IKA TATLUMPU'T DALAWANG KABANATA
CHICHAY'S P.O.V
Maraming bisita ang dumalo sa birthday party ko. Maraming pagkaen, palaro at regalo akong natanggap. Halos lahat ng tao sa paligid ko nakangiti at masaya maliban sa'kin.
Grabe diba? Ako ang may birthday, pero ako ang hindi happy. Parang ganito 'yan, birthday lang walang happy. Ganern!
Kung ako ang tatanungin ito na yata ang pinaka malungkot kong birthday. May mga bisita nga ako, bonggang party, mga regalo at magarang damit pero hindi naman dumalo 'yong taong mahal ko.
In short, isang malaking hopiang munggo ang beauty ko. Umasa lang ako sa wala. Isa akong certified abangers na pumuti na ang mata sa kakahintay sa kanya sa wala. Hindi ko alam kung bakit hindi s'ya sumipot. Malay ko kung may emergency bang nangyari, napatae s'ya sa brief n'ya, nanganak 'yong kapitbahay n'ya ng dinosaur. Ewan ko! Wala akong ideya.
Ang tanging alam ko lang bago pa ako mag birthday eh, s'ya pa 'tong excited sa'kin tapos hindi pala s'ya sisipot. Grabe s'ya diba?! Nakakasama lang talaga ng loob, alam mo 'yon?
Sana man lang kasi nagsabi s'ya na hindi pala s'ya makakarating. Maiintindihan ko naman s'ya, eh. Pwede naman n'yang sabihin, itext o itawag na, "Chichay, hindi ako makakarating sa birthday mo, sorry." Mahirap bang gawin 'yon?
Kung sa bagay, baka nga mahirap kasi hindi nga n'ya nagawa. Kasi kung madali lang gawin 'yon, malamang kanina pa n'ya 'yon ginawa at hindi ako nagmumukhang tanga rito.
"Hoy, tulala ka na d'yan?" Sabi ni Bruno na nakapagpabalik sa'kin sa realidad.
Napalingon ako sa paligid at nakita kong nagsisimula ng magligpit ng mga kalat ang staff ng catering services. Nag uwian na rin ang mga plastik na bwisita este bisita pala, na sinaid lahat ng pagkain dahil nakuha pa nilang mag take-out ng handa pauwi. 'Yan tayo, eh more lamon more fun! Impatcho pa more! Grabe sila! Hindi man lang nila nakuhang magtira kahit isang maliit na slice ng cake. Mga patay gutom! Mahirap! Maralita! Dukha! Hampaslupa! Timawa! Chos lang!
"Grabe 'yong mga bisita ha, ginawa nilang eat all you can 'tong birthday party ko." Maluha-luhang sabi ko.
"Umiiyak ka ba dahil walang natirang pagkaen o dahil walang Akihiro na sumipot?" Sarkastikong tanong ni Bruno.
"Anong supot? Hindi supot si Akihiro,ah!" Pagtatanggi ko.
"Loka! Ang sabi ko sumipot. Hindi supot! Pero infairness, paano mo naman nalaman na hindi s'ya supot? Nakita mo na ba ang tutut n'ya?" Pang-iintriga ni Bruno habang humahagikhik pa. Green minded pa more!
"Hindi 'no! Baliw! Pero, parehong nakakaiyak syempre. Ako 'yong may birthday pero ako 'yong hindi nakakain ng handa. Hustisya lang, uy! Nakakasama ng loob, eh!"
"Eh, bakit hindi ka kasi kumaen?"
"Eh, si Akihiro kasi."
"Bakit nasa kanya ba ang plato, kustara at tinidor?" Pamimilosopo ni Bruno.
"Hindi, nasa kanya ang mesa, wala akong pagpapatungan, shunga!" Sarkastikong sagot ko. "Respeto naman, friend. Kita mong masakit na nga 'tong puso ko ganyan ka pa."
"Joke lang! Ito naman hindi mabiro. Bakit ba kasi?"
"Akala ko pa naman kasi pupunta s'ya. Sabi pa n'ya excited s'yang magbirthday ako kasi s'ya raw ang escort ko. Tapos ngayon, eto, hindi naman pala s'ya sisipot. Grabe s'ya, ha! Ang daya-daya n'ya!"
"Ito naman. Baka naman kasi may emergency lang sa kanila. Saka party mo lang ang natapos 'no! Birthday mo pa rin naman ngayong gabi, diba? Malay mo may bongga pala s'yang supresa para sa'yo kaya s'ya nagpahuli."
BINABASA MO ANG
Ang Tsismosang Si Chichay - MayWard Fan Fiction (Complete Story)
HumorAng Tsismosang Si Chichay by: dolly_eyes23 All Rights Reserved 2014 (c) book cover credits by : owner of the picture Hindi totoo ang tsismis. Hindi totoo na girlfriend mo ako. Hindi totoo na boyfriend kita. Hindi totoo na merong 'tayo'. Hindi r...