ATSC 38

177 5 0
                                    

IKA TATLUMPU'T WALONG KABANATA

AKIHIRO'S POV

Dalawang araw na magmula noong makituloy ako kila Caloy. Mabuti na lamang at magagaling ang mga binayaran kong investigator at natunton ko kung nasaan si Chichay ngayon. Masaya ako dahil ang lapit lapit ko sa kanya. Pero nalulungkot rin ako kahit papaano dahil kahit ang lapit nya sakin ay pakiramdam ko napakalayo nya pa rin.

Nandito ako sa labas ng bahay at nagmumuni-muni at pinagmamasdan ang mga bituwin. Payapa ang bayan na ito, masyadong tahimik at puro kuliglig lang ang naririnig ko.

Laking gulat ko na lamang na biglang sumulpot si Caloy. Mga tatlong upuan ang layo nya mula sa kinauupuan ko.

“Anong ginagawa mo rito? Nauna ako rito.” Pinaalis ko sya yon talaga ang gusto kong iparating sa kanya.

“Wow ha! Bahay kaya ng Tiya ko ito.” May punto sya kay di na ako umimik.

“Mag usap nga tayo, yong lalaki sa lalaki.” Hirit ni Caloy.

“Sige. Anong gusto mong malaman?” Tanong ko.

“Teka, mas maganda siguro kung may kasamang lambanog.” Hirit ni Mang Gani mula sa likuran namin ni Caloy nakikinig pala sya sa usapan namin.

Pumunta kaming tatlo sa likod bahay at hinandaan kami ni Mang Gani ng lambanog at tinuloy ang usapan.

“Bakit ka pa bumalik?” Tanong ni Caloy sakin.

“Dahil mahal na mahal ko si Chichay. Siguro naman wala tayong may gusto na malayo sya sa taong mahal nya.” Ininom ni Caloy ang lambanog.

“Talaga? Kung mahal mo sya talaga, bakit mo sya pinagtabuyan noon?”

“Dahil wala akong choice. Nagkaroon ng sakit si Scarlet at muntik ng magpakamatay sa harap ko. Pinapili nya ako kung sino sa kanilang dalawa. Kapag pinili ko si Chichay, magpapakamatay sya. At hindi yong kakayanin ng konsensya ko.” Ininom ko ng straight ang tagay ng lambanog

“Sinungaling! Sabi mo sa kanya si Scarlet ang mahal mo. Tapos ngayon gagawa ka ng kwento.”

“Totoo ang sinasabi ko. Hindi mo alam kung gaano kahirap ang pinagdaraanan ko sa twing lilipas ang mga oras na wala si Chichay sa tabi ko. Sa sobrang sakit ginusto ko na nga rin noon na mamatay na lang. Kaso mas lalo akong mahihirapan kung mamamatay na lamang ako ng hindi ko sya nakasama.” Unti-unti ng tumutulo ang luha sa mga mata ko.

Sa twing maaalala ko yon hindi ko maiwasan ang umiyak. Hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako. Napakawalang kwenta kong tao. Hindi ko man lang nagawang ipaglaban si Chichay.

“Kung totoo talaga yan, bakit ka nandito ngayon? Huwag mong sabihin sakin na hinayaan mo na lang magpakamatay si Scarlet?”

“Hindi, nung nalaman ko na plinano nya lahat at wala pala syang sakit, Iniwan ko na sya. Ang galing nga eh, noong una akala ko talaga totoo. Hanggang sa nagtataka na ako. Kaya pinilit ko alamin ang totoo.” Nararamdaman ko na ang tama ng lambanong. Medyo nahihilo na ako.

“Ako naman, talaga bang kayo na ni Chichay?” Tanong ko kay Caloy na medyo may tama na rin.

“Oo, girlfriend ko na sya. Pero alam ko namang hanggang ngayon ay ikaw pa rin ang mahal nya.”

“Sigurado ka ba?”

“Oo. Kung paano sya tumingin sayo, iba sa kung paano nya ako tingnan. Isa pa noong dumating kami rito sa Laguna, nanaginip sya noon sa byahe at sinisigaw nya ang pangalan mo. Inggit na inggit ako sayo. Sana ako na lang ang mahal nya. Hindi ko naman sya sasaktan tulad ng ginawa mo eh.” Umiyak na rin sya.

Alam ko ang pakiramdam ni Caloy, naramdaman ko yan noong mahal na mahal ko pa noon si Scarlet. Kaso ganoon talaga yata pag nagmahal ka dapat handa ka rin sa sakit.

“Talaga ba? Hindi mo sya sasaktan?” Tanong ko.

“Oo, hindi ako tulad mo. Hindi mo deserve ang pagmamahal ni Chichay dahil duwag ka.”

Siguro nga tama si Caloy, hindi ko deserve yong pagmamahal ni Chichay. Pero noon yon.

“Noon yon. Hindi na ngayon. Ipaglalaban ko na sya.” Pakiramdam ko umiikot na ang buong paligid ko at hindi ko na alam ang sumunod na nangyari.

**

Nagising na lamang na tila ba may pumukpok ng malakas sa ulo ko. Sobrang sakit, ito na yata ang pinakamalalang hang over na naranasan ko sa buong buhay ko.

“Hoy Caloy, gising! Umaga na.”

“Aray! Sakit ng ulo ko.” Angil ni Caloy.

“Talagang sasakit ang ulo nyong dalawa. Hindi kayo sanay sa lambanog at masyado kayong maraming ininom.” Hirit ni Mang Gani.

“Hindi na ko uulit.” Reklamo ko.

“Ako rin. Saka bukas na ang entrance exam namin baka mangamote pa ko.” Hirit ni Caloy.

Aalis na sana ako para ituloy ang tulog ko sa kwarto nang tawagin ako ni Caloy.

“Bakit ano yon? Akala ko ba ayaw mo na.” Nagtatakang tanong ko.

“Ipangako mo sakin na kahit anong mangyari ay hindi mo na sya iiwan at sasaktan.”

“Pangako. Kapag ginawa ko yon ulit, ako mismo ang maghahatid sa kanya pabalik sayo.”

Nakipagkamay ako kay Caloy tanda ng pakikipag ayos namin. Hindi ko alam kung anong narealize nya para magparaya. Pero sobrang saya ko dahil sa wakas, wala ng makakapigil samin ni Chichay.


CHICHAY’S POV

Dumating na ang araw ng entrance exam. Kinakabahan na ako sa kung ano man ang magiging resulta nito.

“Good luck sating tatlo ah. Kaya nating to.” Sabi ni Bruno.

“Oo naman.” Masayang sagot ko.

“Maiba ako Chichay, pwede bang pagkatapos ng exam magkita tayo sa Nihon Koen?” Si Caloy.

“Sige. Magwiwish ka ulit?”

“Hindi may importante lang akong sasabihin sayo.”

“Eh bakit hindi na lang ngayon?”

“Dahil baka hindi ka makapag concentrate sa exam.”

“Teka kasama ba ako dyan?” Hirit ni Bruno.

“Bruno naman! Syempre, hindi. Kami muna. Ibalato mo na to.” Sabi ni Caloy.

“Oo na, Tara na sa room at baka malate pa tayo sa exam.” Sagot ni Bruno.

Nagtungo na kami sa room assignment namin kung saan kami magtetake ng exam. Hiwalay kaming tatlo ng rooms dahil in alphabetical order.  Meron kaming 2 hours para sagutan ang exam. One hundred items lahat at halu-halong tanong. May english, math, filipino, logic at kung anu-ano pa. Mukhang kaya naman dahil multiple choice lang lahat.

After ng exam, nagtungo na ako sa Nihon Koen para makipagkita kay Caloy. May importante raw syang sasabihin sakin. Ano naman kaya yon? Bakit kaylangan kami lang dalawa.

“Kanina ka pa ba dyan?” Tanong ni Caloy.

“Ah hindi. Kakadating ko lang.” Sagot ko.

“Nahirapan ka ba sa exam?”

“Medyo. Ang dami kasi. Ano nga pala yong sasabihin mo sakin?” Nagtatakang tanong ko. Umupo kaming dalawa sa baytang ng hagdanan para makapag usap ng masinsinan.

“Chichay, alam mo naman siguro kung gaano kita kamahal diba?” Tanong nya.

“Oo naman, kaya nga napakaswerte ko sayo Caloy.” Sabi ko. Nginitian ko sya ng matamis.
“Yang ngiti mo, sobrang tamis. Para bang totoong mo rin ako.”

Bigla akong nakaramdam ng lungkot sa tono ng boses ni Caloy tila ba may gusto syang iparating sakin.

“Hindi kita maintindihan Caloy.”

“Chichay, alam ko namang umpisa pa lang ay si Akihiro lang ang laman ng puso mo. Kahit itago mo pa yan ng mga ngiti mo, ramdam ko at nakikita ko rin sa mga mata mo na mahal mo pa rin sya.” Unti-unting tumulo ang luha ni Caloy sa kanyang pisngi.

Ngayon ko lamang sya nakitang ganito. Hindi ko naman sya gustong pasakitan. Pero tama sya si Akihiro pa rin ang laman ng puso ko. Pero hindi ko na maibabalik pa ang nakaraan. Si Caloy na ang kasalukuyan ko.

“Caloy… Hindi ko sinasadyang saktan ka.”

“Alam ko. Iniisip ko na lang na siguro kaya mo ako hinayaang mahalin ka ay dahil sinubukan mo rin ang sarili mo kung kaya mong mahalin ang tulad ko.”

“Caloy, hindi ka naman mahirap mahalin. Kung tutuusin, gwapo ka naman, mabait at responsableng tao. Pero, hindi ko rin alam kung bakit hindi ko maturuan ang puso ko na mahalin ka katulad ng pagmamahal na ibinigay mo sakin. I’m sorry Caloy.”

“Siguro, hindi lang tayo para sa isat-isa. Alam mo ba Chichay, ayaw sana kitang isuko kay Akhiro kasi buong akala ko ay ginago ka nya.”

“Anong ibig mong sabihin?”

“Noong isang araw, nag-inuman kami at nag usap ng masinsinan ni Akihiro. Doon ko nalaman na napilitan lang sya na sumama kay Scarlet sa pag aakalang may sakit ito at magpapakamatay. Kaya pinagtabuyan nya sa takot na baka mamatay si Scarlet. Kahit naman sino makokonsensya kapag alam mong ikaw ang dahilan ng pagkamatay ng isang tao. Dahil wala syang magawa pinilit nyang makisama kay Scarlet. Hanggang sa natuklasan nya na niloloko lang pala sya nito at walang sakit. Kaya ka nya sinusundan dahil gusto nyang magpaliwanag sayo.”

Habang pinakikinggan ko ang kwento ni Caloy ay halu-halong emosyon ang nararamdaman ko. Nasasaktan ako dahil sa nangyayari. Nalulungkot ako para kay Caloy. At naguguluhan ako. Hindi ko na alam kung anong iisipin ko. After all this time, buong akala ko niloko ako ni Akihiro.

Isa isa ng tumulo ang luha ko.

“Caloy, bakit mo sakin sinasabi ang mga yan?”

“Dahil mahal kita at ayokong maging hadlang sa kasiyahan mo. Hindi lahat ng pagmamahal dapat ipaglaban, lalo na pag alam mong umpisa palang ay talo ka na.”

“Salamat Caloy.” Niyakap ko sya ng mahigpit ganoon rin sya sakin.

Pinunansan namin ang mga luha namin.

“Umalis ka na Chichay, puntahan mo na sya.” Tiningnan ko sya sa mga mata nya at tumango ako.

Tumakbo ako palayo kay Caloy. Kaylangan kong puntahan si Akihiro. Kaylangan nyang malaman na alam ko na ang buong katotohanan. Hindi na ako makapaghintay na mayakap sya ulit. Ayoko ng lumipas ulit ang mahabang panahon ng wala sya sa tabi ko.

**

“Akihiro!” Sigaw ko Dali-dali akong pumasok sa bahay para hanapin sya.

“Akihiro!” Paulit-ulit na ako pero wala pa rin sya.

“Bakit mo ba hinahanap si Akihiro?” Tanong ni Tiya Lupe.

“Tiya Lupe, nasaan po si Akihiro?”

“Naku, nandito lang yon kanina. Nageempake pa nga sya ng mga gamit nya eh. Babalik na raw sya ng Maynila.”

“Hindi pwede ‘to. Hindi sya pwedeng bumalik ng Maynila, Tiya.” Napaupo na lamang ako at umiyak.

Nahuli na ako. Kasalanan ko to eh. Dapat umpisa pa lang, pinakinggan ko na sya.

“Bakit hindi ako pwedeng umuwi ng Maynila?” Isang pamilyar na boses ang narinig ko at nabuhayan ako ng loob.

Tumayo ako at tumakbo palapit sa kanya. Sa sobrang saya ko ay niyakap ko sya ng napakahigpit.

“Akala ko, iiwan mo na ‘ko ulit.” Sabi ko.

“Hindi kita iiwan. At kahit makarating  ka pa sa kalawakan susundan pa rin kita.”

Hinawakan nya ang pisngi ko at sinelyuhan ang labi ko ng matamis na halik.

Ang Tsismosang Si Chichay - MayWard Fan Fiction (Complete Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon