Kabanata 39

99 7 0
                                    

CELESTE'S POV

Few more days past! I didn't know that Legeno is in peace now I mean.. Wala tahimik sila, kahit nung pinuntahan ko yung lugar nila, walang tao, ang tahimik, walang gamit, tanging mga picture frame lang ang nandon, syempre yung mga gamit, yung armas or etc, wala

"What now?" bagaman irita ay matamlay na tanong ni Rica, magkasama kami habang sila Rico at Gael ay mag kasama, kaming dalawa ni Rica nasa kwarto ko while Gael and Rico ay nasa kwarto ni Gael "fuck that party!" asik nya

Kahit naman ako naiinis eh, bwisit! Ganito nanga yung sitwasyon tapos party pa? Hindi naman namin mapigilan yung ama ko, kahit naman prinsesa ako ginagalang ko parin ang disisyon nya

Tonight may party.. I mean.. Party talaga, pero may consequence.. I mean.. kailangan naka palda ka lang.. As in yung pang baba mo is palda tapos ikaw na bahala sa pang itaas, kailangan yung palda mo is ang pinaka mahaba ay sa ibabaw lang ng tuhod

Eto namang si Rica.. Wala daw syang ganung palda lahat ay sa gitnang hita ang haba, namomroblema kahit sanay mag suot, ako naman is red and black skirt lang ang meron, kung bibili ako gastos lang.. Ano ba yan!

"You first" ngisi ko, may naisip na akong paraan, tutal naman lahat ng paldang tinutukoy nyang meron sya ay nasuot na nya, ipapahiram ko ang red skirt ko

Naligo na sya at sumunod naman ako, matapos kong maligo ay naka robang inayusan ko ang muka nya, saka ko pinasuot sakanya ang red skirt ko

"O my God! This is so beautiful!" namimilog ang bibig na puri nya, sinuot nya agad at umikot-ikot pa na akala mo teenager

Nang matapos sya ay nag suot lang sya ng pang itaas na two-tie fitted na red din na crop top, after nya ay ako naman ang nag ayos, akala ko aayusan nya ako pero ang gaga rumampa ng rumampa sa malaking ispasyo ng kwarto ko, ng maayos ko ang muka ko ay yung buhok ko naman, basta ko nalang inilugay at pinatuyo yun, nag pang itaas ako na black long sleeve croptop, fitted sakin, ang buong dibdib ko lang ang natatakpan, off shoulder pa sya, pareho kaming naka takong ni Rica ang pinag kaiba, red velvet heels ang kanya, na may ikot sa parang pulso ng paa, ang saakin naman ay simpleng black heels, walang keme-keme, medyo makapal ang pinaka takong

I wear a black earing, may design na flower at may palawit na pababa, syempre hindi mag papatalo si Rica, mas mahaba ang hikaw nya, may necklave pa sya, maliit na kwintas lang ang isinuot ko, hanggang ibabalang ng buto ko sa leeg ang haba nun

Nang matapos ay sabay kaming lumabas ni Rica, pero hindi nakuntento ang gaga, halos ibuhos na nya ang pabango sa katawan nya, I always like a black.. Kaya ngayon para akong pupunta sa patay kahit ang ganda ng ayos ko

Hindi namin inaasahang makakasabay namin pababa ang prinsipe at ang kakambal ni Rica, they wearing a tuxedo, Rico is wearing a dark red tuxedo and Gael wearing black tuxedo. Unexpected!

Agad iniangkla ni Rica ang braso nya sa braso ni Rico'ng naka-angkla, napailing nalang ako at nauna ng bumaba, nakaka isang hakbang palang ako ng may kumalabit saakin, ng tignan ko kung sino yun ay ang nakangusong si Gael ang nakita ko. Grabe! Ang gwapo nya! Halatang naka wax ang buhok nya, natural ang pagka pula ng kanyang labi

"What?" asik ko, napairap sya at inis na kinuha ang kamay ko at iniangkla yun sa braso nya "inggitero" bulong ko

"Pero mahal ka" sabi pa nya, umiling nalang ako bago mag lakad, magkapantay lang kami nila Rica, nakangiti sya ng malandi habang si Rico ay ngising-ngisi kay Gael na nakakunot ang noo at nakanguso, ang panget nya tuloy

May dico light at hinaluan ng paiba-ibang kulay na ilaw, para kang nasa bar o kaya club, bagaman medyo maingay ay nag kakasiyahan, may mga umiinom na, alas otso palang naman pero its up to them naman, may mga nag tatawanan, kwentuhan, landian, harutan, at kung ano-ano pa

Vampire (VP1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon