IKAS'YAM NA KABANATA
CHICHAY's P.O.V
Umagang-umaga pa lamang at hindi ko pa naeenjoy ang paglaya ko simula kahapon ay sinundo na agad ako ni Akihiro sa bahay namin. Sisimulan na daw namin ang paggawa ng plano para sa pagbabalikan nila ng ex-girlfriend n'ya.
Nakakainis kill joy na nga- atat pa!
Kasalukuyan kaming nakaupo sa sofa ng condo unit niya at nag bebrain storming. Pero ang hindi ko maintindihan, siya lang ang nag-iisip- puro ideya n'ya lang ang lahat. Habang ako ay busy sa paglantak ng mga chichirya na hinain n'ya kanina.
"Hoy!" Tawag niya sa akin. "Nakakahalata na ako."
May pagtataka ko siyang tiningnan.
"Ano na naman 'yon?" Tanong ko.
"Kanina mo pa kasi nilalantakan 'yang chichirya. Tulungan mo kaya muna akong mag-isip dito." Nagpatuloy lang ako sa pagkain.
Bahala ka d'yan. Ang sarap kayang kumain.
"Hindi ka ba talaga titigil? Sisingilin na kita sa mga kinain mo." Pagbabanta n'ya.
Ang damot talaga ng Akihito na 'to. Walang puso!
"Bakit- magkano ba 'to para ipagdamot mo?" Turo ko sa chichirya na Lays, Doritos at Pringles ang pangalan.
Infairness ang sarap... Nangyon lang ako nakatikin ng ganitong lasa ng chichirya.
"One hundread nine 'yang Lays. One hundread twenty 'yang Pringles at one hundread seventeen naman 'yang Doritos."
Halos manlaki ang mga mata ko sa mga binanggit n'yang presyo. Ang mamahal pala ng mga 'to.
Akala ko chichirya 'to eh bakit ginto ang presyo?
"Ang mahal naman! Gan'on ba talaga kamahal ang mga 'to?" Reklamo ko. "Eh anim na kilong bigas na ang katumbas nito ah!"
"Bakit magkano ba ang chichirya sa inyo?"
"Piso isa. Pero meron ding syete, sampu, dose- depende sa laki at dami ng laman."
"Gan'on ba? Imported kasi ang mga 'yan. Alam mo na, hindi kasi ako kumakain ng mumurahin." Ngumisi siya ng nakakaloko.
"Gago ka ha! 'Pag natikman mo 'yon baka hanap-hanapin mo."
Bigla na lang s'yang tumayo sa kinauupuan n'ya at lumapit siya sa akin. Sobrang lapit ng mga mukha namin. Ramdam ko na ang paghinga n'ya. Ang ganda ng mga mata n'ya. Parang nangungusap. Ang tangos ng ilong n'ya. Ang bango niya at ang bango pa ng hininga niya. Pakiramdam ko nag-iinit ang mukha at tainga ko. Namumula na 'yata ako.
"Eh ikaw pwede ba kitang tikman?" Sabi niya. Ang husky ng boses niya. Ang sexy pakinggang. Nakakapang-akit.
Napalunok ako nang dahan-dahan pa niyang nilalapit ang labi niya sa labi ko.
"A-anong gagawin mo sa akin?" Nauutal na tanong ko.
My ghad! Kinakabahan na ako.
"Titikman ko lang kung masarap ka- tulad ng chichirya."
Hala! Sisigaw na ba ako ng rape?
Binaling ko ang mukha ko sa ibang dereksyon dahil hindi ko na kayang makita s'ya. Baka mamaya bumigay ako at tuluyan niya akong matikman. Hindi pwedeng siya ang makakabutas sa donut ko 'no!
BINABASA MO ANG
Ang Tsismosang Si Chichay - MayWard Fan Fiction (Complete Story)
HumorAng Tsismosang Si Chichay by: dolly_eyes23 All Rights Reserved 2014 (c) book cover credits by : owner of the picture Hindi totoo ang tsismis. Hindi totoo na girlfriend mo ako. Hindi totoo na boyfriend kita. Hindi totoo na merong 'tayo'. Hindi r...