CELESTE'S POV
Nag papatayan na't lahat ay ayun ako at tila nanonood ng telibisyon, nakikita ang lahat nang nangyayari, ang bawat swabeng galaw ng mga bampira, ang bawat bilis at liksi ng mga ito, napaisip ako kung paano ay maging ganun din ang iba ngunit gagamitin sa tama ang taglay na kapangyarihan
Marami na ang nalagas sa mga bampira, napapagod narin marahil ang kasamahan ko at ayun parin ako't walang pake at nanonood, pakiramdam ko ay kaya naman na nilang ubusin ang mga yun ng wala ako, sa hindi inaasahan ay mula sa likod ay may mag tatangka sa buhay ni Agustin, agad akong tumalon upang bumaba ngunit hindi ko namalayan na nasa harap kona ang bampirang iyon at hawak kona sa leeg, nakabali ang ulo nito, gulat
"Sino ka?" Halata ang gulat sa tinig nya ngunit sa halip na sagutin ay pwersahan kong tinabig ang ulo nya kaya ito naging abo, napatingin ako kay Agustin na nginisian lang ako, sumabay narin ako sa mga nakiki pag laban, ang halos kalahati ay naubos kona kaya muli nalang akong nanood, ngunit hindi ko inaasahan ang pag dating ng hindi kilalang lalaki, tumulong ito, saakin...
Gulat na nag angat ako ng tingin at dun ko napag tantong may bampira pa lang mag tatangka sa bubay ko. King ina hindi ko naramdaman yun!
"Talasan mo ang iyong pakiramdam binibini" kaswal lamang ang ngiting iyon ngunit nainsulto ako, matangkad ito, mas mataas saakin ng isang dangkal at bumabakat sa itim na long sleeve nya ang kanyang muscle at laki ng katawan, halata na nag ji-gym.. Yun ay kung nag gji-gym nga, moreno ito, pinag halong puti at kayumanggi ang kulay nya pwedeng matawag na maputi, pwedeng matawag na kayumanggi, ang labi nya ay mapula, binasa nya pa iyon at dun ay nasiguro kong malambot ang labi nya dahil sa ginawa nya, ang ilong nyang matangos, mga mata nyang mahahaba ang pilik mata at purong itim na mata, ang makapal nyang kilay ay lalo syang pina-gwapo, ang buhok nyang nakaangkla papunta sa gilid ang syang dahilan para mabuo ang salitang gwapo ka..
"Salamat" tipid ang ngiting iginanti ko sakanya, tinapik kopa ng dalawang beses ang balikat nya bago sya tinalikuran
"Hindi ka man lang ba mag papakilala?" Bigla ay tanong nya, ang mga kasama ko ay patuloy sa pakikipag laban tuloy ay nainis ako dahil imbis na nag sasaya akong makipag bakbakan ay eto't nakikipag-usap sa walang kwentang bagay tss!
"Hindi ko alam na may karapatan kang malaman" malapad na nginitian ko sya bago naging seryoso ang muka, nakita ko itong natigilan bago pilit na tumawa
"Hindi ko naman sinabing karapatan kong malaman.. Gusto ko lang mag tanong—"
"E kung ganun, hindi ko alam na may karapatan kang itanong ang aking ngalan kaibigan" madiin, seryoso, nababagot na putol ko sakanya "hindi sa isang tulad mo pwedeng masayang ang mas importante pa sa buhay mong oras ko.. Paumanhin kaibigan" tinanguan ko pa ito bago sinalubong ng sapak ang papalapit saaming bampira
Fuck! Bad mood
Inis na binalibag ko ang bampira at sinalubong ang dalawa pa, natapos ang labanan nayun na mga pagod sila, ako naman ay nababagot dahil nakulangan pa ako
"Wala naba? Bitin pa!" Natatawang sigaw ko bago pinaharurot ang motor, nag paalam ako sakanilang uuwi na dahil tuturuan kopa si Pikoy
"Ate.." Tawag sa'kin ni Pikoy, hinarap ko sya
"Mm?" Nag iwas ako ng tingin sakanya para harapin ang sarili sa salamin
"Diba po delikado ang ginagawa nyo?" Mag pag-aalala sa tinig nya, pabuntong hinjngang hinarap ko sya, lumuhod ako gamit ang isang paa para mag pantay kami
"Delikado pero kaya ko.." Sinabi ko iyon ng nakatingin sa mga mata nya "ito na ang buhay ko.. Ang pumatay ng mga bampira" pabuntong hiningang tumayo ako at tinalikuran sya, kumuha ako ng tubig sa kusina, nakaramdam ako ng lungkot ng maalala ang sinabi ng aking ina ng bata pa ako
>>Flash back<<
"Ina?.. Bakit po kayo po nag papatay po ng tao?" Tanong ko, bumuntong hininga ang nanay ko, ngumuso naman ako dahil sa kawalan nya ng pasensya sa paulit-ulit kong tanong
"Hindi sila tao Celeste.. Mga bampira sila" nag papaintindi ang tinig ng aking ina
"Ngunit ina mukang mabai—"
"Hindi mo matatawag na mabait ang tao kung kaya nyang pumatay ng kapwa tao, hindi mo matatawad na mabait ang bampira kung kaya nyang pumatay ng kapwa natin 'tao" nag papaintindi ang tono nya, yumuko ako sa mga palad ko at naluluhang nag-angat ng tingin sakanya, matigas ang puso ng nanay ko, kahit makita ang pag luha ko ay balewala dahil ang sabi nya.. Kung isang butil lang naman ng buhangin ang dahilan ng pag-iyak ko ay wag akong iiyak sa harap ng maraming tao
"Nanay.. Wala puba akong tatay?" Bigla ay pumatak nalang ang luha ko, matagal ko nang nais itanong iyon sa aking ina ngunit palagi syang walang oras, natitigilan akong tinignan ng nanay ko, bumuntong hininga ito bago ginulo ang buhok ko
"Gabi na matulog kana" pormal na ngumiti ang aking ina, ilang araw akong nag damdam sakanya dahil sa pag-iwas nya sa aking katanungan
<<End of flash back>>
Delikado...
Umalingawngaw sa pandinig ko ang sinabi ni Pikoy, delikado ang misyon ko.. Ang buhay ko ngunit bakit tila walang magulang na gumagabay saakin? Namatay ang aking ina ng hindi ko nakikilala ang aking ama, namatay sya ng hindi kona sinubukan pang hanapin ang aking ama sapagkat kung talagang nakatakda kaming mag kita ay hihinatyin ko iyon.. Kung buhay pa ako sa araw na 'yon
GAEL'S POV
"Kamusta ang unang pag kikita ninyo ng prinsesa?" Malapad ang ngiti ni ama
"Tss! Mayabang sya ama" inis na sagot ko, natawa ang karamihan
"Namana nya sakanyang ina, balita ko'y magaling makipag laban ang aking anak?" Prente ang upo nya ngunit pakiramdam ko ay ako ang hindi komportable sa paraan ng pagkaka-upo nya
"Kakaibang mandirigma ama, babae ngunit katumbas iyon ng gaya nyo ng mga limang tao.. Malakas, maliksi, mabilis, swabe ang kilos, pino ang bawat atake, balagbag kung makipag usap" pabalang na sambit ko sa huling apat na salita, natawang muli ang ama
Lahat ng katabgian ng babaeng hanap ko ay na saiyo..
BINABASA MO ANG
Vampire (VP1)
VampireA prophecy will be known about the world of humans and the world of vampires Warning! This story is from 2020 so expect what to expect and thus isn't edited and I am not planning to edit, I want it to be what it is when I wrote this on 2020