oras ang dating ng eroplanong sasakyan ko
*translate: five more minutes*
Sa totoo lang, pwede ko naman gamitin ang kapangyarihang taglay ko para makarating agad sa Nosferatos ngunit mas gusto kong maranasan ulit ang maging normal
"Arasseo gamsahabnida" ako na ang sumagot
*translate: alright/ok thankyou*
Nag bow naman ang babae, tinalikuran namin ito at sabay na naupo sa waiting area
"Ingat ka" nag salita si Rico, bahagya lang akong tumango at pinag masdan ang nga taong nag lalakad sa harap nila
"Nakakamiss yung buhay ko noon" bago ko pa'man mapigilan ay nasabi kona, ramdam ko ang pag lingon ni Rico saakin, napayuko ako at tinignan nalang ang mga kamay ko, kung dati buwan ang bibilangin para humaba ang kuko ko ngayon ay kung kelan mo gustuhin ay hahaba iyon at kayang makasakit o makapatay "Yung tipong.. Ilang sigundo, minuto o oras akong tatakbo makarating lang sa gusto kong puntahan.. Ngayon.. Pwede akong makarating sa iba't-ibang lugar sa isang iglap" bahagya akong natawa ng idugtong yun
"Kung papipiliin kaba.. Gantong buhay ba ang gusto mo?" hindi ko inaasahan ang tanong nya
"Yun at yun ang pipiliin ko.. Kung pwede nga lang balikan ang mga oras nayun baka ibuwis ko lahat para lang huminto ang oras" lumingon ako sakanya, malamlam ang kanyang mga mata na parang sinasabi saakin na pwede akong bumalik sa mga naiwan ko
Pero paano?
Paniguradong tampo at galit ang sasalubong sakin, bagaman naron ang pananabik ay malamang na ganun ang mararamdaman nila, baka itanong pa nila kung bakit umabot ng ilang taon bago ako bumalik, wala akong maisasagot
"Ayoko ng buhay ko ngayon.. May pangarap ako na alam kong imposible na" bigla ay nangilid ang luha ko shit! Lumambot nanga yata ako o baka ganun talaga kahirap sakin tanggapin na hindi na matutupad iyon
"Ang mag karoon ng sariling pamilya" patuloy nya sa sasabihin ko, bahagya akong ngumiti
"Magkaron ng anak, pero ikakamatay ko siguro pag nangyari iyon" pabuntong hiningang sabi ko
"Nakalimutan mo ang kapangyarihang meron ka" malapad na ngumiti ito "ilang beses kang nag pakamatay nung unang maging bampira ka ngunit paulit-ulit kang bumabalik, hindi ko akalaing mayroon kang taglay na kapangyarihang ganoon, akala konga gawa-gawa lang yung sa t.v na laluna sangre, si samantha imperial na may sumpa na hindi mamamatay kahit magpakamatay" habang kinukwento nya iyon ay nag babalik sa isip ko ang mga ala'alang yun ngunit natawa sa huli nyang nabanggit
Matagal na ang palabas na iyon ngunit heto't naalala nya parin, gusto ko tuloy tuksiuhin sya na twenty-rwenty one na yun parin ang pinaniniwalaan nya
"Siraulo" tumatawang sabi ko, sakto na nag-announce na narito na ang eroplanong sasakyan ko, nag bilinan at paalamanan lang kami sa isa't-isa bago ako tuluyang sumakay ng eroplano
Naisip ko tuloy ang sinabi ni Rico, gusto ko magkaanak ngunit mamamatay ako kung ganun, mag babalik naman ako matapos ang dalawang linggo kung mamamatay ako, bigla ay nag liwanag ang sistema ko at nagkaroon ng pag-asa
Tatay naang ang kulang heheh
"annyeong! Uli yeohaeng-eul jeulgiseyo" hindi ko namalayan ang pag lapit ng isang plate attendant
*translate: Hello! Enjoy our trip*
Pag trip-an kita jan..
"Tss!" tanging tugon ko
Matagal ang naging byahe, inabot ng ilang oras. Nang makalapag ang sinasakyan kong eroplano ay nanguna na akong bumaba
Nag punta agad ako sa luhar kung saan walang makakakita saakin, In a flash, I just disappeared from that place and just arrived in front of Nosferatos
Alam kong naramdaman na nila na nasa labas ako ngayon ng higanting pinto sa harap ko kaya ilang aegundo lang ay unti-unti natong nag bukas
Bigla ay pakiramdam ko ay tumalim ang tingin ko, pumula ang mga mata ko dahil sa nakapangingilabot na hangin na sumalubong saakin
Unti-unting tumalim ang nga kuko at pangil ko, at basta nalang sinalubong ang akmang aataki saakin
"Tiyo" sambit ko ng mamukhaan ko ito "anong ginagawa mo rito?" tanong ko habang nakayakap ang aking braso sa leeg nya
"Nangangamusta lamang pamangkin" nakakalokong sagot nya, sa inis ay binalibag ko ito patalikod
"Panget mo mangamusta" asik ko saka pinagpagan ang damit ko
"Anak" pag tawag ni ama, nag angat ako ng tingin rito, naron sya sa trono nya, ramdam ko naman ang pag atake sa likod ko kaya ng makalapit ito ay sinalubong ni tiyo ang naka buka kong kamao, hindi ko nagawang lumingon ng gawin ko iyon
"Tiyo" nag babanta ang tinig ko, hindi ko parin magawang lumingon.
"Anak bitawan mo ang dibdib ng tiyo mo" maawtoridad na utos ni ama, lumingon na ako sa pagkakataong ito sa tiyo ko, hindi ko naramdaman na bumaon ang mga kuko ko sa gitnang dibdib nya
Lalong hindi ko naramdaman ang umagos na dugo, agad kong tinanggal ang kamay kong naron, napayuko ito agad gamit ang isang tuhod, unti-unti ay nag hilom ang kanyang sugat
"Mas panget ka sumalubong" asik nya, inabutan ko nalang ito ng alak na may dugo
Kung ang mga narito ay kaaway nya, hindi ako, kasundo at totoong tiyo ang turing ko sakanya, kahit sya ang pinuno ng rebeldeng bampira ay hindi naging labag yun para hindi kami mag kasundo, alam ng ama ko iyon
"Kasalanan mo yan susugod-sugod ka jan eh" depensa ko
"Sinusubukan ko lang naman yung abilidad mo ah?"
"Kingina" singhal ko, natawa lamang ito at umaktong yayakap, sinalubong ko iyon, para kaming nag kumpareng nag yayakapan
Nag kamustahan lang kami at umalis narin sya, walang nagawa ang ama kundi ang kamustahin lang ako at ioakwento ang mga nangari saakin sa korea
Hapon na ng mag pasya akong mag punta sa silid ko, may nakalimutan akong pag handaan para sa pag babalik ko dito
Shit! Wag naman sana kami nagkita agad!
Baka bigla nalang mag alboroto ang sistema ko at masapak ko sya! Hindi kopa nakakalimutan ang ginawa ng impaktong yun! Sarap nyang sapakin!
BINABASA MO ANG
Vampire (VP1)
VampirosA prophecy will be known about the world of humans and the world of vampires Warning! This story is from 2020 so expect what to expect and thus isn't edited and I am not planning to edit, I want it to be what it is when I wrote this on 2020