Kabanata 29

98 6 0
                                    

GAEL'S POV

Ilang oras naming pinag talunan ni Celeste ang pagdedesisyon kung saan matutulog si Caslem ngunit sa huli ay tabi-tabi kaming tatlo na natulog sa kwarto ko, napagigitnaan namin ang paslit

"Naubos na ang dugo mo" sita ko, hanggang ngayon kasi ay naka subo parin sa sanggol ang hintuturong daliri nya

I then remembered her sweet and fragrant blood. Yun yung gabing may muntik mangyari saamin na hindi kanais-nais

"Sshh his sleeping" sita nya, halatang inaantok na sya, hindi rin naman nag tagal ay nakatulog na ako, mukang nauna pa akong makatulog kaysa kanya

Tanghali na ng magising ako at nagulat pa ako ng makitang nakabalatay parin si Caslem at Celeste sa kamay, mahimbing ang tulog ng sanggol ganun rin si Celeste, natatakpan ng unan ang ulo nya, paniguradong hindi sanay matulog ng may liwanag

Inalis ko ang unan sa ulo nya at bigla ay kumabog sa kaba ang dibdib ko, para ang dinamba at hindi agad nakakilos sa aking nakita, nanlambot ang mga tuhod ko at hindi alam ang gagawin. Namumutla sya, parang naubusan sya ng dugo. Oo naubusan nga sya ng dugo, latang-lata, ang kamay nya ay nakasuksuk parin sa bibig ng sanggol

Celeste...

Agad kong inayos ang pagkakahiga nya at lalo akong nanlata ng maramdaman kung gaano sya kalamig, para syang hindi na humihinga, sa maikling salita. Buhay ngunit walang buhay ang katawan

Agad kong kinarga ang sanggol at inihiga muna sa sofa'ng nasa gilid ng kama kwarto ko, hinarangan ko yun ng unan upang wag malaglag ang sanggol

Ipinuwesto ko ang braso ko at mismong pulsuhan sa bibig nya, hiniwa ko at pulsihan ko gamit ang matatalim kong kuko, pinanood kong umagos ang dugo ko ron at tumulo papasok sa bibig ni Celeste. Hindi nag tagal ay nag hilom agad ang sugat, marami ang nainom na dugo ni Celeste mula saakin, nag mulat sya, nanghihina at latang-lata

"Hey!" usal ko, hinawakan ang pisngi nya at paulit-ulit na hinaplos yun "you still need a blood" sabi kopa

Mahinang bumuntong hininga sya "Ang sarap ng dugo mo" usal nya, seryoso ngunit mapanukso. Bumuntong hininga ako at hinalikan sya sa noo

Ipinuwesto kong muli ang braso ko at tinignan sya ng nag-uutos, nanginginig ang kamay na kinuha nya ang braso ko at inilapit sa bibig nya, marahan nyang kinagat yun at agad akong napangiwi ng maramdaman ang pangil nya sa balat ko

Matalim!

Ramdam ko kung paano nyang sinipsip ng husto ang dugo ko at kung paano syang nag pipigil na sipsipin pa ito. Kahit papaano ay sumigla ito ngunit hindi nabago nun ang pamumutla nya, naubaon nya ang sarili sa unan dahil sa ngalay, nakamaang sya dahilan para makita ang napaka talim nyang pangil, may mga dugo pa sa gilid ng labi nya, ang mga mata nya ay napaka pula

Malalim ang paghinga nya, makikita mo sa isang titigan kung paanong umaangat ang dibdib nya sa bawat paghinga nya at kung paanong gunalaw ang kanyang collar bone sa bawat pag angat nya

Naoabuntong hininga ako at tumayo, minsan ko pa syang sinulyapan bago tuluyang lumabas ng kwarto ko at pumunta sa stock ng mga dugo, I took three bags of blood

Agad kong pinainom yun kay Celeste ng makarating muli sa kwarto ko, dalawa't kalahati lang ang naubos nya at tumayo na syang bigla, tila sumigla na kahit halata sa katawan ang panghihina

"Mamaya kana bum—"

"Hindi ako malala, o.a ka" asik nya, tinunton ang pwesto ni Caslem, hinaplos nya ang pisngi nito at umalis nalang basta sa kwarto ko, natatakot man ako na baka bigla nalang syang sumalampak sa labas dahil sa panghihina

Vampire (VP1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon