IKA-LABING WALONG KABANATA
CHICHAY's P.O.V
Sobrang namangha ako sa ganda ng Palawan. Hindi ko akalain na ganito kalapit ang bahay bakasyunan nila Akihito sa isla. Mas maganda pa nga ito kumpara sa Boracay, eh. Teka, pano ko naman nasabi 'yon kung hindi pa ako nakakarating ng Boracay? Pero in all fairness lang talaga sobrang ganda dito, para akong nasa isang paraiso.
Sa sobrang pag ka-excite ko ay agad kong inayos ang mga gamit ko mula sa aking bagahe at sinalansan sa cabinet. Magkatabi kami ng kwarto ni Akihiro na nag-aayos din malamang ng gamit n'ya. Pagkatapos n'on ay imbis na magpahinga ako sa pagod mula sa mahabang byahe ay agad akong lumabas ng aking kwarto para katukin si Akihiro sa kabilang kwarto. Niyaya ko s'yang pumunta sa dagat.
***
Basang-basa kami ni Akihiro nang bumalik kami sa rest house nila. Pagkatapos namin maligo at makapagpalit ng damit at nakaramdam kami ng gutom. Hapunan na rin kasi kaya kaylangan na naming kumain. Dito, wala silang kasambahay, tanging care-taker lang ang meron sila. Kaya naman, todo effort kami sa pagluluto ng kakainin namin. Mabuti na lang marunong kami parehong magluto.
"What if hotdog na lang?" Tanong ni Akihiro. Hanggang ngayon kasi ay hindi naman alam kung ano ang lulutuin namin dahil sa dami ng pagkaen sa ref. Marahil bago pa kami dumating dito ay pinautos na n'ya sa care-taker nito ang mga kaylangan namin.
"Hotdog? Hindi ba parang walang buhay 'yon?" Sagot ko. Ayoko nga ng hotdog lang. Wala kayang sustansya 'yon saka marami namang hotdog sa Manila. Gusto ko 'yong kakaiba naman.
"Trust me, masaya 'to." Bigla na lang s'yang naglabas ng ilang piraso ng hotdog at sticks mula sa ref at dinala n'ya ito palabas ng bahay.
Saan n'ya kaya balak lutuin 'yong hotdog, sa ilalim ng buwan? Grabe, masaya nga 'to. Sa sobrang saya ay nakakainis na rin. Gutom na ko, eh. Nag-aalburuto na ang mga bulate sa tyan ko.
Sinundan ko si Akihiro palabas ng bahay at laking gulat ko nang makita ko ang isang maliwanang na bonfire doon. Paano nagkaroon n'on doon in an instant?
"Nagustugan mo ba?" Nakangiti n'yang tanong. Nakaupo s'ya malapit sa bonfire habang nagtutuhog ng hotdog sa stick.
"Ang ganda. Ngayon ko lang maeexperience ang mag camping." Sagot ko. Nilapitan ko s'ya at tinulungan sa pagtutuhog ng mga hotdogs sa sticks.
"Mabuti naman nagustuhan mo." Ngumiti s'ya ng matamis. 'Yan na naman 'yong ngiti na nakakapagpatunaw sa'kin. Ano ba, Akihiro, kinikilig ako lalo!
"Paano nagkaroon nito dito, diba wala naman 'to kanina n'ong nandito pa tayo?" Nagtatakang tanong ko.
"Si Manong Berting ang gumawa n'yan. Pinahanda ko 'yan sa kanya kanina n'ong abala ka sa pagligo." Sagot nito.
Si Manong Berting, ang care-taker nitong bahay bakasyunan nila Akihiro. Mabait ang matanda sa amin, katunayan pa nga ay mainit n'ya kaming sinalubong kanina. Gusto ko nga sanang s'yang ayain sumalo sa'min kaso nakauwi na raw sabi ni Akihiro. Nanunuluyan lang si Mang Berting dito sa bahay bakasyunan kapag walang taong maiiwan rito o kapag wala ang pamilya nina Akihiro. Pero kapag nandito sila upang magbakasyon ay pinapauwi muna nila si Mang Berting sa tahanan nito para makasama rin nito ang pamilya n'ya. At 'yan ang talambuhay n'ya. Oh, diba ang taray ng extra? May eksena pa s'ya rito kahit na no show s'ya. Samantalang ang kumare kong si Bruno, walang eksena. Nasa Manila s'ya, hello?
Speaking of Bruno, ang bestfriend kong baklang bisugo, namimiss ko na agad s'ya. Sana balang araw makapunta rin s'ya rito kasama ko. Pati na rin si Tiya Carina. Kumusta na kaya silang dalawa? Nakamove-on na kaya si Bruno mula sa ex-boyfriend n'yang mukhang earthworm na dinapuan ng malubhang tipus? Nasagot na naman kaya ni Tiya Carina ng tama ang bagong blind item sa dyaryo? May bago na kayang chikka sa palengke ng Divisoria? Sayang, hindi na ko updated sa bagong blind item at latest chikka nila. Pero, pangako, pagkarating na pagkarating ko d'on, aalamin ko 'yon lahat. Makikipag-tsismisan at mag-uupdate ulit ako ng mga bago kong chikka. Hindi ako pwedeng mahuli, ako pa rin ang nag-iisang Reyna Ng Mga Tsismosa.
BINABASA MO ANG
Ang Tsismosang Si Chichay - MayWard Fan Fiction (Complete Story)
HumorAng Tsismosang Si Chichay by: dolly_eyes23 All Rights Reserved 2014 (c) book cover credits by : owner of the picture Hindi totoo ang tsismis. Hindi totoo na girlfriend mo ako. Hindi totoo na boyfriend kita. Hindi totoo na merong 'tayo'. Hindi r...