Kabanata 24

111 4 0
                                    

Gaiz sorry agad sa grammar huhu

CELESTE'S POV

"Kotokyōto no bunka isan wa doko ni arimasu ka?" tanong ko sa isang japanese ng makarating na ako ng japan, nag babasa ito ng dyaryo sa waiting shed

*Translate: Where is the historic kyoto here?*

Sinabi nya sakin kung saan yun ngunit isa lang ang naintindihan ko!

Bayan!

"arigatōgozaimas" nag bow pa'ko bago lumakad papunta sa destinasyong sionabi nya

*Translate: Thank you*

Nang makarating roon ay sumakay na ako ng kung anong sasakyang pwedeng sakyan patungo sa lugar na sinabi ng kikitain ko

Habang nasa byahe ay biglang tumawag si Gael, hindi ko sinagot ang tawag sa halip ay silent mode ang ginawa ko sa phone ko

Nang makarating sa lugar nayun ay hindi ko maiwasang hindi humanga, kahit puro berde ang kulay ay napaka ganda

"Kon'nichiwa" bati ng isang japanese, nilingon ko iyon balak konang batiin ngunit masamang tingin ang binigay ko, narito't kaharap kona ang kikitain ko

*Translate: Hello/Hi*

"Tara kumain muna tayo sa isang fastfood" aya nya at inakbayan ako agad, may iba na sakanya ngayon

Nang makarating ay naguluhan pa ako sa karatulang nakasulat

(焼き鳥)

Hindi ko maunawaan ang salitang nakalagay, mabuti pa sa Korea, nakakapag basa ako ng letra ron

Humagikgik ang loko kong kasama kaya napalingon ako sakanya

"H'wag mo nalang intindihin nagugutom na ako" bigla syang nag seryoso, tanging tango lang ang isinagot ko

Grabe! Paanong nabuhay pa 'tong matandang ito

"Mang Jullian.." tawag ko, nilingon nya ako ng may pag babanta, parang sinasabing wag ko syang tawagin sa pangalan nya

Shit!

Matagal na panahon din syang nawala at ngayon lang nag pakita, hindi ko maunawaan, paanong nakaligtas sya sa kabila ng nangyari sakanya, may naiisip akong dahilan ngunit mahirap panuwalaan

"Marami akong gustong itanong.." buntong hininga ko

"Mamaya na tayo mag usap tungkol dyan" nakangiwing tugon nya, inilibot ang paningin saka ako inakay sa isang pang dalawahang upuan

Katahimikan ang namayani sa pagitan namin, alam kong umiiwas sya sa mga katanungan nais kong masagot, para bang may pinakikiramdaman sya. Ako ay ramdam na ramdasm ko ang malakas na enerhiya at pamikyar na amoy ng basmpira, narito lang sya sa paligid

Fuck! Not here

"Umayos kanga" sita ni mang Jullian "para kang timang, padimpkeng amoy ka" inirapan nya pa ako, bumuntong hininga ako

Alam kong may itinatago ang matandang ito, balisa at hindi sya mapakali, para syang may tinatakasan na narito sa paligid

Dumating ang in-order nya, hindi ko ginalaw ang pagkaing nasa harap ko, sya naman ay yung pork lang ang kinain, ang gulay ay isinantabi bagay na nakaka gulat dahil hindi nya gawain yun sa halip .ay may gugustuhin nya ang gulay kaysa pork

Hindi ko magawang kumain, sa t'wing malalanghap ko ay nasusuka ako, kung katulad parin ako noon, kung tao pa rin ako malamang ay nilantakan kona ito ngunit ngayon, parang kahit butil ng pagkaing nasa harap ko ay hindi ko makakain

"Huy binabangaw na yung pagkain mo" hindi ko namalayang napuna na nya pala ang hindi ko pag galaw sa pagkain ko

Nakangiwing umiling ako "Ayoko" pag-amin ko, mas gusto kong uminom ng dugo sa mga oras nato dahil nauuhaw na ako

Nag kibit balikat lang sya at nag patuloy sa pagkain, kinuha nya pati pork na para saakin, natusok ko gamit ang dila ko ang loob ng pisngi ko

I'm thirsty...

Akala ko titino na sa upuan si mang Jullian ngunit mas lumala, yung parang may papalapit na papalapit na delubyong kinatatakutan nya hanggang sa bigla syang tumayo dahilan para mapatingin ang ibang tao saamin

Bigla nya akong hibalot at hinila palabas, nag dire-diretso kami hanggang sa marating namin ang sasakyan nya, agad kaming sumakay dun at pinaharurot nya naman agad

Sabi na 'e

"Sabihin mo sakin" seryosong sabi ko, nilingon nya ako ngunit agad din ibinalik sa daan

"Mamaya na tayo mag-usap" ang tanging sagot nya bago nya mas bilisan ang sasakyan "mag seatbelt ka" utos nya, hindi ko sya pinansin

Kaya kong warakin ang sasakyan nato kung gusto nya, naiinis na ako sa ginagawa nya, idinadamay nya ako sa kagaguhang nagawa nya siguro

Nakarating kami sa isang malaking building, may pitong pwesto para sa pag park ng kotse at pinark nya ang sinasakyan namin sa pangalawa, bumaba narin sya kaya ganun ang ginawa ko

Akala ko papasok kami sa gate nung building ngunit pumunta sya sa likod nun at dun ko napag tanto na may elevator ron, sumakay kami ron at 14 floor ang pinindot nya, 15th flopr ang meron ang building na ito ngunit 14 floor ang pinindot nya

Pag labas ng elevator ay tatlong bastang ang bumungad saakin, gray amg kulay at halos manalamin kana ron, sa taas ng tatlong baitang na iyon ay may tatlong babae na naka kinomo

"Konbanwa" sabay sabay na bati ng mga Hapon na nasa harap namin, nag bow lang kami ni mang Jullian

*Translate: Good evening*

Gabi na pala.. Tulad ni mang Jullian ay hinubad ko ang sapatos na suot ko at sinabayan sya sa pag lalakad

Pumasok kami sa isang puting pintuan na may guhit-guhit na itim, dihila ang pinto na iyon in short. Sliding door. Pag pasok sa loob ay higaan sa sahig ang una kong nakita at sa gilid nun ay may dalawang lazy floor chair na dark blue yun kaharap ang t.v, may kalakihan ang kwarto, ngunit kahit japanese style ang kwart nakita ko sa dulo na may sofa

Pumasok nalang akong basta at sumalampak roon, hindi sa pagod ako pero parang ganun nanga, kanina pa ako walang pahinga

May isang Hapon na lalaki ang biglang pumasok may dala itong tasa ng tsaa. Inabot nya yun kay mang Jullian, agad namang tinanggap ni mang Jullian yun

Lumipas ang mga minuto at katahimikan ang namamayani saamin, lihim kong tinitiis ang uhaw ko habang si mang Jullian ay nakapismi sa harap ko at parang hinihintay akong mag salita

"Paano kang nabuhay?.. Sa kabila nung nangyare?" yun agad ang itinanong ko,  hindi ako gumagalaw sa pwesto, nakapikit man ay ramdam ko ang paninitig nya

"Mahabang kwento" buntong hininga nya

"Wala akong pake" seryosong sagot ko at nag mulat na ako ng mga mata "bakit hindi kana bumalik sa Legeno?" muling tanong ko

"Celeste.." sambit nya, hindi magawang sumagot

"Bakit hindi ka man lang nag pakita sakanila?" muling tanong ko, hindi alintana ang nababalisang si mang Jullian "..bakit ngayon ka lang nag pakita saakin?" muling tanong ko "mang Jullian marami akong bakit kaya ako nag punta rito.." mariing dugtong ko

"Milagro ngunit kasumpa-sumpang pangyayari na nabuhay pa'kong muli" patungkol nya sa nauna kong tanong

"Ikwento mo" yun lang ang sinabi ko bago muling isinandal ang likod ko at pumikit

"Namatay ako dun sa event ng presedential ngunit nagising ako rito.. Dito mismo sa kwartong ito.. P-puro dugo.." naramdaman kong naupo sya sa tabi ko "...uhaw na uhaw ako, gusto kong uminom ng isang galon na tubig ng mga oras na yun" bumuntong hininga sya, nahihirapan sa idudugtong "..pero ng uminom ako ng tubig... Parang pinapaso ang lalamunan ko"

Damn it!

Pakiramdam ko alam kona ang sagot...




*A/N: Please read, vote and comment. Kung gusto mo lang naman😁

Vampire (VP1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon