IKA-LABING-APAT NA KABANATA
CHICHAY's P.O.V
May pag-aalala akong pumunta sa Code Bar kung saan naroon si Akihiro. Hindi ko malaman kung bakit s'ya nag-pakalango sa alak. At mas lalong hindi ko inaakala na sa dami ng kakilala n'ya ay ako pa ang tinawagan n'ya para damayan s'ya.
Pagkarating ko sa Code Bar ay nakita ko si Akihiro na tulog na tulog sa parking lot kung saan nakaparada ang kotse n'ya. Kawawang nilalang, ano kayang nagyari sa kanya? 'Di kaya napagtripan s'ya? Mukhang hindi naman dahil wala namang bakas ng bugbog o sugat. Hindi kaya ninakawan s'ya? Kinapa ko ang bulsa ng pantalon n'ya at naroon pa rin ang wallet at cellphone n'ya. Nilapitan ko s'ya upang gisingin.
"Pst! Akihiro, gising! Ano ba? H'wag kang matulog dito sa parking lot." Inuuga ko pa ang katawan n'ya.
"Hmm." Sabi n'ya.
"Nasaan ba ang mga kasama mo?" Hindi pa rin s'ya makausap ng matino. Paano kaya ang gagawin ko rito?
Napatingin ako sa loob ng Code Bar kung nakita ko ang isang bouncer. Agad akong nakaisip ng ideya kung paano ko maiuuwi si Akihiro sa condo n'ya. Lumapit ako sa boucer at humingi ako ng tulong. Sinabi ko sa kanya ay kung pwede n'ya kaming ipagmaneho papunta sa Condo de Zolare. N'ong una, hindi pa pumayag ang bouncer, kaya naman mismong sa manager ng bar na ako lumapit para humingi ng tulong. Kaya sa huli inutusan ng manager ang boucer na ihatid kami sa Condo de Zolare.
Pagkarating namin sa Condo de Zolare ay nag-paalam ang bouncer. Nagpasalamat rin ako sa tulong n'ya. Nahiya nga ako dahil wala man lang akong naibigay na tip o pa-token man lang sa ginawa n'yang pagtulong sa amin.
Binuksan ko ang mga bintana ng kotse n'ya at gan'on din ang aircon. Sobrang pawisan na kasi si Akihiro dahil sa nakainom ito ng alak kaya mainit ang katawan n'ya. At para kung sakaling dito kami abutin ng umaga at dito na makatulog ay makakahinga kami ng maayos. Nabalitaan ko kasi sa tv na bawal matulog sa loob ng sasakyan lalo na kung sarado ang mga bintana nito dahil walang pumapasok na oxygen sa loob.
"Hoy, Akihito! Este, Akihiro pala. Bumaba ka na d'yan. Nandito na tayo sa Condo de Zolare." Inuga-uga ko s'yang muli.
"Hmm!" 'Yan na naman 'yang hmm na 'yan. Nauubos na ang pasensya ko.
"Ano ba?! Uubusin mo ba talaga ang pasensya ko?" Hindi ko pa rin s'ya tinitigilan sa pag-uga.
"Hmm, Scarlet." Tila nananaginip yata si Akihiro.
At sa puntong 'yon, parang may kumurot sa puso ko. Hindi ko alam ang nararamdaman ko, ito ba ay awa para sa kanya o nasasaktan ako kapag naririnig kong tinatawag n'ya ang taong mahal n'ya? Pero, bakit naman ako masasaktan? Wala namang dahilan para masaktan ako, diba? Oo, siguro nga awa lang ang nararamdaman ko para sa kanya.
Tinigil ko ang pag-yugyog sa katawan ni Akihiro at pinagmasdan ko ang mukha nito. Mukha namang okay s'ya maging isang boyfriend. Sadyang napaka-malas n'ya lang dahil hindi s'ya nakatagpo ng matinong babae na mamahalin s'ya katulad ng pagmamahal n'ya rito.
"Makakalimutan mo rin s'ya." Sabi ko habang nakatingin sa pobreng si Akihiro.
"Hmmm. Chichay, gusto na yata kita." Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa pagtawag sa akin ni Akihiro.
Ang saya-saya ko. Parang lumulukso ang puso ko nang sambitin n'ya ang pangalan ko. Hindi ko alam kung bakit ganito na ako simula ng nakilala ko si Akihiro. Hindi ko pa 'to nararamdaman sa buong buhay ko. Pakiramdam ko nagkaroon ng ibang kulay ung buhay ko ngayon, kumpara noon. Teka, hindi kaya naririnig n'ya ako at nagkukunwari lang s'yang tulog? Naku! Sasapakin talaga kitang hito ka kapag nalaman kong ginogoyo mo lang ako ngayon.
BINABASA MO ANG
Ang Tsismosang Si Chichay - MayWard Fan Fiction (Complete Story)
HumorAng Tsismosang Si Chichay by: dolly_eyes23 All Rights Reserved 2014 (c) book cover credits by : owner of the picture Hindi totoo ang tsismis. Hindi totoo na girlfriend mo ako. Hindi totoo na boyfriend kita. Hindi totoo na merong 'tayo'. Hindi r...