ATSC 10

801 35 5
                                    

dedicated po kay bebe idol ckaichen :) ang bait nya kasi sakin eh :)

***

IKASAMPUNG KABANATA

CHICHAY's P.O.V

"Chichay!" Napalingon ako sa tumawag sa akin. Akala ko sinundan ako ni Akihiro, mali pala ako. Si Bruno lang pala. Sabgay bakit naman ako susundan ni Akihiro? Para magsorry? Hibang ka Chichay! Eh, diba nga kasalanan mo rin naman. Pasaway!

"Hoy! Tulala ka? Anong nangyari sa'yo?" Napabalik ako sa realidad sa sinabi ni Bruno. "Mukha kang nakakita ng aswang."

"Bakit hindi ka ba mukhang aswang, Bruno?" Inirapan ko s'ya.

"Ang hard mo 'te! Meron ka?"

"Ewan ko sa'yo."

"Alam mo, para mawala 'yang problema mo- ichika mo na lang sa akin ang nangyari." Ngumiti ng malapad si Bruno. Sabik sa tsismis ang bisugong bakla.

"Ayoko nga!" Siniringan ko s'ya. "Baka mamaya kumalat na naman 'to sa buong Pilipinas tapos makulong na naman ako dahil sa'yo."

"Sorry naman. Hindi ko naman akalin na may kaso palang pwedeng isampa sayo. Ano nga 'yon oral recitation?"

"Gaga, anong akala mo sa bilangguan- classroom?" Napatawa ako at s'ya namang simangot n'ya. "Oral defamation 'yon."

"Whateber! Chichikka ka ba o lalayasan kita?" Mukhang naasar yata, lalo s'yang nagmumukhang bisugo eh.

"Heto na nga ang nangyari kanina, sinundo kasi ako ni Akihiro sa bahay para pagplanuhan ang panliligaw n'ya sa ex-girlfriend n'ya. Pero wala kaming nabuong plano dahil..." Natigilan ako sa sasabihin ko parang nag-aalangan akong sabihin 'yon sa kanya. Tila may batong nakabara sa lalamunan ko.

"Dahil ano? H'wag mong sabihin sa akin na nag-kiss na naman kayo?" Hindi ako kumibo. "Hoy, ano na? Bakit hindi ka na kumibo d'yan?" "Tanga ka ba, Bruno? Sabi mo h'wag kong sabihin sa'yo. Tapos magtatanong ka d'yan kung bakit hindi ako nakibo. Brain please!" "Ang hard mo talaga!" Inirapan n'ya ako.

"Bakit nag-kiss ba kayo kaya hindi ka kumibo?"

"Hindi!" Mariing pagtatanggi ko.

"Hindi naman pala eh. Aarte pa 'to!" Umirap ulit s'ya. Pwe! Hindi naman bagay. Nakakasuka! "Eh kasi akala ko magchochorvahan na kami. Alam mo 'yon- intimate scene."

"Ay sus! Kaya pala ang tagal bago sabihin. Disappointed ka naman?" Puto ni Ina! Ako disappointed? Baka siya.

"Gaga hindi! Tatakbuhan ko ba naman 'yong mokong na 'yon kung disappointed ako?"

"Sus! Kunwari pa 'to. Gwapo si Akihiro. Baka nga ikaw pa ang magnasa sa kanya, eh." "Hoy, hindi 'no! Never!" Mariing pagtatanggi ko. Deep inside, gwapo naman talaga si Akihiro, eh. Bwisit lang siya kung minsan.

"Gusto mo isumbong na natin sa pulis sabihin nating muntik ka ng rapepin ni Akihiro?" Sarkastikong tanong n'ya.

"Sira! Ayaw ko ng gulo. Saka ako naman ang nauna." Shet! Anong sinabi ko?

"Tingnan mo! Pademure ka pa d'yan, eh, ikaw naman pala 'tong nauna."

"Ewan ko sa'yo. Samahan mo na lang akong bumalik sa palengke- walang kasama si Tiya Carina kaya paniguradong pagod na 'yon."

"Naku, hindi pwede. May date ako. Kaya nga nagpaganda ako ngayon eh." Nagbeautiful eyes pa s'ya. Kadiri! Ang sarap sukahan ng pagmumukha. Tiningnan ko si Bruno na mula ulo mukhang paa. Suot niya ang neon orange na blouse, skirt, sandals, bag at hikaw. With matching pink lipstick na may glitters. Kaya pala parang may kakaiba kay Bruno dahil ngayon ko lang s'ya nakita na ganyan ang porma. Lalong sumasakit ang mata ko sa pagmumukha n'ya.

Ang Tsismosang Si Chichay - MayWard Fan Fiction (Complete Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon