ATSC 30

340 15 2
                                    


IKA TATLUMPUNG KABANATA

CHICHAY'S P.O.V

Kinabukasan, napansin ni Tiya Carina na parang matamlay ako at namamaga ang mga mata ko sa kakaiyak. Kaya hindi muna n'ya ako pinatulong sa pagbabantay sa tindahan. Mag-isa lang ako sa bahay at nagmumukmok. Wala akong ganang gumawa ng kahit anong gawain. Basta ang gusto ko lang magmukmok, sumimangot at umiyak. Wala akong panahon sa ibang bagay.

Habang abala ako sa pag-eemote, napatigil ako nang may narinig akong strum ng gitara mula sa labas ng bahay. Sumilip ako sa bintana at nakita ko si Akihiro may dala s'yang gitara at may isang boquet ng mga pulang rosas, isang kahong chocolate at malaking puting teddybear na nakapatong sa hood ng kanyang sasakyan. Akala n'ya siguro madadaan n'ya ko sa dala n'yang rosas, chocolate at teddy bear.

Nagtama ang mga paningin namin at nagsimula s'yang kumanta.

Buhay ko'y nasa 'yo

Matitiis mo ba ako (oh baby)

H'wag sanang magtampo

Sorry, pwede ba?

Pagkatapos kong marinig ang kanta n'ya inirapan ko lang s'ya at sinara ko na ang bintana.

Anong akala n'ya, simpleng harana at suhol lang ay okay na? Akala n'ya siguro gan'on kadaling magpatawad. Pwes, nagkakamali s'ya. Ang sakit kaya ng ginawa n'yang panloloko sa'kin.

"Chichay! Pakinggan mo naman ako, please?!" Sigaw ni Akihiro mula sa labas ng bahay.

Hindi ko s'ya pinansin. Ayoko s'yang harapin.

"Hindi kita niloko. Makining ka naman sana sa'kin. Pag-usapan natin 'to!" Sigaw ulit n'ya.

"Hindi ako aalis dito kahit anong mangyari. Hangga't hindi tayo nagkakabati dito lang ako. Hihintayin kita."

Nagpanting ang tenga ko sa narinig ko kaya naman binuksan ko ang bintana. Nagtama na naman ang mga paningin namin at kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata n'ya.

Talagang s'ya pa ang may ganang malungkot sa kabila ng ginawa n'ya? Tsk!

"Umuwi ka na nga! Nakakaistorbo ka! Saka anong akala mo, madadaan mo ako sa mga ganyan mo? Alam mo ba kung ga'no kasakit ang ginawa mo? Wala kang alam! Hindi mo alam!" Sigaw ko at padabog na sinara ko ulit ang bintana.

"Kahit anong sabihin mo, hindi ako uuwi! Mahal na mahal kita, Chichay!" Sigaw ni Akihiro.

Hindi ko na s'ya pinansin. Hinayaan ko s'yang magsisisigaw d'on. Pero parang wala akong narininig. Hindi ko iniintindi ang bawat salitang binibigkas n'ya.

Matapos s'yang magsisisigaw, kumanta na naman s'ya na tila hinaharana ako. Aminado ako natutuwa ako sa effort na ginagawa n'ya ngayon. Pero, syempre sinaktan at niloko n'ya 'ko, kaya nag-aalinlangan ako kung totoo ba 'tong pinapakita n'ya sa'kin. O baka parte lang ito ng pagpapanggap n'ya.

Halos limang oras rin ang tumagal at nanahimik na rin s'ya sa pagkanta at pagsigaw. Napagod na siguro s'ya sa ginagawa n'ya kaya siguro umuwi na lang s'ya. Sinilip ako sa bintana para malamang kung nandun pa ba s'ya o umuwi na. At nakita kong nand'on pa rin s'ya. Hindi s'ya umaalis sa kinatatayuan n'ya.

Medyo naawa ako sa kalagayan n'ya dahil paniguradong masakit na ang mga paa n'ya dahil limang oras na rin s'yang nakatayo. Saka tinitiis n'ya rin ang mataas at mainit na sikat ng araw. Namumula na ang balat n'ya. Paniguradong magkakasun burn s'ya pagkatapos. Nag-aalala rin ako na baka hindi pa s'ya kumakain at baka madehydrate s'ya sa ginagawa n'ya.

Ang Tsismosang Si Chichay - MayWard Fan Fiction (Complete Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon