Kabanata 3

344 17 0
                                    

CELESTE'S POV

Kinaumagahan ay nagising akong may nakatimplang umuusok na kape at may limang tinapay na nakahanda sa lamesa, kasabay nun ang pag litaw sa kung saan ni Pikoy

"Kain napo kayo.. Sorry po ah kumuha ako ng pera sainyo.. Nakakalat po kasi eh kaya naisip kong bumili ng makakain nyo" kumamot pa ito sa huli, hindi matumbasan ang pag hanga ko sa batang ito

"Kumain kana ba?" Humihikab na tanong ko, sinimulan kong mag hilamos at mag mumog, dumiretso akong muli sa kwarto ko at inayos ang aking susuotin para sa pag punta sa Legeno

"Katatapos ko lang po, pwede pubang mag laro sa labas?" Dinakma nya ang isang tinapay at isahang nginuya iyon, nangunot ang noo ko ng inumin nya pa ang kapeng itinimpla nya para saakin "heheh nauhaw po.. Sige bye!" Tumatakbong kumaway ito papalabas

"Mag-iingat ka" pa-alala ko, napapabuntong hiningang dumiretso ako sa lamesa at kumain, napag-isipan kong turuan si Pikoy sa mga nalalaman ko para lang maipag-tanggol nya ang kanyang sarili sakaling wala ako sa kanyang tabi ngunit naisip ko na baka dahil din sa balak ko ay dun pa sya mapahamak, sa huli ay napag-pasyahan kong turuan sya kung pano ipag-tanggol ang kanyang sarili, kung paano lang naman makipag suntukan o makipag basag ulo

"Anong balak mo kay Pikoy?" Napatingin ako kay Agustin, nasa tapat kami ng Legeno lugar kung saan nag eensayo ang ibang myembro ng Legeno

"Tuturuan kong makipag basag ulo—"

"Tarantado!—"

"Aba gago ka ah? Biro lang naman!" Pasinghal ko syang tinignan bago kami nag tuloy sa pag e-ensayo, gamit lang ang mahabang patpat

"Ano ngang plano mo?" Hingal ang boses nya

"Hindi kopa alam" sinangga ko ng malakas ang tangkang pag palo nya sa braso ko tuloy ay natumba ito, naupo nalang ako sa sahig habang hingal din "pinag isipan ko kung tuturuan ko syang lumaban at ipag-tanggol ang kanyang sarili kaso naisip ko rin na baka yun pa ang maging dahilan para mapahamak sya, inampon kona yung bata kaya ubligadyon ko sya" mahabang dugtong ko

"Bat mo kasi inampon?" Ngiwi nya. Bumuntong hininga ako bago tumayo, naramdaman ko ang pag sunod nya kaya inatake ko sya mula sa likod at agad nya yun natugunan

"Mahalaga sa laban ang lakas ng iyong pakiramdam" nakangising ani ko, tinabig nya ang kamao kong konti nalang ay didikit na sa muka nya "kase wala na syang magulang, wala nang mag-aalaga at po-protekta sakanya, yun lang yun" pag sagot ko sa tanong nya

"Tsk!" Iling nya, kinuha ko ang towel na nakasabit sa kawayan at nag punas ng pawis sakto ang pag-dating ni mang Jullian

"May mga bata nang nawawala" buntong hininga nya, iling lang ang naisagot ko at tinapos ang pag tungga sa tubig

"Matagal ng may nawawalang mga bata ngayon nyo lang nabalitaan?" Prangka kong sinabi, sinamaan nya ako ng tingin at nilabanan ko iyon "imbis na sinasabi mo saamin yan bakit hindi ka mag pasya ng gagawin tutal ikaw naman ang pinuno rito diba?" Walang galang ang aking tono, wala na akong pake, matapos kong malaman na alam pala nya na may susugod sa tribo ng aking ina at wala syang ginawa ay aasta syang ganyan, pakyu!

"Kayo ang aatas—"

"Kayo nalang gumawa tutal ang gusto nyo ay kayo ang laging bida" pabalang na putol ko sakanya bago sya nilagpasan ngunit hindi na ako nag taka ng ibato nya saakin ang mahawakan nyang bagay ngunit agad akong umilag "kung mag tatraydor ka ay siguraduhin mong mag tatagumpay ka hindi yung tatanga-tanga ka" mariin kong sabi bago pabatong ibinalik sakanya ang bote at bulsay sa ulo "ibigay nyo kay Agustin ang mga impormasyon pwede naming gamitin at gagawin namin ang inutos mo, pinuno" madiin, nang-aasar na pag tatapos ko ng usapan

Mabilis na lumipas ang oras, gamit ni Agustin ang sasakyan ng Legeno, para lang iyong jeep ngunit maganda Jeep wrangler ang tawag dun gamit ko naman ang sariling motor ko, rumoronda sya gamit ang jeep at ako naman ay nag papaikot-ikot sa parke, nag eenjoy habang wala pang balita, ang akala ko ay may makakaenkwentro ako.. Kaming bampira ngunit hindi iyon ang nangyari, natapos ang gabing yun na wala kaming napala, nag pasya akong umuwi nalang at si Agustin ang mag balita kay mang Jullian ng nangyari

Lumipas ang oras, araw, linggo at buwan ng lagi kong kasama si Agustin hindi na bago yun at pag-uwi ay si Pikoy, naging malapit kami sa isa't-isa tuloy ay minahal kona ang batang si Pikoy, itinuring ko itong parang tunay na kapatid, ilang beses nalagay sa peligro ang buhay naming pareho ngunit ang peligro mismo ang sumusuko saakin, marunong nang lumaban si Pikoy, isa sa simpleng kaalaman ko ang itinuro ko sakanya, palihim kong itinuturo sakanya ang lakas ng pakiramdam at kung paano lumaban sa mga bampira dahil alam ko at sigurado akong balang araw ay isa sya sa susunod na lalaban laban sa mga bampira, nakikita ko yun sa dedikasyon at abilidad nya

Vampire (VP1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon