IKA TATLUMPUT ISANG KABANATA
AKIHIRO'S P.O.V
Masayang-masaya akong umuwi sa condo unit ko dahil sa wakas ay nagkaayos na kami ni Chichay.
Pero laking gulat ko ng pagbukas ko ng pinto ay naroon si Scarlet at nakaupo pa sa sofa.
"Anong ginagawa mo rito? Paano ka nakapasok?" Inis na tanong ko sa kanya.
"Wow! Ganyan ka ba mag-welcome ng bisita ngayon? Pagkatapos mo 'kong paghintayin ng matagal." Pamimilosopo ni Scarlet.
Sinamaan ko s'ya ng tingin.
"Relax, Akihiro. Remember binigyan mo ko dati ng duplicate? And presto nakapasok ako." Sagot n'ya. Lumapit s'ya sa'kin at akmang hahalikan ako.
Kaagad ko s'yang inilagan. Nakakainis! Noon halos isuka n'ya ko at iniwan. Ngayon may iba na 'kong mahal saka naman s'ya magsusumiksik at maghahabol. Mga babae talaga. Sala sa lamig, sala sa init.
"Pwede ba, Scarlet! Kung may natitira ka pang hiya sa katawan mo, tigilan mo na ko. Tigilan mo na kami ni Chichay." Inis na sabi ko.
"Galit ka na ba? Dapat na ba 'kong matakot?" Tumawa pa s'ya na parang akala n'ya biro lang ang lahat.
"Actually, wala akong pakialam kung magmukha akong bitch sa paningin mo. In the first place, una kang naging akin. Binabawi ko lang kung ano ang sa'kin." Dagdag n'ya.
"Kahit kaylan, hindi ako nanging pagmamay-ari mo! Kaya pwede, umalis ka na."
"Talaga? Let's see." Sagot n'ya habang padabog na lumabas ng aking condo unit.
Naiwan ako na may gumugulo sa isipan ko. Anong ibig sabihin ni Scarlet?
***
Tatlong araw ang nakalipas, wala namang kakaibang nangyari.
Tinigilan na ako ni Scarlet sa pangungulit n'ya. Mukhang natauhan na yata s'ya. Mabuti naman kung ganoon.
Nandito ako sa isang mall habang abala ako sa paghahanap ng panregalo para sa nalapapit na birthday ni Chichay, sa mall. Dalawang araw na lang kasi ay kaarawan na n'ya. Kaya gusto ko s'yang bigyan ng regalo. Kaso, ano? Palagi ko naman kasi s'yang binibigyan ng flowers, chocolates at stuff toys. This time, gusto ko sana iba naman. 'Yong tipong special talaga para sa kanya.
Hanggang sa napukaw ang atensyon ko sa isang kwintas na nakadisplay sa isang jewelry store. Isa itong 24 karat white gold na may pendant na shooting star. Napangiti ako dahil naalala ko si Chichay. S'ya kasi ang katuparan ng mga hiling ko.
Ang korney! Pero sabagay, ganon talaga kapag nagmamahal ka. Mas korney mas nakakainlove, diba?
Pumasok ako ng jewelry store at binili ko ang kwintas. Sumakay ako ng aking kotse para puntahan si Chichay. Itinago ko muna ang kwintas sa secret drawer ng aking sasakyan dahil baka makita n'ya ang regalo ko. Hindi pa ito ang tamang oras para d'on.
Byumahe ako sakay ng kotse papunta kila Chichay. Pagkarating ko doon ay sinalubong n'ya ako ng mahigpit na yakap at halik.
"Miss na miss mo ko, ah!" Bati ko sa kanya.
"Syempre naman. Bakit ikaw, hindi mo ba ako namimiss?" Tanong n'ya.
"Syempre, hindi." Sagot ko.
"Hindi?!"
"Oo dahil miss na miss na miss kita!" Niyakap ko s'ya ng mahigpit ulit.
"Ang korney mo. Tara na nga sa loob kumaen tayo." Pag aaya n'ya.
BINABASA MO ANG
Ang Tsismosang Si Chichay - MayWard Fan Fiction (Complete Story)
HumorAng Tsismosang Si Chichay by: dolly_eyes23 All Rights Reserved 2014 (c) book cover credits by : owner of the picture Hindi totoo ang tsismis. Hindi totoo na girlfriend mo ako. Hindi totoo na boyfriend kita. Hindi totoo na merong 'tayo'. Hindi r...