ATSC 21

614 26 0
                                    

IKA DALAWAMPU'T ISANG KABANATA

CHICHAY's P.O.V

"Alin ang mas maganda, 'tong pink o 'tong blue?" Tanong ko kay Bruno habang hawak ko sa magkabila ang nakahanger na blouse.
Nasa isang tiangge kami at bumibili ng damit na susuotin ko para mamayang gabi. Ipapakilala na kasi ako ni Akihiro sa pamilya n'ya. Kaya heto, kaylangan kong maging presentable mamaya. Kinakabahan na nga ako, eh. Baka kasi hindi nila ako magustuhan para sa anak nila.
"Wala bang neon orange?" Balik na tanong ni Bruno. 'Yan na naman s'ya. Paborito n'ya talaga ang kulay orange kaya lalo s'yang nagmumukhang hipon, eh.
"May nakikita ka bang orange d'yan? Ituro mo nga sa'kin at ipupulupot ko sa leeg mo hanggang sa masakal ka." Sabi ko. Nakakainis kasi, eh. Ayaw mag-seryoso. Kaya ko nga s'ya sinama papunta rito ay para tulungan akong pumili ng damit. Pero kunsumisyon lang yata ang mapapala ko.
"Joke lang, ito naman. 'Yong kulay pink bagay sa'yo. Mukha kang hindi tsismosa kapag sinuot mo 'yan."
"Baliw."
Walang kaabog-abog na pinili ko agad 'yong kulay pink na blouse. Nagpunta na ako sa sales lady para sabihin kukunin ko na.
"Miss, kukunin ko na 'to." Sabi ko pero hindi n'ya ako pinansin. Dahil abala ito sa panonood ng t.v.
"Sige, patunayan mong may forever. Tunganga pa more!" Bulong ko at saka tumingin sa t.v.
Sus me! Kaya naman pala halos tumulo na ang laway ng sales lady dahil sa gwapo ni Akihiro. Teka, ni Akihiro?! Aba! Balak pa yata akong agawan ng babaeng 'to, ah!
Binalik ko ang atensyon ko sa t.v at nanood ako ng interview ni Akihiro. In fairness, ang gwapo talaga ng boyfriend ko kahit nasa t.v sya.
"Kanina pa kita hinihintay doon, nandito ka lang pala." Singit ni Bruno sa likuran ko.
"Shhh! H'wag kang maingay. Manood ka na lang."
Nanonood lang kaming tatlo sa interview ni Akihiro at halos mapanganga ako sa mga tanong ng media at paparazzi sa kanya.
"Akihiro, totoo ba 'yong kumakalat na picture na may kasama ka raw na non-showbiz girl sa airport at nagpunta daw kayo sa Palawan para magbakasyon?" Tanong ng babaeng paparazzi na kasing puti na ng typewriting ang balat at halatang ginawang chichirya ang glutathione.
"Oo. And girlfriend ko na s'ya." Sagot ni Akihiro. Naks, proud boyfriend! Kinilig ako.
"Totoo rin ba ang kumakalat na tsismis na tindera lang sa palengke ang girlfriend mo? At totoo rin ba na pineperahan ka lang n'ya?" Tanong naman ng isa pang paparazi na halos lumuwa na ang retokada n'yang boobs na kasing laki ng melon.
Ano bang problema ng mga 'to? Bakit parang sinisiraan nila ako kay Akihiro at sa buong Pilipinas? Ano namang pakialam nila kung hamak na tindera lang ako? Wala ba akong karapatang lumablayp? Dadami ba ang followers nila sa twitter kapag pinakialaman nila ang relasyon namin ni Akihiro? Nakakaloka!
"Oo mahirap nga s'ya. Pero, please lang, bigyan n'yo naman ng respeto ang girlfriend ko dahil hindi s'ya tulad ng inaakala n'yo. Mabait s'yang tao at mahal namin ang isa't-isa. Sorry but, I have to go. Marami pa 'kong appointments." Sagot ni Akihiro at saka ito padabog na pumasok sa kanyang sasakyan. Mukhang nainis s'ya sa tanong ng paparazzi.
Ang bongga talaga ng boyfriend ko! Mabuti na lang ganyan s'ya mag-isip. Hindi tulad ng mga chakkang paparazzi na 'yon, masyadong judgemental.
"Astig ng boyfriend mo, Kumars. Sana magkaroon rin ako ng katulad n'yang kaya akong protektahan sa lahat ng bagay." Sabi ni Bruno.
"Sige push mo 'yan." Sabi ko na lang. Bigla namang nag ring ang cellphone ko. Napangiti ako nang makita ko sa screen ang pangalan ng tumatawag, si Akihiro.
"Hello, baby love. Napatawag ka yata." Sabi ko.
"Namimiss lang kita baby love. Ready ka na ba para mamaya?"
"Sweet mo naman." Kilig na kilig na sagot ko. "Sa totoo lang kinakabahan pa ako. Pero nandito ako sa tiangge para bumili ng blouse. Gusto ko presentable akong haharap sa pamilya mo."
"H'wag ka ng gumastos. May inutusan ako para magdala ng susuotin mo. Umuwi ka na baka naghihintay na 'yon sa labas ng bahay n'yo."
"Ikaw talaga. Salamat baby love. Kita kits mamaya. I love you."
"I love you too. Ingat ka." At saka ko binaba ang tawag.
"Ate, kukunin n'yo po?" Biglang singit ng sales lady.
Wow! Tapos na pala s'yang manood ng t.v. Nakakahiya naman sa kasipagan n'ya, ano po? Kung hindi n'ya inatupag ang panonood, edi sana nabili ko na 'to kanina pa.
"Oo, kukunin ko sana kanina. Kaso nagbago na isip ko. Manood ka na lang t.v baka sakaling makabenta kayo." Sabi ko sabay alis ng tiangge. Sumunod naman sa'kin si Bruno.
***
Pag-uwi ko kasama si Bruno ay naghihintay na sa tapat ng bahay namin ang delivery boy na may dala ng susuotin ko para mamaya. Binigay n'ya ang dalawang box sa'kin at saka umalis na. Madaling-madali kami ni Bruno sa pagbukas ng box. At bumungad sa amin ang kulay peach na dress na may puting lace sa palda at neckline nito.
"Wow! Sobrang ganda naman nito." Sabay naming sabi ni Bruno.
Sunod namin binuksan ang isa pang box at isang puting sandals na may mataas at manipis na heels ang laman nito.
"Wow! Para kang si Cinderella d'yan." Puri ulit ni Bruno.
"Oo nga, eh. Sobrang ganda. Kaya lang..." pabitng effect ko.
"Kaya lang, ano?" Tanong ni Bruno.
"Hindi ko yata kayang dalhin 'tong sandals na 'to. Baka matapilok lang ako. Nakakahiya."
"Alam mo, ang nega mo. Madali lang 'yan. H'wang kang kabahan. Isipin mong kaya mo. Nandyan naman si Akihiro para alalayan ka, eh."
Bigla naman akong kinilig sa sinabi ni Bruno. Tama nga s'ya, h'wag akong kabahan dahil hindi naman ako pababayaan ni Akihiro.
"Sabagay, tama ka d'yan. Naku! Ang swerte, swerte ko talaga." Sagot ko kay Bruno.
"Oo. Pero, tulad ng sabi ko sa'yo nung nakaraan, hindi madali ang maging girlfriend ng isang sikat na Akihiro Monreal. Tulad ng napanood mo sa t.v kanina, lahat sila huhusgahan ka. At wala kang maitatago sa kanila dahil susundan ka ng intriga kahit nasaan ka pa."
"Alam ko naman 'yon. Pero, kakayanin namin 'to. Hindi kami magpapaapekto sa mga 'yon. Papatunayan ko na mahal ko talaga si Akihiro."
"Oo na. Pero maligo ka muna, dahil baka mahimatay pa si Akihiro 'pag naamoy ka n'ya." Sabay takip n'ya ng kanyang ilong. "Hmpf! Ang baho mo, amoy putok ka."
"Tse! Hiyang-hiya naman ako sa amoy ng hininga mong mas mabaho pa sa tae ng baboy." Sagot ko at binato ko s'ya ng alarm clock bago pumasok sa banyo para maligo.
Narinig ko pa si Bruno na napaaray sa sakit dahil tinamaan ko s'ya sa tuhod pero hindi ko s'ya pinansin. Bahala s'ya d'yan!
***
Kinagabihan ay inayusan ako ni Bruno. Nilagyan n'ya ako ng light make-up tapos tinirintas n'ya ang mahaba kong buhok. Habang si Tiya Carina naman ay nilagyan ang kuko ko ng baby pink na nail polish. Matapos ang halos dalawang oras na makeover ay hindi ako makapaniwala sa naging resulta. Ang ganda ko lalo, peksman, mamatay man si Bruno na mukhang bisugo.
"Ang ganda naman ng Kumars ko, manang-mana sa'kin." Puri ni Bruno sa'kin.
"Bakit... ikaw ba nanay n'ya?" Hirit ni Tiya Carina.
"Grabe ka naman Tiya! Ganyang-ganyan kaya ang itsura ko kanina n'ong hindi pa ko constipated."
Bigla naman kaming nagtawanan sa sinabi ni Bruno. Sa gitna ng kasiyahan namin ay may busina kaming narinig mula sa labas ng bahay.
"Oh! Nandyan na pala ang sundo mo." Sabi ni Tiya Carina.
Biglang kumabog ng mabilis ang puso ko. Parang mayroong nagsasayaw ng twerk like miley doon.
Maya-maya pa kumatok na s'ya sa pintuan namin at binuksan ito ni Tiya Carina. Bumulaga sa'min ang napaka-gwapo ay yummy n'yang aura. Mas naging gwapo s'ya ng ten times sa suot n'yang royal blue three-fouth long sleeves at black pants. Bagong gupit din s'ya at naka-eye glasses na frameless. Shemay! Lakas maka-leading man ng boyfriend ko!
"Hoy! Natulala ka na d'yan." Sabi ni Akihiro na nagpabalik sa'kin sa katinuan. Nasa harapan ko na pala s'ya.
Napalunok muna ako bago nakapagsalita.
"A-ano nga ulit 'yong sinasabi mo?" Nagtatakang tanong ko.
"Ang sabi ko, tara na." Pag-aaya n'ya at nilahad pa nito ang kanyang kamay.
"Ah, oo. Sabi ko nga tara na, eh." Tinanggap ko ang kamay n'ya. Magkaholding hands na kami.
Jusko Lord, kinakabahan po ako.
"Ang lamig ng kamay mo. Relax, akong bahala sa'yo." Kinandatan n'ya ako.
Para akong natutunaw na ice cream sa ginawa n'ya.
Nagpaalam na kami kina Tiya Carina at Bruno na halatang masayang-masaya para sa'kin.
"Ikaw ng bahala sa pamangkin ko, ha? Mag-iingat kayo." Paalala ni Tiya bago kami umalis.
"Opo, Tiya. Hindi ko po pababayaan si Chichay. Prinsesa ko yata 'yan!" Pagmamalaki naman ni Akihiro.
At 'yan na naman ang puso kong nag-twirk like miley sa lakas ng kabog.
"Kumars, may nilagay akong plastic bag sa pouch mo. Mag-uwi ka ng maraming ulam, ha?" Hirit ni Bruno.
"Ulol! Anong akala mo pyesta? Magtigil ka d'yan." Sagot ko.
Nagpout na lang ang mukhang bisugo kong bestfriend, hindi naman bagay sa kanya. Sumakay na kami ni Akihiro sa kanyang sasakyan at pinaandar n'ya ito papunta sa kanila.
***
"Bahay ba 'to?" Namamanghang tanong ko nang makarating kami sa bahay nila Akihiro.
Ang laki ng bahay nila parang palasyo. Modern style s'ya na kulay black, white at mahogany ang motif. May malaki pa silang swimming pool at garden ng mga roses at orchids. Akala ko sa mga magazines lang nageexist ang ganito kaganda at kalaking bahay. Meron pala nito sa tunay na buhay.
"Malamang. Ano bang tawag mo rito?" Tanong ni Akihiro.
"Palasyo! Ang laki kaya nito."
"Ewan sa'yo. Pumasok na tayo. Paniguradong naghihintay na sila sa'tin." Hinila n'ya ako para pumasok.
"Teka, kinakabahan ako." Hinila ko naman s'ya paatras.
"Nandito naman ako, eh. Hindi kita pababayaan. Relax. Magpakatotoo ka lang. I'm sure magugustuhan ka nila." Nginitian n'ya ako ng matamis.
Pumasok na kami sa bahay nila at bumulaga sa'kin ang napaka-elegante itsura ng bahay. Ang gaganda ng mwuebles at ng mga vase na halatang mamahalin. May malaking at makinang na chandelier. At ang staircase ang ganda. Naiimagine ko tuloy ako si Cinderella na umattend sa isang party.
"Mom, dad, ate, I want you to meet my beautiful and loving girlfriend, Chichay." Pakilala ni Akihiro sa'kin mula sa sumalubong sa'min.
"Chichay, meet my family. My mommy Agatha. My daddy Liam. And my older sister, Betinna."
"Magandang gabi po, ma'am, sir." Nagbow pa ako sa harap nila.
"Magandang gabi rin hija. Call us tito, tita and ate na lang." At nagbesos sa'kin 'yong mommy ni Akihiro. Grabe! Baby face si madir!
"Come and join us. Naghanda kami ng masarap na hapunan." Pag-aaya naman ng Ate Betinna n'ya.
Dumeretso kaming lahat sa kusina at kumain.
"Kumusta naman ang relasyon n'yo, hija? Hindi ka ba pinahihirapan ng anak ko? Matinik sa chicks 'yan, parang daddy n'ya." Tanong ni Tita Agatha.
"Ay naku! Subukan lang po n'yang mambabae kundi putol sa'kin ang patola n'ya." Sagot ko at sumubo ng pagkain.
Infairness, ang sarap ng pagkain nila. Lalo na 'yong sweet & spicy buffalo wings.
"Wow! I like your girl spirit!" Sabi ni Bettina at nag-apir kaming dalawa.
"So, paano kayo nagkakilala?" Tanong naman ng daddy Liam n'ya.
"Customer po namin s'ya sa palengke. Hindi nga po maganda ang pagkikita namin dahil hinalikan n'ya po ako."
"That's my man!" Tinap pa si Akihiro ng tatay n'ya sa balikat.
"Pero dahil po sa ginawa n'ya kwinento ko po sa iba. Ang ending po lumabas na boyfriend ko po s'ya kahit hindi. Kaya po pinakulong n'ya ko."
"Really? Akihiro?" Kinabigla naman ito ni Tita Agatha.
"Pero syempre po hindi po ako nagpatalo. Sa huli po inurog n'ya po ang demanda at nakalaya po ako. At ngayon po..." biglang uminit ang mukha ko. Paniguradong namumula na ko ngayon. "Boyfriend ko na po s'ya." Pagpapatuloy ko.
"Aww! What a cute love story." Puri ni Tita Agatha.
Hindi rin nagtagal, naramdaman ko na kumportable na ako. Ang bait-bait at ang init ng pagtanggap ng pamilya ni Akihiro sa'kin. Hindi ko naramdaman na iba ako at iba sila. Hindi sila matapobre at tinanggap nila ako para sa anak nila.

Ang Tsismosang Si Chichay - MayWard Fan Fiction (Complete Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon